Feb 13, 2012

Reverie (Part 9)

Heto na po ang Part 9... Sana ma-enjoy nyo ang part na to. Isa nalang po at matatapos na ito. :)


REVERIE (Part 9)


Nagising ako na malagkit ang pakiramdam, lalo na sa leeg at dibdib. Masakit ang ulo, makirot, parang pinukpok ng matigas na bagay.

Nabaling ang tingin ko sa tabi ko. Naroon si Leo, nakadapa sa kama, nakaharap ang mukha sa akin, tulog na tulog. Napansin ko ang natuyong bakas ng luha sa pisngi niya, naawa ako sa hitsura niya.

Dahan-dahan akong umupo. Biglang parang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko. Sobrang kirot, parang nahiwa, mahapdi. Iniangat ko ang pwet ko, may dugo sa pinaghigaan ko. Nakakapagtaka.

Lalong sumakit ang ulo ko nang biglang bumalik sa akin ang ala-ala kagabi.




“Akin ka ngayon Yani, akin ka lang!”

Para akong manyikang walang kontrol sa sarili kong katawan. Ang utak ko’y gising na gising, sinusubukang pigilan kung anu man ang binabalak ni Leo sa akin ngunit bigo ako, wala akong magawa.

“Akin ka lang Yani….”

Paulit-ulit na sinasabi niya sa pagitan ng bawat hikbi habang sinasakop niya ang buong katawan ko.

Ilang saglit lang, para akong isdang pinipirito nang baligtarin niya ako. Nakadapa ako, di gumagalaw. Pumatong siya sa likuran ko, yumakap sa aking ng mahigpit. Humihikbi.

Naramdaman ko nalang ang sapilitang pagpasok ng isang bagay sa butas ng likod ko. Masakit, parang dahan-dahang pinupunit ang balat ko, mahapdi, makirot, subalit wala akong magawa.

Umuulos siya, dinig na dinig ko ang paghingal niya habang nararamdaman ko ang pagpatak ang kung anong likido sa batok ko na umaagos patungo sa leeg ko. Di ko alam kung ano yun, basta mainit-init.

Gusto kong sumigaw, gusto kong magwala, ngunit para akong gulay na lupaypay, di makagalaw. Ang tingin ko kay Leo sa mga sandaling yun ay isang mabangis na leon na nagpipista sa laman ng isang usa.

Tumigil lang siya sa pag-ulos nang maramdaman ko ang pag-agos ng mainit na katas niyang nasa loob ng aking likuran ngunit hindi siya umalis sa kanyang posisyon. Hingal na hingal siya. “Yani, huwag mo akong iiwan.” Ang ibinubulong niya sa aking tainga, ang boses ay malat.




Parang sasabog ang utak ko sa mga naalala ko. Habol-habol ang hininga, matalim kong tinignan si Leo. Parang gusto ko siyang saksakin sa mga sandaling iyon. Binaboy niya ako!

Tumayo ako’t naglakad papunta ng banyo. Iika-ika ako sa paglalakad dala ng hapdi ng likuran ko. Ramdam ko pang may malagkit na likodo doon, nang hawakan ko’y nakita ko ang malapot na dugo sa daliri ko.

Tumayo ako sa ilalim ng shower head, binuksan ang shower at hinayaang dumaloy ang tubig sa katawan ko. Halos mapasigaw ako nang daanan ng tubig ang pwet ko dahil sa ibayong hapdi. Nagkuyom ang kamao ko, gigil na gigil ako, gusto kong manapak! Punong puno ng galit ang dibdib ko ngunit wala akong nagawa kundi ang humikbi nalang.




Matapos maligo’y nagtapis ako ng tuwalya. Pagbukas ko ng pinto ng banyo’y nakita kong nakatayo doon si Leo, parang madungis na bata dahil sa bakas ng natuyong luha at uhog sa kanyang mukha.

“Sorry Yanny…” wika niya at nagsimula na namang mamuo ang luha sa kanyang mga mata.

Di ako sumagot. Lalabas na sana ko’t dadaan sa gilid niya nang bigla niya akong yakapin.

“Yani I’m sorry…” umiiyak na siya.

Kumalas ako’y pinulot ang mga damit ko. Isinuot ko ang brief ko. Lumuhod siya’t yumakap sa baywang ko.

