Maraming maraming salamat sa mga taong walang sawang pagkomento, --makki--, Lyron, rammy from qatar, pati na rin kay Charlie1989 na nagcomment sa part 4, at kung meron pang iba, salamat sa inyo :)
REVERIE (Final Part)
“Ba’t di ka na naman pumapasok? Aba’t ano bang gusto mong mangyari sa buhay mo? Sinisira mo ang buhay mo! Ano bang problema mo ha, Bayani?!” talak ng coordinator kong si ate Divina. Sumugod siya sa bahay dahil nakarating sa kanya na apat na araw na akong hindi pumapasok sa trabaho.
Bumuntong hininga ako’t nagkubli sa kumot. Ayokong makipag-usap kahit kanino. Mabigat ang loob ko.
“Ako na’ng bahala dito Vina. Iwan mo na muna kame.” Dinig kong sabi ni tatay. Sumunod na narinig ko’y ang pagsara ng pinto ng kuwarto ko. Naramdaman kong gumalaw ang kama, naupo si tatay.
“Hiroki, anak, ano bang problema?” tanong ni tatay sa’kin.
Di ako umimik.
“Anak nag-aalala kami sa’yo. Kung may problema ka, pag-usapan natin. Huwag mong sarilinin yan, ayokong nakikita kang nagkakaganyan.”
Di pa rin ako umimik.
Narinig kong bumuntong hininga si tatay. “Sa’kin ka nagmana, anak. Alam kong may pinagdaraanan ka kapag nagkukubli ka ng ganyan. Nagkaganyan din ako nung kabataan ko dahil sa nanay mo.”
“Alam mo ba, anak, nagkakilala kami ng nanay mo nung elementary pa lang kami. Nuon pa man alam kong mahal ko na ang nanay mo. Pagkagraduate namin ng elementary dinala na ako ng lolo at lola mo sa Japan upang duon ipagpatuloy ang pag-aaral. Naiiisip ko lang na malalayo ako kay Julia parang ayoko nang mabuhay pa. Pero wala akong magawa, bata lang ako nuon. Lumipad kami ng Japan at duon na nga kami nanirahan.” Salaysay ni tatay. Inaalala niya ang nakaraan nila ni nanay. Ngayon ko lang maririnig ang love story nila ng buo kung kaya tinanggal ko ang kumot at umupo, pinapakinggan kong mabuti ang salaysay ni tatay.
“Nag-aral akong mabuti, iniisip na pag nakagraduate na ako’y babalik ako ng Plipinas upang balikan si Julia. Nagkaroon ako ng ilang girlfriends nun pero tanging ang nanay mo lang ang totoong mahal ko. Siya ang inspirasyon ko upang makapagtapos. Palagi akong nangangarap na magkasama kami. Hanggang isang araw, nasa kolehiyo ako nun, napadaan ako sa isang bar upang magrelax. Nakita ko duon si Julia, umaawit kasama ang isang banda.” Nakita kong ngumiti si tatay habang nakatingin sa kawalan.
“Nakilala niya ako nung lapitan ko siya pagkababa niya ng stage. Nagka-usap, kamustahan, kuwentuhan. Mula dun ay lumalabas-labas kami. Hanggang sa ipinagtapat ko na ang nararamdaman ko para sa kanya. Napakasaya ko nun anak dahil mahal din pala ako ng nanay mo. Naging kami nuon. Pero isang araw, habang hinihintay ko siya sa isang park, nabalitaan kong nasagasaan siya. Parang gumuho ang mundo ko nang makita ko siya sa ospital. Nag-aagaw buhay siya at walang ibang dapat sisihin kundi ako, dahil kung di ko siya pinapunta sa park ay hindi siya maaaksidente.”
Di ko napigil ang mga luha mula sa aking mga mata sa narinig ko. Pareho pala kami ng pinagdaanan ni tatay.
