Feb 7, 2012

Reverie (Part 6)

Heto na po ang part 6. Di ko po alam kung magugustuhan ninyo ito dahil ako man ay di din sigurado kung ano ang nasa utak ko habang sinusulat ito. Ganun pa man, sana'y ipahayag niyo pa din ang ideya ninyo tungkol dito. :)



REVERIE (Part 6)

Gumalaw siya upang pumaibabaw sa akin. “Pasaway ka, Hiro! Ngayon ako naman ang susundot sa’yo!”

Sinundot niya ang tagiliran ko. Malakas ang kiliti ko duon. Para akong bulateng kikisay-kisay. “Tama na, tama na please!” pakiusap ko habang tumatawa.

Tumigil siya. Namayani ang katahimikan.

Ramdam ko ang init ng balat niyang nakadikit sa balat ko, ang hininga niyang umiihip sa mukha ko, ang pagtama ng mga paningin naming dalawa. Lahat ng ito’y nagdudulot ng kakaibang pakiramdam sa akin, nagdadala ng kaba sa aking dibdib, yung kabang magkahalong takot at saya. Teka, ano ba tong iniisip ko?

“Ngayong wala nang istorbo, mag-uusap na tayo.” Wika nito.

“S-sige, usap tayo. Tama mag-uusap tayo…” anu ba to, natutuliro ako. “Bago tayo mag-usap, pwede umalis ka muna sa pagkakadagan sa akin?”

Then there’s an awkward smile oh his face.

Umalis siya sa pagkakadagan sa akin at humiga patagilid, paharap sa akin. “Kamusta ka na?” tanong nito.

“Adik ka ba? Buong araw tayo magkasama tapos tatanungin mo kung kamusta ako.”

“Ang ibig kong sabihin, kamusta ka na mula nung magbreak kayo ni Cherry. Sa pagkakatanda ko simula nun naging mailap ka na sa tao. Ano ba kasing nangyari nun?”

“Ah yun ba?” Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan. “Minahal ko si Cherry, at alam kong mahal din niya ako nun. Hindi ko alam pero bigla nalang kasing pati ako idinamay niya.”

“Idinamay?” bakas sa mukha ni Jethro ang pagkalito.

“Oo eh. Ganito kasi yon.” Umupo ako paharap sa kanya habang siya naman ay nakatingin sa akin, naghihintay ng sasabihin ko. “Alam mo namang may boyfriend si Cherry nung niligawan ko siya diba?” Tumango lang siya.

“Wala na silang communication ng dalawang buwan nung nanligaw ako. Sinagot naman niya ako at naging kame. Pero matapos ng ilang buwan biglang bumalik ung boyfriend niya. Sabi ni Cherry ako na ang mahal niya, sabi niya makikipag-break siya dun sa isa, pero in the end pati ako nilaglag niya. Ang gusto niya sabay kaming manligaw nung isa.”

Napa-upo na rin si Jethro. “Ganun pala ang nangyari. So, niligawan mo ba ulit?”

“Hindi. Nasaktan ako sa ginawa niya. Kung mahal niya ako, bakit kailangan pati ako hiwalayan niya? Bakit kailangan ligawan ko siya ulit? Bakit kailangang makipagkumpitensya ako sa isa?”

“Oo nga. Tsk! Grabe naman yun. Pero sana sinabi mo sa’kin yun nuon pa, atleast kahit papano nadamayan kita.”

“Di ko na naisip yun nun. Nawalan ako ng tiwala sa iba. Sorry ha?” Kung nuon pa lang siguro alam ko nang best friends pala kami ni jethro, baka hindi ko na pinagdaanan ang lahat ng nangyari pagkatapos nun. Nakakapanghinayang.

“Hayaan na natin yun. Ang importante okay na ulit tayo. Oh tapos nun ano’ng nangyari?” muling tanong ni Jethro.

Natahimik ako. Ito yung bahagi ng buhay ko na wala akong pinagsabihang kahit na sino. Ito ang bahagi ng buhay ko na kinikimkim ko sa loob ko. Kahit pa best friends kami ni Jethro ay di ko alam kung masasabi ko ba sa kanya ito. Natatakot ako. Baka kapag nalaman niya’y layuan niya ako, pandirihan.