“Yani patawarin mo ako… Patawad…” Para siyang paslit na nagbabantang iwanan ng magulang sa mga sandaling yun.

“Bitawan mo ako Leo.” Wika ko habang pilit na tinatanggal ang mga kamay niya sa pagkakayakap sa akin.

“No! No! Please wag mo akong iwan!” Lalong lumakas ang pag-iyak niya.

Nang matanggal ko ang kamay niya’y maagap niyang niyakap ang hita ko. Nakita ko ang bote ng wine kagabi. Kinuha ko yun at ipinukpok sa mesa upang mabasag ito. Dinuro ko siya gamit ang basag na bote. “Bitawan mo ako kung ayaw mong mapatay kita!”

Bumitiw siya’t umupo, pinapanuod ang pagbibihis ko habang patuloy siya sa pag-iyak. “I’m sorry…” paulit-ulit niyang sinasabi.

“Hindi ko akalaing magagawa mo sa’kin to. Mahalaga ka sa’kin, pero ngayon… ewan ko na. Nasaktan kita, binaboy mo ako, patas na tayo Leo.” Wika ko bago tuluyang lumabas ng silid. Narinig ko pa siyang nagsisigaw paglabas ko, isinisigaw ang pangalang itinatawag niya sa akin.

Naglakad akong gulong gulo ang isip ko, nagtatanong kung bakit ito ginawa ni Leo. Akala ko ba mahal niya ako? Kung mahal niya ako bakit naatim niyang gawin yun ng labag sa loob ko?

Kung sa bagay, dapat lang siguro sa akin to. Karma ko to sa mga ginawa ko sa iba. Kina Mark, Paul, James, Benjie, Brentford, Drew, at sa iba pang nakaligtaan ko na ang pangalan. Mga nakilala ko’t pinaglaruan.

Nabulagan ako ng galit. Galit sa isang taong pinaglaruan ako. Tinalikuran ko ang normal na buhay at umibig sa kanya, tapos ipagpapalit lang ako, tinapakan ang pride ko’t ginawa akong tanga.

Ikaw ang sinisisi ko sa lahat ng ito. Ikaw na nanloko sa akin. Pero…

Tama nga ang sinasabi nila. Walang manloloko kung walang magpapaloko. Nararamdaman ko ng may ginagawa siyang milagro ngunit nagbulag-bulagan ako. Lagi kong isinasaksak sa isip ko na kailangan ko siyang pagkatiwalaan, na hindi niya ako magagawang lokohin, dahil mahal niya ako. Nagkamali ako.

Ikaw ang dahilan ng lahat ng ito…

Naglakad ako… Naglakad ng naglakad… Hinahayaan kong magpati-anod ang aking kaisipan sa kawalan. Ayokong mag-isip, ayokong balikan ang lahat, ayokong magsisi… Nagpapa-anod sa agos ng mundo ng pangarap…




Narito ka, sa tabi ko… Hawak ang kamay ko habang naglalakad tayong walang patutunguhan… Nakangiti kang pinagmamasdan ako, gayun din ako sa’yo…




Beeeeeeeeeeeeeeeep!!!

“Kung magpapakamatay ka huwag mo akong idamay!!!” sigaw ng galit na driver. Nasa intersection na pala ako, sa gitna ng kalsada.

“S-sorry po.” Ang tanging nasambit ko

Tumabi ako sa gilid ng kalsada, umupo sa waiting shed doon. Bumuntong hininga.

Napatingin ako sa fast food chain kung saan kami kumain dati ni Jethro. Nakikita ko siya doon, kung saan siya umupo dati. Buntong hininga.

Nangangarap na naman ako ng gising, nakikita ko pa si Jethro.

Nagulat ako sa naisip ko. Bakit ko naman makikita si Jethro dito? Nami-miss ko na yata talaga siya…

Muli kong tinignan yung fast food. Nandoon pa rin si Jethro. Pumikit ako. Nagmulat. Nandoon pa din siya. Nagpasya akong lumapit upang siguruhing hindi ako nangangarap ng gising.

Nasa harap ko ang glass wall na nakapagitan sa amin ni Jethro, kitang kita kong masaya siyang nakikipag-usap. Pinagmasdan ko ang bawat sulok ng mukha niya. Namalayan ko nalang na nakangiti ako. Namiss ko nga siya.