“Nagkubli ako sa kuwarto, hindi pumapasok, labis na kalungkutan ang namayani sa dibdib ko, sinisisi ko ang sarili ko. Dahil dun ay nag-alala si tochan, kinausap niya ako. Sinabi niya na kung magkukubli lang ako sa kuwarto ko at sisihin ang sarili ko, walang mangyayari. Mas mabuti kung puntahan ko si Julia. Na tulungan ko siyang magpagaling. Alagaan ko. Sinunod ko ang payo ni tochan, hawak ko ang kamay ng nanay mo sa lahat ng sandali. Pinaparamdam kong nasa tabi lang niya ako, naghihintay sa kanyang paggaling.”
“Tapos ano po’ng nangyari tay?” tanong ko.
Ngumiti si tatay at hinawakan ang kamay ko, mahigpit. “Hindi ako bumitaw Hiroki, hanggang sa imulat na niya ang mata niya. Ako ang una niyang nakita. Alam mo ba, anak, ngiti ang unang ginawa ng nanay mo. Nginitian niya ako. Nagpasalamat pa siya dahil kahit daw napapanaginipan niya ako, hawak ang kamay niya’t hindi ko siya iniiwan kahit isang saglit.”
Napangiti ako. Tama nga, dapat gayahin ko ang ginawa ni tatay, dapat puntahan ko si Jethro. Dapat nasa tabi lang niya ako. Niyakap ko si tatay, “Tay, salamat po.”
“Bangon na diyan. Huwag kang mawalan ng pag-asa anak.” Wika ni tatay bago tumayo at lisanin ang kuwarto ko.
Naligo ako’t nagbihis. Dali-dali akong pumunta ng ospital sa San Fernando kung saan naka-confine si Jethro. Ilang oras mula nung mahulog silang dalawa ni Drew sa ilog ay natagpuan sila ng mga barangay tanod sa pampang. Dinala agad sila sa ospital na yun. Limang araw nang walang malay si Jethro dahil sa pagkakabagok ng ulo niya.
Nasa ospital na ako, napadaan ako sa kuwarto ni Drew. Napatigil ako sa paglalakad, tinignan ang pinto ng kuwarto. Iniisip ko kung kakausapin ko ba si Drew o hayaan nalang. Namalayan ko nalang ang aking sarili na pinihit ang door knob at binuksan ang pinto. Bakas sa mukha ni Drew ang pagkagulat nang makita ako subalit agad ding nagbago ang hitsura niya, bumakas ang hiya at guilt.
“Sino ka?” tanong ng babaeng nagbabantay sa kanya.
“Kaibigan ko po siya. Ma, pwede bang iwan mo muna kami sandali?” Pakiusap ni Drew sa babae. Tumalima naman ito at lumabas.
“Bakit Drew?” tanong ko sa kanya.
“Sorry… Sorry talaga.” Sagot niya, nakayuko.
“Alam ko, may kasalanan ako. Nadala ka lang ng damdamin mo, Drew, kaya naiiintindihan kita.”
Hindi siya umimik.
“Pero gusto kong malaman Drew, bakit mo iniligtas si Jethro?” tanong ko. Nang matagpuan sila ng mga tanod ay kasalukuyang binibigyan ng paunang lunas ni Drew si Jethro sa kabila ng pinsalang natamo rin niya.
“Dahil… Dahil naramdaman kong higit ang pagmamahal niya sa’yo. Itinaya niya ang buhay niya para ipagtanggol ka, samantalang ako pinagtangkaan pa kitang saktan. Humanga ako sa kanya. Isa pa, mahal kita, naisip kong pag hindi nakaligtas si Jethro ay malulungkot ka. Ayaw kong malungkot ka.” Tumutulo ang luha niya habang isinasalaysay ito.
Hinawakan ko ang kamay niya’t nagsabing “Salamat.”
Hinawakan niya ang mukha ko at pinunasan ang luha ko sa pisngi gamit ang hinlalaki niya. “Tama na, huwag kang iiyak. Nahihirapan akong makita kang nalulungkot. Sana mapatawad mo ako sa nagawa ko.” Wika niya. Nakita ko ang sincerity sa mata niya.