“Huy… Natahimik ka diyan? Anu na?” Tinapik niya ako, nainip siguro sa paghihintay.

“Ah… Ehh…”

Tumabi siya sa akin at umakbay. “Best friends tayo di ba? Pwede mong sabihin sa’kin ang lahat. Lalu na kung makakatulong yun para gumaan ang loob mo.” Wika niya kasabay ng bahagyang pagyugyog sa balikat ko.

Tumingin ako sa kanya. Alam kong di titigil ito hanggat hindi ako nagsasalita. Humugot ako ng malalim na hininga. “Okay, okay, heto na…”

“May nakilala ako. Siya ang dumamay sa akin sa panahong takot akong makisalamuha sa ibang tao.” Pagsisimula ko.

“Sino?”

“Hmm… Siya yung naging syota ko after Cherry.”

“Okay. Kilala ko ba?”

“Malamang hinde. Sa Manila ko siya nakilala, sa ToyCon.”

“Ah okay. Oh tapos?”

“Naging textmates kami. Siya yung sandigan ko, siya ang nagbibigay ng payo sa akin, dumadamay sa tuwing naaalala ko si Cherry. Namalayan ko nalang in love na kami sa isa’t isa.”

“So naging kayo?”

“Oo. Siya ang naging inspirasyon ko. Kaso mahirap, long distance relationship kasi.” Nahiga ako. Pumikit. Inaalala ang mga nangyari. “Nag-apply ako sa Manila sa kagustuhang magkasama kami, natanggap naman ako. Nagtrabaho ako bilang in-training photographer sa isang studio. Ang hirap nga lang, allowance lang ang sahod ko kasi nga trainee pa lang ako. Ang masaklap pa, wala akong day off. Na-assign ako sa Cainta. Sobrang layo sa tinitirahan niya. Kaya kahit may trabaho na ako, hindi pa rin namin nagawang magkasama.”

“Hirap naman ng sitwasyon mo. Eh siya, di ka man lang ba niya pinuntahan?”

“Hindi, nag-aaral pa siya nun eh. Graduating siya kaya marami siyang ginagawa.”

“Oh eh asan na siya ngayon?”

“Ewan ko.”

“Wala na kayo?”

Umiling ako. “Wala na.”

“Ano’ng nangyari?”

“Dahil nga long distance, cellphone lang ang communication namin. Ang kaso, kinuha ng daddy niya ang phone niya, para daw mag-focus siya sa pag-aaral. Ilang buwan kaming walang communication. Pero tiniis ko. Kasi iniisip ko malapit na din matapos ang training ko, magkakaroon na ako ng regular pay at day off para pwede na kaming magkita lagi. Isang gabi, pagkauwi ko sa bahay ng tita ko sa Pasig, tumawag siya. Angsaya ko nun, sobra. Pero panandalian lang yun. Sabi niya, may mahal na siyang iba.”

Ramdam kong namumuo ang luha sa mga mata ko sa ala-alang yun. Sumisikip ang dibdib ko. Nahiga sa tabi ko si Jethro, nakaharap siya sa akin, hinawakan ang kamay ko. Nakaramdam ako ng kapanatagan.

“Hindi ako sumuko. Mahal ko siya at hindi ako papayag na matapos kami ng ganun nalang, ng di man lang nag-usap para isalba ang relasyon namin. Nagpasya akong pumunta sa bahay nila. Mag-eenroll siya nun kaya sumama ako. Matapos niya mag-enroll, pumunta kami ng isang mall sa cubao. Dun ko kinalimutan ang pride ko, ang dangal ko. Lumuhod ako’t nagmakaawa na huwag niya akong hiwalayan. Di ko pinansin ang tingin at bulungan ng mga taong nanonood. Nanatili akong nakaluhod, umiiyak, nagsusumamo upang huwag niya akong iwan. Pero wala din. Dumating yung bagong boyfriend niya at iniwan nila akong nakatanga.”