Napatingin ako sa kausap niya, para akong tinamaan ng kidlat sa nakita. Napatingin sila pareho sa akin. Bakas sa mukha nilang dalawa ang pagkagulat.

Tumayo sila’t nagmadaling lumabas ng fast food chain habang ako naman ay parang estatwang di makagalaw, kasalukuyang inaabsorb pa ng isip ko ang nakita ko.

Bakit sila magkasama? Sila ba?

“Tenshi!”

Napalingon ako sa sumigaw. Yun ang tawagan namin dati.

“Marvin…” mahina kong tugon.

Nakangiti siyang nakatayo sa harapan ko, katabi niya si Jethro. Napatingin ako kay Jethro, yumuko ito.

“Marvin, una na ako.” at umalis siyang di man lang nagpaalam sa akin. Galit pa rin siya. Wala akong nagawa kundi ang tignan siya habang naglalakad papalayo.

“Kamusta ka na? Tagal nating di nagkita ah.” masiglang wika ni Marvin.

“Iniwasan mo kaya ako.” ang nai.sagot ko. Nananariwa ang nakaraan, nuong iniwan niya ako.

Napakamot siya ng ulo’t natawa. Lumitaw tuloy ang biloy niya sa ilalim ng sulok ng labi niya. “Oo nga eh… I was a jerk back then. May lakad ka ba? Tara pasok tayo, usap muna tayo.”

Di ako sumagot, sumunod nalang ako sa kanya. Umupo kami sa puwesto nila kanina ni Jethro, pinagmamasdan ko lang ang kaniyang mukha. Hindi ko mapaniwalaang nasa harap ko siya ngayon, siyang siya at hindi isang halusinasyon lang. Halos walang ipinagbago ang mukha niya kahit ilang taon na ang nakakaraan.

Tahimik.

“Anong bago sa’yo?” tanong niya upang may mapag-usapan.

“Wala. Ganuon pa rin ako.”

“Bitter?” sabay hagalpak. “Ahem… Sorry, I’m just kidding.” Dugtong niya nang mapansing seryoso ang mukha ko.

Bumuntong hininga muna ako bago sumagot. “Tama ka, bitter pa din ako. I can’t seem to move on.”

Tahimik. Para siyang naputulan ng dila’t nanahimik habang tinitignan ako. Tingin na may awa.

“Di mo alam kung ano ang pinagdaanan ko mula nung iwan mo ako, Marvin. Gabi-gabi akong umiiyak dahil sa’yo. Ilang buwan din yun. Hanggang napalitan ng galit, galit na ibinunton ko sa lahat ng pamintang nagkakagusto sa akin. Ginusto kong iparamdam sa lahat ang ipinaramdam mo sa akin, gusto ko silang magdusa na katulad ko. Gusto kong maghiganti, sa lahat ng katulad mo!” di ko na napigilang ibuhos ang kinikimkim kong hinanakit sa loob ng mga nakalipas na taon.

Tinitigan ako ni Marvin sa mata, humugot siya ng malalim na buntong hininga. “I know I’ve hurt you. Hindi ko nga alam na dadamdamin mo ng sobra yun, and I’m sorry. I am very sorry, Hiro.” Hinawakan niya ang mga kamay ko, mahigpit. “Sana mapatawad mo ako.”

Tumingin ako sa mga mata niya. I saw sincerity. Ito ang nagbago sa kanya, marunong na siyang humingi ng tawad. Dati’y under na under ako sa kanya, kahit may kasalanan siya’y ako pa ang magpapakumbaba magkaayos lang kami. Pero iba ngayon, he’s sorry and he mean it.

Ngumiti ako bilang pagtugon. “I forgive you.”

Pinisil niya ang kamay ko’t ngumiti. “Thank you.”

At that moment I felt free. Naramdaman kong parang natunaw ang yelong bumabalot sa puso ko. Parang nakawala ako sa kulungan ng nakaraan na nagkubli sa akin ng matagal na panahon. Finally I felt ready to start anew.

Pero bigla akong nalungkot. I felt empty.

“Oh bakit nalungkot ka ulit diyan? May problema ba?” nag-aalalang tanong ni Marvin sa akin.

“W-wala.” Sagot ko, nakayuko.

“Oh come on. Kilala kita Hiro, naging boyfriend mo ako. Alam ko pag may bumabagabag sa’yo. Come on, tell me.”

“Wala... It's just that... I’m too late na.”