“Sana mapatawad mo rin ako Drew.” Sagot ko.
“Mahal mo ba siya?” Seryoso niyang tanong.
Tinitigan ko siya sa mata, may lungkot akong nakita. “Mahal na mahal.” Ang sagot ko.
“Puntahan mo na siya. Kailangan ka niya.”
Ngumiti ako. Ngumiti din siya. Inayos ko ang aking sarili at nagpaalam na sa kanya.
Gumaan ang pakiramdam ko matapos naming mag-usap. Alam kong nadala lang ng damdamin niya si Drew kung kaya niya nagawa ang bagay na yun. Masaya ako’t okay na siya, na okay na kami. May maayos na closure na.
Muli akong naglakad papunta sa kuwarto ni Jethro. Pagbukas ko ng pinto’y nadatnan ko si Marvin at ang nanay ni Jethro na nagbabalat ng mansanas, nakaupo sa tabi ng nahihimbing kong mahal. Napatingin ang ginang sa akin, ngumiti.
“Mabuti’t nadalaw ka.” Wika nito sa’kin. Iniunat niya ang kamay niya’t inaalok ang mansanas sa akin.
Ngumiti din ako’t kinuha ang mansanas. “Hindi pa rin po ba siya nagising?” tanong ko habang nakatingin sa inosenteng mukha ni Jethro.
Tinignan din niya ang anak niya, ngumiti. “Hindi pa, pero nanaginip siya, tinatawag ang pangalan mo.”
Natuwa ako, kahit walang malay ay iniisip pa rin niya ako. Pero nahiya rin ako sa narinig ko. Hindi ko alam ang itutugon ko rito.
“Bata pa lang ay labutin at mahinhin na yang si Jethro. Nun pa man alam ko nang di malayong mangyaring magmahal siya ng lalaki. Pero tanggap ko, dahil mabuting anak si Jethro. Ang nais ko lang ay lumigaya siya, kahit sino man ang mahalin niya.” Tumingin ang ginang sa akin at hinawakan ang kamay ko. “Sana’y mahalin mo rin siya.”
Ngumiti ako’t pinisil ang kamay ng ginang. “Mahal ko po siya’t patuloy ko siyang mamahalin.”
“Salamat.” Sagot nito.
Biglang bumukas ang pinto. Pagtingin ko sa taong pumasok ay di ko maiwasang mabuhay ang galit sa dibdib ko. “Anong ginagawa mo dito?!” tanong ko sa kanya.
“D-dinadalaw ko lang si Jethro.” Sagot nito. Maging siya’y nagulat nang makita niya ako. Yumuko siya’t naglakad palapit sa nanay ni Jethro.
“Magandang umaga po, sir Leonardo. Mabuti’t nadalaw kayo.” Bati ng ginang.
Nagmano muna siya. “’Nay, napadaan lang po ako. Aalis na po ako’t may gagawin pa ako.” wika nito matapos i-abot ang basket na naglalaman ng prutas. Agad siyang lumabas ng kuwarto.
Buntong hininga.
“Habulin mo kaya?” biglang wika ni Marvin.
“Bakit ko naman gagawin yun?” tanong ko dito.
“He needs proper closure.” Seryosong sambit ni Marvin na wari’y alam niya kung ano ang nangyayari.
Wala na akong nagawa pa. Kung sa bagay, tama si Marvin, kailangan ngang magkaroon din kami ng matinong closure ni Leo. Lumabas ako ng kuwarto’t hinabol si Leo. Naabutan ko naman siya’t hinawakan ko ang braso niya, “Mag-usap tayo.” Wika ko.
Di siya kumibo. Sumama siya sa akin papunta sa canteen sa baba. Umorder muna kami ng kanya-kanyang makakain at umupo sa bakanteng puwesto sa sulok.
Tahimik. Walang gustong magsalita. Nagpipigil ako ng galit samantalang siya’y parang manliliit, parang batang napagalitan, nakayuko.