“Shhh… Tahan na, Hiro. Tapos na yun, makakahanap ka naman ng ibang mamahalin.” Bulong ni Jethro. Lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Humahagulgol na pala ako.

“Hindi eh! Siya ang naging inspirasyon ko. Siya ang ugat ng mga binuo kong pangarap. Na magsasama kami upang mailayo siya sa daddy niya na nananakit sa kanya. Na ako ang magiging asawa niya pagdatin ng tamang panahon. Lahat ng pangarap na binuo ko pinipilit kong maisakatuparan tapos nauwi lang sa wala.”

Bigla niyang hinawakan ang pisngi ko, pinunasan ang luhang umaagos. “Alam kong nahihirapan ka. Nandito ako, tutulungan kitang mag-move on. Tahan na.” Niyakap niya ako. Mahigpit. Nanatili kami sa ganoong posisyon hanggang sa napagod ako’t nakatulog na.




Ikaw ang una’t huling lalaking mamahalin ko…




“Hiro, Hiro, gising na!”

Nagising ako sa marahas na pagyugyog sa akin ni Jethro. “Anong oras na ba?”

“Alas-4 na. Bumangon ka na diyan baka ma-late pa tayo. Okay ka na?”

Tumango lang ako. Bumangon ako’t nag-unat. Magaan ang makiramdam ko. Marahil dahil sa may napagsabihan na ako ng dinadala ko. Pero, may kung anong pakiramdam sa akin ngayon. I feel awkward.

“Una ka nang maligo. Ako na ang magliligpit ng higaan.” Hinila niya ang kumot na nagtatakop sa katawan ko. Nagulat nalang ako nang makitang naka-brief lang ako.

“A-anong nangyari?” tanong ko.

“Saan?”

“Bakit… Bakit ganito lang ang soot ko?”

“Aba, malay ko sa’yo. Sarap ng tulog ko kagabi, di ko na alam kung bumangon ka ba o ano.” Sagot nito.

Nakakapagtaka. Paanong nahubad ang shorts ko nang mag-isa? Di ko na yun binigyan pa ng pansin. Nagpunta na ako ng banyo upang maligo.

Pumasok kami sa supermarket sa Dau. Tulad ng inaasahan ko na, ako ang topic sa mga chismis dahil sa pangyayari nuong birthday ni Tonyo. Pinapakita ko sa kanilang hindi ako apektado, ni hindi ako nagpaliwanag. Pero sa loob ko, apektado ako, nahihiya ako. Salamat nalang at nandiyan pa rin sina Janet at Jethro, hindi ako iniwan sa kabila ng di magandang usap-usapan tungkol sa’kin.

Naging maganda ang samahan namin ni Jethro. Laging siya ang kasama ko, madalas siyang makitulog sa amin at ganun din ako sa kanila. Masaya ako’t hindi pa rin siya nagbabago. Katulad pa rin siya nung una kaming magkakilala.

Si sir Nardo, naman weird pa din. Sa trabaho, boss talaga ang dating niya. Pero paglabas ng trabaho ay para siyang batang makulit. Naging ritwal na namin ang kumain ng fish balls sa harap ng mall bago kami umuwi, lagi pa rin niyang kinukuha ang mga squid balls ko. Pero okay lang, siya naman nagbabayad ng pamasahe namin. Pinanindigan na nga din niyang “Yani ko” ang tawag niya sa akin. Nung una’y nakakailang, pero nakasanayan ko na rin. Mabait naman si sir eh, nasobrahan nga lang sa kulit. Araw-araw din siyang nakikipagkulitan sa text.

About Drew, patuloy siyang nanligaw sa akin. Mag-iisang buwan na rin mula nung mag-umpisa siyang manligaw. Walang pagbabago, sweet pa din siya. Nagpapakasweet din ako dahil gusto ko nga ring ma-inlove lalo sa akin yung tao. Napagpasyahan kong sagutin na siya sa susunod na araw. Pero iniisip ko kung paano ko ito maitatago kay Jethro. Lagi kasi siyang nakabuntot sa akin, binabasa din niya ang mga texts sa cellphone ko kaya natuto akong magdete ng sent items.