“Hmm…” Hinawakan niya ang baba ko’t iniangat ang mukha ko. “What do you mean?”

“May matagal na pala akong mahal, ngayon ko lang na-realize.” Sagot ko. Punong puno ng panghihinayang ang loob ko. Kasama ko na siya all these time, pero di ko pa siya nakikita. Napakatanga ko.

“Ako pa rin ba?” tanong niya.

“Marvin… Naging bulag ako dahil sa pagmamahal ko sa’yo nuon, nabulagan ako’t nanatiling hindi nakikitang may iba na palang itinitibok ang puso ko.”

“Hmm… I guess I know who.” Wika nita’t ngumisi.

“I’m too late. Kayo na, wala na akong habol pa. Nakita kong masaya siya habang magkausap kayo kanina. Ayoko mang aminin pero... Bagay kayo.” Parang maiiyak na ako sa pag-iisip na wala na nga akong pag-asa.

“Angdrama mo!” binatukan ako ni Marvin na may kasama pang sabunot.

“Aray! Napakabrutal mo talaga hanggang ngayon!” inis kong singhal dito.

“Sorry naman. Sobra kang maka-emote diyan eh.”

“Eh anong gusto mo, magbunyi ako dahil sa katangahan ko?”

“Hindi naman. Tanga ka nga kasi, eemote-emote ka diyan, di naman kailangan.” Ngumiti ito.

“Ha?” naguluhan ako sa reaksiyon nito.

“Si Jethro ine-emote mo diba?”

Tango lang ang isinagot ko.

“Pinsan ko yun gago!”

Napatingin ako sa kanya sa narinig. Parang nabuhayan ako ng loob. “T-talaga? P-paanong…”

“Magkapatid ang nanay ko at nanay niya so magpinsang buo kami. Kaya kesa mag-emote ka diyan eh dapat suyuin mo na yung pinsan ko. Ikaw din, baka maunahan ka.” Ngingiti-ngiti pa ito, halatang kinikilig.

Dali-dali akong tumayo upang lumabas na ng establishment na yun. Pero natigilan ako. Bumalik ako kay Marvin. “Ah… ehh…” di ko matuloy ang sasabihin ko.

“You’re welcome! Go! Okay lang ako dito.” Pagputol nito sa sasabihin ko. Masyado na atang obvius mga kilos ko’t alam na niya kung ano ang sasabihin ko.

Ngumiti ako’t tuluyan nang lumabas. Dinukot ko ang cellphone ko’t hinanap sa phonebook ang pangalan ni Jethro, pinindot ang call button.

“Sorry, you do not have enough money left in your account to make a call. Please end this call now, otherwise you will be disconnected and your remaining balance consumed.”

Badtrip! Bakit ngayon pa?! Tsk!

Dinukot ko ang isa ko pang phone. Tinignan ko ang phonebook sa isa habang dinadial ang number sa isa. Pinindot ko ang call button. Nagulat ako nang mabasa ko sa screen ng phone ko…

Calling Cryptic_Moon…

Ba't hindi ko naisip yun? Programmer nga pala si Jethro tulad ni Cryptic_Moon. Yung Cyclops pictures, yung mga advice niya... Ibig sabihin, matagal ko na rin pala siyang nasasabihan ng mga saloobin ko sa chat. Ibayong tuwa ang naramdaman ko, hindi pala kami nagkahiwalay after graduation, magkausap pa rin kami’t lagi pa rin niya akong dinadamayan. Kahit nung panahong may tampo siya sa akin dahil kay Drew, dinadamayan at pinapasaya pa rin niya ako.

“Hello?”

Narinig kong may sumagot na sa kabilang linya kung kaya mabilis ko itong itinapat sa aking tainga.

“Hello, Piluka!” bungad ko.

“Oh Vamp, napatawag ka?”

“Pwede ba tayong magkita?”

“Bakit, chicks ka ba?”

“Hindi pero… May ipagtatapat ako sa’yo. Magkita tayo, please?”

“Kala ko ba di mo ‘ko type? Ngayon magtatapat ka pa.” tumatawa pa ang mokong.

“Jeth, please? Magkita tayo.”

Tahimik.

“Jeth?” pagtawag ko ulit sa kanya makalipas ng ilang sandaling katahimikan..

“Alam mo na pala.” Biglang nagbago ang tinig niya, seryoso.