“Bakit mo ginawa yun sa’kin?” pagbasag ko sa katahimikang namamagitan sa aming dalawa.
“S-sorry.” Tanging sagot niya.
“Sagutin mo ang tanong ko kung ayaw mong maligo ng sabaw.”
Tumingin ito saglit sa akin at muling yumuko. “K-kasi…”
“Kasi?”
“K-kasi mahal kita Yani.”
“Mahal? Pagmamahal ba ang tawag mo sa ginawa mo kahil alam mong labag yun sa loob ko? Pagmamahal ba yung babuyin mo ako?” pigil na pigil ang boses ko, pinipilit kong huwag mapasigaw sa galit.
Lalu siyang yumuko at ang tanging nasabi ay “Sorry Yani.”
Humugot ako ng malalim na hininga at pumikit upang pakalmahin ang aking sarili. “Leo, hindi talaga ako makapaniwalang kaya mong gawin sa akin yun. Hindi lang ang pwet ko ang winasak mo, pati na ang pride at prinsipyo ko, ang pagkatao ko. Ngayon masaya ka ba sa ginawa mo?”
Tumingin na siya sa mata ko. May luha na sa pisngi niya. “Yani…” sambit niya ngunit pinutol ko agad ito.
“Huwag mo akong tatawagin sa pangalang yan.”
“Sorry, Hiro. Akala ko kasi di mo ako iiwan pag ako ang naka-una sa’yo. Mahal na mahal kita at ayokong mawala ka sa’kin”
Nanggigil ako sa narinig. Nayupi ang plastic cup na hawak ko sa higpit ng pagkakahawak ko. “Hindi ako babae, wala akong hymen na masisira, wala akong matris na mabubuntis. Hindi mo ba naisip na mas lalo akong lalayo sa’yo sa ginawa mo? Hindi mo ba naisip na kamumuhian kita ng dahil dun?”
“Hindi ko na naisip yun. Desperado na ako nun. Tanging iniisip ko lang ay kung anong gagawin ko manatili ka lang sa tabi ko, kahit sa marahas na paraan. Sorry talaga, patawarin mo sana ako. Hayaan mo, ako na ang lalayo, basta patawarin mo lang ako.” pagmamakaawa niya.
Muli akong bumuntong hininga. “Nangyari na ang nangyari, sige patatawarin kita. Pero hindi ko alam kung kailan ko makakalimutan ang ginawa mo sa’kin.”
Muli siyang yumuko. “Salamat.” Sabi niya. Nakita ko pa siyang nagpahid ng mukha.
Sa nakikita ko sa kanya’y para siyang batang na-ulila. Nakaramdam ako ng awa para sa kanya. Mali ang paraang ginamit niya subalit tao lang din diya, nagkakamali. Ang importante ay natuto siya sa pagkakamali niya upang sa susunod ay alam na niya kung ano ang dapat gawin.
“Leo.” Pagtawag ko sa kanya. Unti-unti niyang iniangat ang mukha niya. “Patawarin mo rin sana ako… Friends?” wika ko. Iniunat ko ang kamay ko upang makipagkamay.
Isang ngiti ang nakita ko sa kanya. Inabot niya ang kamay ko’t nakipagkamay siya. “Friends.”
Naghiwalay kami ni Leo matapos kumain. Gumaan ang pakiramdam ko kahit papaano. Parang nabunutan ako ng tinik. Hiling ko na sana ay makatagpo si Leo ng taong tunay na magmamahal sa kanya.
Umalis muna ang nanay ni Jethro upang maligo at magpalit ng damit. Si Marvin nama’y bumalik na ng Maynila. Binantayan ko si Jethro, umaasa sa pagmulat ng mata nito’t tuluyang magising na. Hawak ko ang kamay niya. Mainit ang palad niya. Bahagya ko itong pinisil.