“D2 nko dau. San kna?” text ni Drew.

Ito na yung araw na sasagutin ko siya. Araw ng sabado, day-off namin ni Jethro. Nagpaalam ako na amy lakad ako pero sinabihan niya ako na magkita kami ng hapon dahil may pupuntahan kami. Okay na din yun, atleast natakasan ko siya kahit sandali.

“...on my way na, w8 ka lang jan teminal.” Reply ko kahit ang totoo’y nagtatago ako sa isang fast food chain sa tabi ng terminal. Tinitignan-tignan ko kung nandun na nga ba siya.

Ilang dandali lang ay may lalaking naupo sa tabi ng fast food chain, sa mismong tapat ko pa. Nagsindi siya ng sigarilyo. Pinagmamasdan ko siya. Napangiti ako. Si Drew nga ito. Ibang iba ang itsura niya kapag nakadamit. Bulong ko sa isip ko.

Matangkad siya, sa tantya ko’y nasa 5’10” siya, maputing mamula-mula ang kutis, straight ang buhok na emo style, maamo ang mukha, maganda pumorma. Masasabi kong okay siya.

Nagpasya na akong magpakita. Tumayo na ako’t lumabas na. Dahan-dahan akong naglakad palapit kay Drew. “Pare pasindi nga.” sabi ko sabay lahad ng kamay na kunwari’y hinihiram ang yosing nakasindi. Iniabot naman nito ang sigarilyo niya ng hindi man lang tumitingin sa mukha ko.

Ang ginawa ko’y inapakan ko ang yosing iniabot niya. Bigla siyang nag-angat ng tingin sa mukha ko na sinalubong ko naman ng matamis na ngiti. Pinagmadan muna niya ako. Nang masigurong ako nga ang hinihintay niya’y ngumiti na rin ito at tumayo.

“Akala ko papunta ka pa lang?” masayang wika nito sabay akbay sa akin.

“Gusto kitang sorpresahin eh.” Sagot ko naman.

“Congrats, you did surprised me!”

Dinala niya ako papasok ulit sa fast food na pinagtataguan ko kanina. Umorder siya ng kung anu-ano. Nag-usap lang kami habang kumakain. Ang nakakatawa sa kanya ay lagi niyang inoopen yung topic tungkol sa pangako ko sa kanya dati, ang halikan siya ng torrid.

Matapos kumain ay nagpunta kami ng Main Gate ng Clark. Tumambay kami sa malawak damuhan at nanood ng mga naglalaro doon.

“Hanggang kailan ka sa Tarlac?” tanong ko sa kanya. Nagbabaksayon lang kasi siya sa kamag-anak niya Tarlac kung kaya nagkaroon kami ng pagkakataon upang magkita.

“Hanggang bukas lang, may pasok na kasi ako sa Monday.”

“Ah ganun ba? Hanggang tanghali lang ako pwede ah? May lakad kami ng best friend ko eh.”

“Okay lang. Kailangan ko rin naman umuwi agad, tumakas lang kasi ako.” Ngumisi pa siya. “Gusto lang kasi talaga kitang makita, mahawakan, dahil mahal kita.”

“Drama mo ah. Di bagay.” Sagot ko naman sabay tawa.

“Totoo yun.” Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at ininapat sa dibdib niya. “Ramdam mo ba? Pangalan mo ang tanging isinisigaw nito.”

Natawa ako sa ginawa niya. “Oo na, sige naniniwala na ako.”

“Eh ako ba, m-mahal mo rin ba?” kita ko sa mga mata niya ang paghingi ng kaunting pag-asa. Angcute niya tignan, napakapungay ng mata niya sa mga sandaling yun. Napapangiti ako. Lahat ay nangyayari ayon sa plano.

Tumingala ako. Ngumiti. “Oo na.” sagot ko.

“Ano?”

“Sabi ko, oo na.”

“Ibig sabihin…” bigla siyang tumalon at humalakhak. Nagulat ako.

“Huy, manahimik ka nga!” saway ko sa kanya dahil pinagtitinginan siya ng mga tao sa park. Natakot ako.

