Dalawang chapter nalang po matatapos na ito. Maraming salamat sa patuloy na pagsubaybay :)
REVERIE (Part 8)
“H-hiro? Anong ginagawa mo dito? Sino siya?” tanong ni Jethro sa akin.
“J-jethro? Uhmm… K-kasi…” di ko alam kung ano ang sasabihin ko. Tinitignan kami ni Drew, marahil ay alam na niya kung bakit ako nauutal.
“Pare, Drew.” Sabay lahad ng kamay niya kay Jethro. Napatingin ako sa kanya. Sasabihin kaya niya?
Nakipagkamay naman si Jethro ngunit masama ang tingin niya kay Drew. “Jethro pare. Anong ginagawa niyo sa lugar na ito?”
“Ahh… Kasi nagpapatulong siya sa thesis niya. Tama, yun nga. Diba Drew?” sabay siko ko sa kanya.
“Ahh oo, nagpatulong nga ako.” sagot naman nito.
“Thesis sa apartel?” Nanunuri ang mga tingin ni Jethro sa amin.
“Dito kaso siya tumuloy panandalian, taga-Baguio kasi siya.” Palusot ko naman. Grabe kinakabahan ako.
"Saan ba kayo pupunta niyan? Magka-akbay pa kayo." tanong ni Jethro sa'min.
"Saan ba kayo pupunta niyan? Magka-akbay pa kayo." tanong ni Jethro sa'min.
“Sa mall.” Sagot ni Drew.
“Pauwi na.” Sagot ko naman.
“Ano ba talaga? Saan kayo pupunta?” tanong ng nalitong si Jethro dahil sa sabay ngunit magkaiba naming sagot ni Drew.
“Papunta siya ng mall, ako pauwi na.” sagot ko. Tinignan naman ako ni Drew gamit ang nangungusap na tingin. Alam kong nais pa niya akong makasama ng matagal pero ayaw ko namang makahalata si Jethro sa itinatago kong sikreto.
“Okay, uwi na tayo.” Sabi ni Jethro sabay hawak sa kamay ko. Bumaling siya kay Drew, “Una na kami, nice meeting you pare.”
Walang nagawa si Drew kundi ang tumango nalang bilang tugon. Mukha siyang naulila sa itsura niya.
“Sino ba talaga yun? Saan mo nakilala?” tanong ni Jethro habang nasa jeep kami pabalik ng San Fernando, nakasakay kami sa tabi ng driver.
“Kaibigan ko.” Mahina kong sagot, nakayuko.
“Yung totoo.” May bahid ng galit sa tinig ni Jethro. Lalo akong kinabahan.
Pinilit kong kumalma at maggalit-galitan dahil sa inaasta niya. “K-kaibigan ko nga. Nakilala ko sa chat. Nagpapatulong lang yung tao, masama ba yung ginawa ko?”
Umiling siya tanda ng di siya naniniwala. Nanahimik nalang muna ako, ipinakita kong galit ako, pilit ikinukubli ang kabang nararamdaman ko sa loob ko.
Bumaba kami ng intersection. Huminto ako sa isang tindahan at hinayaan ko munang makalayo si Jethro.
“Ate nagtitinda kayo ng SIM Card?” tanong ko sa tindera habang kumukuha ako ng sigarilyo mula sa garapon.
“Anong SIM Card ba?”
“Extreme memory ate kung meron.” Sinindihan ko na yung sigarilyo at kumuha ng perang pambayad mula sa bulsa.
Inabot ng tindera yung SIM Pack kasabay ng pag-abot ko ng bayad ko. Agad kong ibinulsa yung binili ko bago sumunod kay Jethro.
“Saan ka na naman galing?” tanong nito nang maabutan ko.
“Bumili lang yosi. Kain muna tayo bago umuwi, nagugutom na ako.”
Di na kami tumawid ng kalsada dahil may fast food chain naman along the way. Dun kami pumasok upang kumain. Umorder muna siya habang ako ang namili ng uupuan namin.