Habang pinagmamasdan ko ang mukha niya’y naalala ko ang mga pinagsamahan namin bilang magkaibigan. Naalala ko ang pagtitiis niya sa tuwing inaasar ko siya, ang pangungulit ko sa kanya sa tuwing gusto kong samahan niya ako sa mga lugar na gusto kong puntahan, ang paghihintay niya ng matagal sa tuwing magkasama kami ng Cherry nuon, ang pakikinig at payo niya sa tuwing namomroblema ako, pagiging bossy niya minsan, ang pasaway niyang ngisi, ang malambing niyang ngiti…
“Jeth, gumising ka na. Miss na miss na kita. Huwag kang mag-alala, nandito lang ako hanggang sa magkamalay ka. Ako ang unang unang makikita ng mga mata mo sa pagmulat mo.”
Hinding hindi kita iiwan…. Jethro…
“Talaga?”
“Duda ka ba?”
“Hindi ah.”
Ngumiti si Jethro’t isiniksik ang kamay niya sa aking likuran upang ilingkis ang kanyang kamay sa aking baywang. Inakbayan ko siya’t hinalikan sa noo. Sabay naming pinanood ang payapang karagatan sa aming harapan habang nakaupo’t nakasandal kami sa lilim ng puno ng niyog. Nasa isang isla kami, kaming dalawa lang. Tahimik, payapa, malayo sa anu mang teknolohiya. Pakiramdam ko’y kami ang unang tao sa mundo.
“Hiro?”
“Hmm?”
“Bakit mo ako mahal?” Nagseryoso siyang tumingin sa akin.
Tumingin ako sa malawak na dagat. Nag-isip. “Hmm… Siguro dahil cute ka. O baka naman dahil mabait ka. O kaya dahil siguro kaibigan kang parating nandiyan para sa akin…” tumingin ako sa mukha niya. “pero honestly… Hindi ko din alam. Pasaway ka minsan, bossy, at tampururot. Pero pati yun mahal ko sa’yo. So I guess mahal kita dahil ikaw ay ikaw. Tama, yun nga. Mahal kita dahil ikaw yan.”
Ngumiti siya ng ubod ng tamis at lalung hinigpitan ang pagyapos sa akin. Saksi ang kalikasan sa namamagitang pagmamahalan sa aming dalawa…
Nagising ako nang maramdaman ko ang bahagyang paggalaw ng mga daliri ni Jethro na hawak-hawak ko. Agad akong tumayo upang tignan siya. Unti-unti ay iminulat niya ang mga mata niya. Ibayong tuwa ang naramdaman ko, sa wakas ay nagising na rin siya.
“Jeth! Ano, kamusta ang pakiramdam mo? May masakit ba sa’yo? Nagugutom ka ba?” sunod-sunod kong tanong.
Pinagmasdan niya ako. “Sino ka?” tanong niya.
Nagulantang ang isip ko sa tanong na yun. Bakit? Bakit hindi niya ako kilala? Ang naitanong ko sa isip ko. Parang magugunaw ang mundo ko. Gusto kong tumakbo palabas at magsisigaw. Bakit nagkaganito? Hindi ko inaasahan ‘to. Hindi ito ang pinangarap kong mangyari. Namalayan ko nalang na umiiyak na ako.
“Sino ka?” muli niyang tanong na humugot sa aking kaisipan mula sa pag-eemote.
Kailangan kong magpakatatag. Naaalala man niya ako o hindi, hindi ko siya iiwan. Sasamahan ko siya hanggang sa bumalik ang ala-ala niya. Alam kong magiging mahirap ito, pero hindi ako susuko, hindi ko isusuko ang pagmamahalan namin.
“Ako ‘to, si Hiro.” Sagot ko sa tanong niya.
“Hiro?” Nakita kong may pigil na ngiti sa kanyang mga labi. “S-sino ako?” tanong pa niya.
“Ikaw?” tanong ko sa kanya. Ibang klase, parang gusto ko siyang batukan sa mga sandaling yun. Alam ko na kung ano ang nangyayari. Pasaway siya!
“Sino ako?” pag-uulit niya sa tanong niya.