“Ngayon lang, ngayon ko lang nalaman.”

“Ano pa bang sasabihin mo?”

“Gusto ko lang na…”

Beep!

Naubusan na ako ng load! Pag minamalas ka nga naman!

“Sugurin mo kaya? Tulad ng ginawa mo sa’kin dati.” Nagulat ako sa biglang pagsasalita ni Marvin. Nasa likuran ko pala siya, nakikinig. “Malay mo, mag-work sa kanya.” Dugtong pa nito.

“Pano kung magalit lalo? Tulad ng lalo kang nagalit nang makita mo ako sa harap ng bahay niyo nuon?”

“Paano mo malalaman kung di mo susubukan?”

Napaisip ako. Tama nga siya, pagkakataon ko na ‘to para magkaayos na kami, di ko dapat pakawalan ang pagkakataong ito.

“Tama… Salamat ulit!” sagot ko bago pumara ng jeep papuntang kabayanan. Sumakay ako at agad na umupo. Napa-aray pa ako dahil nakaligtaan kong sariwa pa ang sugat sa pwet ko, masyado akong na-excite.




Nasa harap ako ng pintuan nila Jethro. Kabado. Hindi alam kung kakatok ba ako o hindi. Paano kung magalit nga siya’t palayasin ako? Paano kung suntukin pa niya ako? Umurong ako ng isang hakbang.

Bakit ba kung kelan nandito na ako ngayon pa ako dinadaga? Tsk!

Nagulat ako nang biglang magbukas ang pinto.

“Halika, pasok ka hijo.” Nakangiting pag-imbita ng nanay ni Jethro.

Ngumiti ako’t sumagot. “Salamat po.”

“Inutusan ko sandali si Jethro, hintayin mo nalang sa kuwarto niya.” Wika pa ng ginang.

Pumasok ako ng kuwarto niya. Nanibago ako sa kuwarto, angdaming kalat, parang dinaanan ng bagyo. Bakit nagkaganito to? Tanong ko sa sarili. Nagpasya nalang akong iligpit ang mga kalat.

Pagka-angat ko ng unan niya’y may nakita akong letrato. Kinuha ko ito. Letrato namin ni Jethro nung college, magka-akbay, kapwa nakangiti. Natatandaan ko ito… Ito yung picture namin bago pa kami magbreak ni Cherry. Itinabi pala niya ito. Napangiti ako.

“Anong ginagawa mo dito?” tanong ni Jethro pagpasok niya ng kuwarto. Napalingon ako sa kanya. Bakas sa mukha niya ang pagkagulat nang makita niya ang hawak kong letrato. Agad niya itong kinuha sa’kin. “Pakealamero!” singhal nito’t isinilid ang picture sa drawer ng study table niya.

“’To naman, tinitignan ko lang eh…” tampu-tampuhan kong sagot.

“Anong bang ginagwa mo dito?” muli niyang tanong.

“Para kausapin ka.” Sagot ko’t tumabi sa kanya.

“Tungkol naman saan?”

Bumuntong hininga muna ako bago sumagot. “Tungkol sa’kin.”

Nanahimik siya pero nakatingin siya sa akin. Seryoso. Pahiwatig na nakikinig siya.

“Magpinsan pala kayo ni Marvin? Di ko alam na kilala mo siya, kamag-anak mo pa.”

“Ano namang kinalaman nun?” tanong niya.

“He’s my ex.” Tagot kong nakayuko sa hiya.

“Alam ko.”

Nagulat ako sa sinabi niya. “A-alam mo? Paano?”

“Pinsan ko nga siya diba? Madalas kaming magka-text. Naikwento ka niya sa’kin.” Malamig niyang sagot.

“So all these time alam mo pala ang lahat?”

“Oo naman. Ikaw lang tong hinihintay kong magsabi. Alam ko ang lahat, pati na rin ang paghihiganti mo.”

Humawak ako sa kamay niya, pinisil ito. “Sorry Jeth kung hindi ko sinabi sa’yo. Natatakot kasi ako na baka pandirihan mo ako. Natatakot ako na baka layuan mo din ako.”

“Best friend mo ako, bakit naman kita iiwan? Kahit ano ka pa, kaibigan pa din kita. Gusto ko lang naman eh ibigay mo ang buong tiwala mo sa akin upang matulungan kita sa dinadala mo sa dibdib mo.” Iba na ang hitsura niya ngayon kaysa kanina. Kung kanina’y emotionless, ngayon ay may pag-aalala na.