Umupo siya ulit sa tabi ko na abot tainga ang ngiti. “Sorry, masaya lang ako. napasaya mo ako, sobra!”

“Mabuti kung ganun.”

“So…” ngumiti ng plto si Drew habang nakatitig sa akin.

“So?”

“Baka pwede na yung…” sabay nguso niya. Natawa ako sa kanya.

“Mamaya, madaming tao dito oh.”

Nagpunta kami sa malapit na fast food chain bago magtanghali. Sinabi kng busog pa ako pero mapilit siya. Patatabain daw niya ako. Di ko akalaing showy siya. Wala siyang pakealam sa ibang tao, sinusubuan niya ako kahit na tumatanggi ako. Wala naman akong magawa kundi ang gawin ang gusto niya.

Matapos kumain ay nagtungo muna ako ng CR. Di ko akalaing susunod siya. Bigla niya akong hinila papasok sa isa sa mga cubicle. Inilock niya ang pinto at hiniwakan ang aking mukha. Halos di ako nakagalaw sa pagkagulat.

“Ngayon, pwede na.” sabi niya sabay taas-baba ng kilay niya.

“Pasaway ka!” natatawa kong sagot.

Unti-unti ay inilapit niya ang muka niya. Naglapat ang aming mga labi. Masuyo ang halik na yun, ramdam kong may pag-iingat siya. Di nagtagal ay naramdaman ko na ang mainit niyang dila na nagpupumilit pumasok sa aking mga labi. Pinagbigyan ko na ang gusto niya at gumanti na din ng french kiss na ninanais niya. Aaminin ko, naenjoy ko din iyon.

Inihatid ko siya ng terminal. Parang di na mabura ang ngiti sa mukha niya. Batid kong masaya siya sa pagkikita namin na siya namang gusto kong maranasan niya. Gusto kong maging masaya siya sa mga araw na “kami” dahil bahagi yun ng plano ko. Natutuwa ako sa daloy ng mga pangyayari.




Sumkay na din ako ng jeep pabalik ng San Fernando. Bumaba ako sa babaan at naglakad ulit papunta sa terminal pauwi sa amin. Nagulat nalang ako dahil biglang may humablot sa braso ko.

“Saan ka galing?” tanong ni Jethro. Bay bahid ng pagkainis sa boses niya, magkasalubong ang mga kilay.

“Sa Dau. Nagpaalam ako sa’yo diba?”

“Kanina pa ako text ng text di ka nagrereply eh!”

“Di ko alam, naka-silent ang mga phone ko.”

“Di mo din nabasa ang text ni sir?”

“Ha?” Binuksan ko ang bag ko upang tignan ang mga cellphone ko. Nagtext pala si sir Nardo.

“Punta keo d2 ni jeth, asahan ko keo.” Text niya.

“Anong meron?” tanong ko kay Jethro.

Hinila niya ako upang tumawid ng kalsada. “Birthday ni Sir, may party sa kanila. Pinapapunta niya tayo dun.” Kahit di ko pa sinasabing sasama ako ay pumara siya ng jeep byaheng Angeles.

“Di ba nakakahiya?” tanong ko kay Jethro.

“Ano ka ba?! Ininvite ka nga ni sir diba? Bat ka mahihiya?”

“Eh kasi…”

“Tama na nga, basta pupunta tayo!” Wala na akong nagawa kundi ang sumama.

Pagdating namin sa bahay ni sir Nardo ay halos ayaw ko nang pumasok ng bakuran nila. Maraming tao. Puro di ko pa kilala.

“Wag nalang tayo tumuloy? Nakakahiya, wal tayong kakilala oh.” Pakiusap ko kay Jethro.

Inakbayan ako nito at ngumiti. “Si sir ang pinuntahan natin dito, hindi ang mga bisita. Ako’ng bahala sa’yo. Tara na.”

“Oh, andiyan na pala kayo!” sigaw ni sir Nardo. “Halikayo, pasok.”

Tinignan ko si Jethro, tumango lang ito. Tumuloy na kami.

“Buti nakarating kayo, Yani ko.” Wika niya sa akin sabay abot ng plato’t mga kubyertos.