“Ikaw ay ang pangarap ko.” Sagot ko sa kanya.
Gumuhit ang ngiting kanina pa niya pinipigilan. “Talaga lang ha?” sabi pa niya na halatang kinikilig ang mokong.
“Talagang talaga! Kahit pasaway ka!” Sagot ko sa kanya sabay madiing pinisi ang ilong niya.
“Aray! Aray! Aray! ‘Kala ko ba ako ang pangarap mo, bakit sinasaktan mo ako? Masakit pa nga ang katawan ko dinadagdagan mo pa.” tampu-tampuhan nito na parang bata, nakanguso pa.
“Pasaway ka kasi! Akala ko nagka-amnesia ka na. Malamya ka lang talagang umarte kaya nahalata ko agad. Tsk! Di ka talaga pwedeng maging artista.” Umiiling kong sagot habang natatawa.
Natawa na rin siya sa inasta niya. Hinila niya ang kamay ko na dahilan kung bakit na-out of balance ako, mabuti nalang at naitukod ko agad ang kamay ko sa kama. Pero ang posisyon namin ngayon ay nakayuko ako’t napa-ilalim siya sa akin. Magkatapat ang mukha naming dalawa.
Niyakap niya ako’t pilyong ngumiti. “Kaw ha, gusto mo pang tsumansing.” Sabi pa niya.
“Ako pa nananyansing ngayon?”
“Oo!”
Nagngitian kami.
“Hiro…” pagtawag niya sa akin.
“Jethro?”
“Pwede pa-kiss?” pakiusap niya with his puppy eyes. Nakakagigil.
“Ayoko!” pakipot kong sagot.
Nalungkot ang mukha niya bigla dahil sa sagot ko. “Bakit?”
“Baho kasi ng hininga mo, ilang araw kang di nag-toothbrush.” Ngingisi-ngisi kong sagot matapos ay inilabas ko pa ang dila ko.
“Nakakatampo ka naman. Kahit naman gusto kong mag-toothbrush di ko magawa kasi nga wala akong malay.” Lungkot na lungkot ang mukha niya na parang iiyak na bata.
“Hmmm… Tampururot ka talaga!” singhal ko’t agad siyang hinalikan sa labi. Wala na akong pakealam kung ano man ang amoy o lasa ng bibig niya, ang totoo’y sabik na sabik ako sa kanya’t kanina ko pa gustong angkinin ang mga labing ilang araw ko din di natikman.
Ilang araw ang lumipas ay lumabas na ng ospital si Jethro upang sa bahay nalang magpagaling. Araw-araw ay binibisita ko siya sa kanila sa paglabas ko galing sa trabaho, minsan ay nakikitulog pa ako sa kanila. Nang tuluyan na siyang gumaling ay sabay na ulit kaming pumapasok.
Si Marvin ay nasa Singapore na, nagtatrabaho duon bilang isang Call Center Agent. Malakas siyang sumahod pero sabi ni Jethro, hindi na siya nagkaroon ng matinong relasyon. Nakakaawa lang kasi laging short term lang ang mga naging relasyon niya.
Wala na akong naging balita mula kay Brentford. Di ko alam kung natuloy ang banta niyang pagpapakamatay. Maging ang pinsan niyang si Mouse-Boo ay di ko na din nakausap pa.
Si Drew ay di na namin sinampahan ng kaso sa ginawa niya dahil na rin sa pagkakaligtas niya kay Jethro, pero nakulong pa rin siya panandalian dahil sinampahan siya ng kaso ng management ng Supermarket ng Illegal Possession of Firearms. Nakalaya naman siya agad dahil sa magaling ang abogado nila. Ngayon ang balita ko’y isa na siyang modelo ng isang sikat na clothing line.
Si Leo naman ay pinanindigan ang tuluyang paglayo sa’kin. Nagpalipat sa Bonifacio Ave. branch ng mall. Ang balita ko’y engaged na siya sa isang modelo at masaya na silang nagli-live in. Friends kami sa Friendster at Facebook kaya updated pa rin ako sa kanya, minsan ay nakakapag-chat pa rin kami.