“Ano palang ginagawa mo sa Angeles?” tanong ko pagbalik niya dala ang tray ng pagkain namin.
“Bibili sana ako ng VCD, naiinip ako. Wala kasing magawa.” Sagot nito.
“Nasan na yung binili mo?”
“Di na ako nakabili, kadarating ko lang dun nung makita ko kayo nung kasama mo.” Di man lang ako tinatapunan ng tingin nito kahit nag-uusap kami.
“Sana sinabi mo para bumili tayo bago tayo umuwi.”
Di siya sumagot.
“Galit ka ba?” tanong ko dito na di niya ulit sinagot. Patuloy lang siyang ngumunguya na parang kambing habang nakatingin sa labas. Para akong tangang nakikipag-usap sa hangin.
Minabuti ko nalang kunin ang cellphone ko. Pasimple ko itong hawak sa ilalim ng table. Pagbukas ko, may isang message akong natanggap, galing kay Drew.
“Bumlik ka nman oh, gs2 pa kta mksama bgo ako umuwi :(”
Bumuntong hininga nalang ako.
“..sori drew, break na tyo… ingat ka pauwi.” Reply ko.
Di ko na hinintay pang makapag-reply si Drew, binaklas ko na ang phone ko at ininsert ang bagong SIM na nabili ko. Tumayo ako’t naglakad papunta sa malapit na basurahan upang itapon ang luma kong SIM kasama ng mga papel na kasama sa bagong SIM Pack ko.
“Saan ka uuwi ngayon?” tanong ko pagbalik ko a puwesto namin ni Jethro.
“Sa’min syempre.” Malamig niyang tugon.
“Sige, sama nalang ako sa’yo.” Sabi ko habang nililigpit ang pinagkainan ko.
“Huwag na, umuwi ka nalang.”
“Gusto kong makitulog sa inyo eh.”
“Ayaw kong may katabi ngayon, mainit.”
“Jeth…” makikiusap sana ako pero pinutol agad niya ang sasabihin ko.
“Hiro wag ka munang mangulit ngayon. Wala ako sa mood.” Wala na akong nagawa, nanahimik nalang ako.
Nasa loob ako ng kuwarto ko, nakahiga, mabigat ang loob dahil may di pagkakaunawaan na naman kami ni Jethro.
Ewan ko ba kung paano ko naka-close yun. Lagi nalang may tampo. Kung babae lang siya iisipin kong may gusto siya sa akin.
Para akong binatukan ng kawaling umuusok pa sa naisip ko.
May gusto nga kaya siya sa akin? Nagseselos?
May kaunting kilig akong naramdaman sa naisip ko. Ngunit ang isang bahagi ng isip ko’y umaalma.
Huwag naman sana… Sasaktan ko lang siya kung ganuon ang mangyari…
Minabuti ko nalang i-divert ang isip ko sa ibang bagay. Agad kong kinuha ang cellphone ko at nagbukas ng browser.
“hallo guys!” bati ko sa chatroom.
Bananaman: vamp! ilang araw ka d pramdam ah? msta?
Cryptic_Moon: mlamang ngplit na nman ng sim yan.
Vampure_Slayer: pnu m nlaman piluka? klahi kba ni mdam auring? tnt
Bananaman: hahaha bka my bgong tnatguan
Cryptic_Moon: gnyan ka nman tlaga
Vampire_Hunter: hahaha yaan m na piluka… msta na kau?
Bananaman: ok na ok cm!
Cryptic_Moon: e2 bad3p
Vampire_Hunter: bkit ka bd3p?
Bananaman: kc ung gs2 nia malandi pa sa pokpok lmao
Cryptic_Moon: my mhal akong d pwede eh!
Vampire_Hunter: hahaha inlab na c piluka! cnu nman ung malas na ngus2han m?
Bananaman: ung bestfriend niya!