“I’m sorry. Pero Jeth, sana wag mo naman akong layuan. Nahihirapan akong wala ka eh.”

“So, na-miss mo ako?”

Tango lang ang isinagot ko.

“Di kita marinig.”

“Ah… Ehh…” hindi ko masabi, tinablan ako ng hiya.

“Di mo pala ako na-miss.” Wika niya at akmang tatayo upang umalis.

Maagap kong hinawakan ang kamay niya upang pigilan siya. “Teka… Dito ka lang.” sabi ko.

“Ano na?” tanong niya, nakataas ang mga kilay.

“Oo na!” Singhal ko. “Na-miss kita.” Dugtong ko sa mahinang tinig.

“Ano? Di ko marinig.” Sabi niya, nakangisi.

“Sabi ko na-miss kita. Sobra!” halos isigaw ko na ito, nakakapikon na siya. Kita na nga niyang napapahiya ako sige pa rin siya.

Tumawa siya ng malakas at ginulo ang buhok ko. “Pikon!” sabi niya.

“Pikon mo mukha mo!” inis na sambit ko. Kailangan kong bumawi. “Bakit may picture ka nating dalawa sa ilalim ng unan mo ha?!”

Biglang namula ang mukha niya. “K-kasi… Kasi best friends tayo!”

Pinisil ko ang ilong niya. “Best friends mo muka mo! Mahal mo ‘ko eh!”

“Kapal ng muka mo… Mahal ka diyan.” Sabi niya, umiiwas ng tingin.

Iniharang ko ang mukha ko sa paningin niya, kahit saan niya ibaling ay sinusundan ko. Nang mapagod ako’y hinawakan ko ang mukha niya. “Di mo ‘ko mahal?” nanunubok kong tanong.

“M-mahal… Best friend kita eh…” sagot niya, nakatingin sa baba.

“Tignan mo ako sa mata pag sumasagot ka. Ano, di mo ako mahal?” tanong ko sa kanyang tumaas na ang boses.

Tumingin nga siya sa mata ko. “M-mahal.” Sagot niya.

“As best friend lang?”

“Mahal kita higit pa dun. Mahal na mahal kita mula pa nung college tayo. Mahal kita kahit alam kong iba ang mahal mo.” Namula ang mata niya. Parang maiiyak na. Tinanggal niya ang mga kamay kong humahawak sa mukha niya’t tumalikod sa akin. “Bumalik na sa buhay mo ang pinsan ko. Okay na kayo ngayon kaya etsapwera na ako. Pero okay lang. Basta masaya ka, masaya na rin ako. Kahit masakit sa loob ko.”

Natatawa ako sa kanya pero sinubukan kong pigilan ang tawa ko, mahirap na baka magalit. Nilapitan ko nalang siya’t ipinihit paharap sa akin. Humarap naman ito ngunit inilihis ang mukha niya. Di naman nakaligtas sa aking paningin ang basa niyang pisngi.

“Ba’t ka umiiyak Jeth?” tanong ko dito.

“Wala ito. Huwag mo nalang intindihin.”

“Tsk! Sabihin mo na, kung hindi ako naman ang magtatampo sa’yo.”

“Wala nga!”

“’Di ako naniniwala. Nagseselos ka no?”

“Wala akong karapatan.” Muli siyang tumalikod sa’kin. Angdrama lang ng mokong.

“Sinong may sabi?”

“Wala…”

“Panu kung sabihin kong may karapatan kang magselos?”

Bigla siyang humarap sa’kin nang marinig ang sinabi ko. “Anong ibig mong sabihin?”

“Hmm… Jeth?” Heto na naman, kinakabahan na naman ako’t nahihiya. Pero hindi, kailangan ko nang magtapat. Humugot ako ng malalim na hininga tapos ay inilabas ko na ang mga salitang kanina ko pa nais sabihin. “Jethro mahal kita.”

“Weh?” tugon nito. Kung di ba naman nang-aasar ang gago, ayaw pa maniwala.

“Ayaw mong maniwala?”

“’Di naman sa ayaw… Pero, paano?”

“Kanina ko lang na-realize na mahal pala kita. Akala ko kayo ni Marvin eh. Nakaramdam ako ng selos.”