Kami naman ni Jethro, tinulungan ni tatay upang magtayo ng studio kung saan ginamit ko ang training ko sa photography. Si Jethro ang gumawa ng website namin kung saan niya nilalagay ang mga nakukuha kong letrato. Mabilis na nakilala ang studio namin kung kaya nag-iisip na kami na mag-expand. Ang makulit na kapatid kong si RJ ang madalas na modelo ko na nakilala naman kung kaya may talent manager na nag-offer sa kaniya upang maging propesyonal na modelo.
Isa lang ang natutunan sa kuwento kong ito; An end is a new beginning, not a renewal.
Ang wakas ay nagwakas na, magsimula ng panibago. Huwag nang balikan ang mga bagay na nagtapos na. Madalas, tayo ang nagkukulong sa sarili natin sa nakaraan, dahilan upang maging manhid tayo sa kung ano ang nasa kasalukuyan at lalong hindi natin makikita kung ano ang mayroon sa hinaharap. Tayo ang nagkukulong sa ating sarili sa kalungkutan na ugat ng paggawa natin ng mga bagay na maaari nating pagsisihan. Matuto tayong magpatawad at iwanan nalang ang lahat ng hinanakit sa nakaraan. Magsimula ng panibago at bumuo ng masasayang pangarap at mga bagay na magiging masasayang ala-ala.
“Reverie is not a mind vacuum. It is rather the gift of an hour which knows the plenitude of the soul.” -Gaston Bachelard
-END-
Happy Ending! I like the Amnesia part LOL kilig sabay tawa ako dun ah! naks!
ReplyDeleteGanyan talaga ang buhay! we have to live to the extremes! ba't mo naman ikukulong ang sarili mo sa kalungkutan eh pwede namang mabuhay ng napakasaya sa piling ng taong nagpapasaya sayo di ba? :)
:) Maraming salamat sa pag share mo ng Kwentong ito..
Kudos! Rue ! sana makagawa ka pa ng panibagong akda! :)
im so happy na d napahamak ng husto si jethro... tama wag mag paalipin sa dikta ng pag hihigante... dapat matotong mag patawad sa kapwa para madaling maging maganda ang takbo ng buhay natin.... para maging masaya... tama ang kasabihan na kung ano ang itanim yan na rin ang aanihin... hope sana may karugtong na kwento nila...baka si drew at leo ang nagkatuluyan...
ReplyDeletehappy valentines day!!!
ramy from qatar
Wow Rue! Ang saya ng ending mo! keep it up I wish to see all of your future novels!
ReplyDeleteCheers!:)
@--makki--
ReplyDeleteluko-luko lang tlaga c jeth kya xa umarte xD nahalata lang tlaga agad kc d tlaga xa mrunong umarte :) kakamiss xa lolz
@ramy from qatar
tama, sabi nga sa kantang affirmation, "I believe forgiveness is the key to your unhappiness"
@Lyron
sana nga may susunod pa lolz...said na utak q eh xD
mraming salamat sa pagsubaybay :) sa uulitin po :) (kung mayroon man xD)
ang bilis mo ah.. bago pa maexpire yung dati mong blog eh meron ka nang bago.. buti na lang nkita ko sa profile mo.. hehehehe..
ReplyDeletehihintayin ko ang magiging akda mo.. :)
@--makki-- lol pinalitan q lang tlaga URL kc may nangyaring d q inaasahan :/
ReplyDeletekala ko hindi ko na mahahanap itong blog mo! hehehehe
ReplyDeleteCheers!:)
@Lyron haha gling m ah XD panu m nahanap?
ReplyDeletesame way na nahanap ni makki! :)
ReplyDeletesame way as makki!:)
ReplyDeleteGaling mo talagang magsulat rue....mabuti eto happy ending...di ako madedepress tulad dun as will you wait for me...keep it up rue...hehe
ReplyDelete-Berto-