“Basta kayo, sir, darating kami.” Sagot ng sawsaw na si Jethro.

Kumain lang muna kami. Kahit busog na ako’y pinilit kong kumain dahil nakakahiya, baka isipin nilang hindi ako nasarapan sa inihanda nila. Ngingiti-ngiti naman si sir Nardo habang nakikipagkuwentuhan sa amin.

Matapos kumain ay inakala kong uuwi na kami pero nagkamali ako. May inihandang mesa si sir Nardo para sa inuman. Agad niya kaming tinawag ni Jethro, pati na rin ang iba niyang lalaking bisita upang maumpisahan na ang inuman. Kuwentuhan at tawanan sila, pero ako’y sadyang di talaga sanay sa pakikihalubilo sa mga di ko kilala. Nanatili lang akong tahimik.

Kumagat na ang gabi, nagsi-uwian na ang karamihan sa mga bisita. Iilan nalang din ang mga kainuman namin. Ramdam kong napuno na ang pantog ko kung kaya nagpasya akong magbawas muna.

Tumayo ako upang pumunta sa madilim na bahagi ng bahukan. Ibinaba ko ang zipper ko at inilabas si junjun. Nasa kalagitnaan ako ng pag-ihi nang may isa pang tumayo paharap sa pader.

“Pwede ka bang makausap, Yani ko?”

Hindi ako sumagot. Nahihilo na din kasi ako. Matapos ko umihi ay naglakad na ako pabalik sa puwesto namin pero bigla akong hinila ni sir Nardo.

“Sabi ko, pwede ka bang makausap?” batid kong lasing na din siya base na din sa boses niya.

“Tungkol saan sir Nardo?” kinakabahan ako.

“May sasabihin sana ako sa’yo eh.”

“Ano po iyon sir?”

“Hmm… Pwede ba kitang ligawan?”

Nagulat ako. Parang nawala ang lasing ko sa narinig. Totoo ba ang dinig ko o guniguni ko lang?







Itutuloy…

8 comments:

  1. naku patay! tatlong lalake ang nahuhumaling sa kanya..

    pano na yan eh may drew na siya?

    grabe nakakaloko talaga itong story na to...

    looking forward sa magiging flow ng kwento mo rue.. malamang malang maguguluhan ka sa pagtagpi-tagpi nang bawat scenario nito..

    gudluck :)

    ReplyDelete
  2. @--makki-- hallo^w^ buti kht papanu ngus2han m :)

    nsa icp q naman na mggng flow kaso hrap aq mgexecute lolz sadyang halo halo lng nsa icp q knina at d q maisaayos mbuti x.x

    ReplyDelete
  3. naku pano na yan hiro.... may bf ka na si drew.... ngayun si sir nardo mo akyat ng ligaw sa u.... pano naman si jethro... baka d mo lang alam may nangyari ng gabi don sya natulog sa inyo,,,, ginapang ka nya.... ha ha ha...ng d mo alam

    ramy from qatar

    ReplyDelete
  4. @ramy from qatar papatol ba si Hiro kahit may bf na siya o iiwas siya? si Jethro naman, maaaring ginusto niya ang mga pangyayari, o bka hindi niya alam.. tignan nlang po ntin anung susunod na mangyayari :)

    ReplyDelete
  5. Wow!!! Grabe ang last scene! yes or no? pinaglalaruan niya lang naman si Drew, ramdam naman nating lahat na mahal siya ni Jeth... Kaso di naman malinaw kung meron ba siyang minamahal kasi di rin siya sure sa sarili niya kung ano ba talaga ang dapat niyang maramdaman.... Walang "hallucination" ngayon ah...

    Cheers! :)

    ReplyDelete
  6. wla nga kc ngskip aq ng ilang weeks lolz peo given na w/in a day nangangarap xa ng gcng o.o

    ReplyDelete
  7. natutuwa ako sa flow ng story mo ah. sa personality ng character mo! :)

    ReplyDelete
  8. salamat naman ngugus2han m.. peo q lam kung m2wa kpa sknia sa mga su2nod :/

    ReplyDelete