“Ganun lang?” ngingiti-ngiti na itong tumugon.

“Uhmm… Matagal na rin siguro kitang mahal pero nabulagan ko ng hatred ko. Pero ngayon malaya na ang puso ko mula sa nakaraan. Buong puso ko nang masasabi sa’yo, mahal talaga kita at ayaw kong malayo ka pa sa’kin.” Seryoso kong wika na dinugtungan ko naman ng pabirong, “Pag di ka pa maniwala hahalikan kita sa gums!”

“Sagwa naman. Sa lips nalang.” Sagot nito sabay hawak sa mga kamay ko. Tinignan niya ako sa mata’t dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya.

“Tsk! Kupad mo naman.” Sambit ko’t agad na hinila ang batok niya upang idiin ang labi niya sa labi kong kanina pa nais matikman ang labi ng minamahal.

Nagkaayos na kami sa wakas ni Jethro. Nung araw din iyon ay di nag-level up na ang samahan namin. Di lang best friends, lovers pa. San ka pa?! Duon sa bahay nila na rin ako nananghalian at nagpalipas ng gabi.Walang nangyari sa amin, puro lambingan lang buong magdamag. Napansin niyang maingat ako sa pwet ko, nagpalusot lang ako, ang sinabi ko'y may pigsa ako.

Kinabukasan, pumasok kami sa trabaho ng sabay. Maulan man nung araw na yun ay di pa rin nabura ang mga ngiti sa mga labi namin ni Jethro na di nakaligtas sa mapanuring mata ni Janet. Nagtanong ito subalit tawa lang ang isinagot namin dito.

Lunch break, patagong magkahawak-kamay kami ni Jethro habang si Janet ay nasa gitna namin at nakapulupot na naman sa braso ko, naglalakad kami papuntang karinderya. Biglang may sumigaw kung kaya napalingon kaming talo.

“Sinasabi ko na nga ba… Pinaglaruan nyo ako!” sigaw niya, may hawak na baril na nakatutok sa amin.

“Drew… Sandali lang… Magpapaliwanag ako.” ibayong takot ang nararamdaman ko. Nanlilisik sa galit ang mata ni Drew.

Biglang tumakbo si Janet pabalik sa employees entrance dahil sa takot, si Jethro naman ay niyakap ako.

“Hinde… Hindi na ako maniniwala sa’yo! Manloloko ka! Minahal kita, mahal na mahal… Ano pa bang hahanapin mo? Guwapo ako, maganda ang katawan, maalaga, bakit nagawa mo pa rin akong paglaruan?!” sigaw ni Drew sa akin.

“Drew, calm down! Please!” nanginginig na ang buong katawan ko.

Lumapit ito sa akin at idinikit ang nguso ng baril sa noo ko. “Hinde! Ayoko! Manloloko ka, hayop ka!” sigaw niya.

Biglang hinablot ni Jethro ang baril. Nag-agawan silang dalawa. Sa mga sandaling yun ay lumabas na din ang mga gwardiya ng Supermarket, nakatutok ang shot gun nila kina Jethro at Drew. Sa pag-aagawan nila’y napunta sila sa railings. Nadulas silang dalawa gawa ng malumot na sementong nabasa ng ulan kanina.

Tuloy-tuloy silang nahulog sa ilog sa tabi ng supermarket na sa mga oras na yun ay malakas ang agos.

Tumakbo ako upang tignan sila. Hindi na sila mahagilap ng aking paningin. Mangiyak-ngiyak na ako sa pag-aalala ngunit wala akong magawa.

“Jethro!!!” sigaw ko sa pangalan niya, umaasang sumagot man lang siya.






Itutuloy…

11 comments:

  1. mixed emotions ang naramdaman ko ng habang binabasa ko tong chapter nato!

    * Inis at Awa sa Ginawang pangbababoy ni Nardong Puchak!

    * Galak at Saya sa Muling pagkikita nila ni Marvin, at nagkaroon ng magandang closure na nagdulot ng pagkawala ng galit ni Hiro..

    * Kilig dahil naging sila na sa waks ni Jethro.. Love love love... Awwww Sweeeet!

    * Pagkabagabag sa Nangyaring pag sugod ni Drew kila Jeth At Hiro..


    naku-naku! sana walang masamang mangyari ky Jeth... para happy Ending na..

    Two Thumbs up Mr. Rue... Napakagaling!

    Can't for the finale! :)

    P.S.. ayayayayayay! tama nga ang mga hula ko.. :)

    ReplyDelete
  2. bat nawala yung nauna kung comment? :)

    ReplyDelete
  3. uulitin ko na lang.. hmmm..

    mixed emotions ang naramdaman ko habang binabasa ko ang Chap na ito...

    * Galit para kay Nardong Puchak! ang Baboy mo! ang sama ng Budhi Mo! may pa sorry sorry ka pang nalalaman! eh sinadya mo talagang gawin yun! Hanep ka rin ano?!

    * Awa kay Hiro sa pambababoy na ginawa ni Nardong Puchak!

    * yung Feeling super Gaan na may halong Saya dahil sa pagkakaroon ng linaw between Hiro and Marvin.. at dahil dun nabawasan din ng tinik ang puso ni Hiro.

    * Kilig/Sweetness at sa wakas eh nagkaaminan na sila Jeth at Hiro.. Uy!! sila na1 :)

    * Pagkabagabag hmmm.. sana si Drew na lang ang mapuruhan sa pag ka hulog nila.. sana ok lang si Jeth.. Kakaumpisa pa lang ng Kive affair ni eh..

    * Excitement .. ano kayang kahahantungan ng Hiro <3 Jeth Love affair? kaka excite..


    Two Thumbs Up for this chap RUE .

    Can't wait na for the Finale!

    PS

    ayayaaaay! tama nga ang hula ko.. dinaig ko pa si madame Auring ah!

    :)

    ReplyDelete
  4. hala baka nalunod silang pareho.... kawawang jethro at drew.... d mo naman masisi si drew kung kaya nagawa nya ang bagay na yan,,,, mahal kan rin nya talaga at nasakatan din ang damdamin nya.... sana ligtas silang pareho... sayang bakit ngayun mo lang nasabi kay jethro ang lahat,,,

    ramy from qatar

    ReplyDelete
  5. @--makki-- nwla? o.o ngaun lang aq tumingin ng comments lolz bka ngloloko blogger :/
    aq man labu-labo nsa icp q hbang snusulat q to, buti ngustuhan m nman
    uu nga eh, gling m manghula eh auq nman i-twist dhil auq mawala sa kwento lolz

    @ramy from qatar huli man daw at magaling naihahabol pa dn...atleast khit anu mang mangyari kay jethro alam na niang mahal xa ni hiro db? :)

    ReplyDelete
  6. xempre ikaw pa rin naman ang masusunod ikaw ang Author eh! Nakikibasa lang naman ako.. hahaha

    Baka nga may Internet Traffic kanina.. :)

    Gandahan mo ang Finale ha.. :)

    Kakaexcite! :D

    ReplyDelete
  7. @--makki-- d q maipapangakong mganda xa peo i’ll do my best po :)

    ReplyDelete
  8. Waah!!! Ngayon lang uli ako nagawi dito sa blog mo! Lintik kasing U.S. visa na yan masyadong ka-tense!!! What Leo did was pathetic pero kala niya kasi maangkin niya si Hiro... Si Marvin pala yung halusinasyon sa wakas malinaw na. Flashback. Ngayon nakita niya na ang pagibig na hinahanap niya dalisay at dakila, yun lang, his demons are catching up with him. Hindi natin masisisi si Drew kasi si Hiro ang nagparanas nang kasakitan, though his actions are very brainless. I really love your story. Medyo na-stuck lang ako sa blog ni Miguel eh~ hahhaha


    Cheers!!

    huhuhu bukas panay karayom na naman ang ituturuk sa akin para sa annual medical!

    ReplyDelete
  9. @Lyron tama, tlagang hahabulin c hiro ng mga gnawa nia, yan ang nkaset sa utak q nung umpisahan q to, lalu na my ngcoment b4 about karma, un nga ang nangyari...peo wat will happen next? lolz

    hapi 2sok day sau lol icpin m nlang palaso ni kupido ung mga karayom x3

    ReplyDelete
  10. sana kasi hindi nakuha ng dugo yung "palaso ni kupido" hehehehe... latang lata ngayun kakalakad ng mga papeles...

    ReplyDelete
  11. @Lyron vampire arrow cguro gnamit nia xD haha
    pahinga ka po at magrelax muna :)

    ReplyDelete