Cryptic_Moon: daldal mo saging! saksakan ko ng burat bunganga mo eh!
Yan ang dalawang tinuturing kong best buds sa LCW, si Cryptic_Moon na emo at ang madaldal na si Bananaman. Kaming tatlo ang itinuturing na founder ng grupo namin sa WAP, ang The Cool Erros na ginawan ko ng WAP site na minamanage naman ng programmer na si Cryptic Moon. Natatanggal nila ang stress ko dahil para silang "PorkChop Duo" pag nagbanatan na. Parehong di ko alam ang hitsura nila dahil na rin wala silang matinong picture sa Mocospace.
Si Cryptic_Moon nakatalikod sa profile pic niya kaya tinawag kong piluka dahil parang ipinatong lang yung buhok niya. Maliban sa profile pic niya ay puno ng Cyclops pictures ang albums niya.
Si Bananaman naman ay ang daring pagdating sa pictures, panu ba naman ang profile picture niya ay ang putotoy niya na tinakpan lang ng smiley. Bukod dun ay mga cartoon characters na ang mga pictures sa albums niya, karamihan ay sina B1 at B2 pa.
Parehong di ko pa sila nami-meet dahil ayaw nila makipagkita, dyahe daw kasi. Kung chicks pa daw ako’y makikipagkita sila sa’kin. Mga malilibog talaga.
Vampire_Hunter: d kna nsanay sa bunganga ni saging! tnt
Bananaman: pis tau piluka ^^v
Cryptic_Moon: ewan ko sau!
Vampire_Hunter: ngdadalaga na c piluka, my dalaw!
Cryptic_Moon: shuddup!
Vampire_Hunter: oh xa xa, gwa muna q report…blik nlang aq mea…
Cryptic_Moon: ok, tc
Bananaman: bumalik ka kundi uumbagin kta
Vampire_Hunter: ok boss! peo pgmy nghanap skin sbhin nio wla aq
Sinara ko na ang browser at gumawa na ng report for the week.
Kinabukasan, ramdam ko pa rin ang malamig na pakikitungo ni Jethro sa akin. Hindi ko na maintindihan ang mga kilos niya. Ilang beses ko tinangkang makipag-usap sa kanya pero lagi naman siyang umiiwas. Hindi na rin siya sumabay sa pag-uwi kaya si sir Nardo ang kasama ko. Ganuon na ba kalaki ang nagawa kong kasalanan para iwasan niya ako ng ganito?
Naging ganuon ang set up namin sa sumunod na araw, at sa sumunod pang araw, hanggang sa maging isang linggo na. Naiinis ako sa kanya dahil ako na nga itong lumalapit, siya pa itong umiiwas. Wala tuloy akong ibang makausap o makaharutan kundi si sir Nardo at ang mga ka-chat ko lang sa LCW. Lalo akong naiinis dahil sa… Nami-miss ko siya.
“Hayaan mo na muna. Baka nagtatampo lang yun kasi iba ang kasama mo last week. Best friend ka niya kaya siguro nasaktan siya. Lalu na ipinaalam mo na hindi ka lalabas nun. Give him time to think. Makikipagbati din yun pag na-miss ka niya.” Advice ni sir Nardo sa akin. Araw ng Sabado, inaya niya ako upang lumabas. Nasa likod kami ng mall, nakaupo, nakaharap sa isang malawak na lupaing natatakpan ng damo.
“Yun na nga sir Nardo eh, best friend niya ako pero natitiis niya ako. Mas nakakatampo kaya yung ginagawa niya. Ako na tong nakikipag-ayos siya pa tong may ganang umiwas.”
Inakbayan ako ni sir Nardo, “Ito talagang Yani ko, matampuhin. Smile na para maging mas cute ka.”
“Bolero!” sabi ko sabay pisil ng ilong niya.
Naging masaya akong kasama si sir Nardo. Makulit, isip bata, pero matalino at may paninindigan. Alam mo yun, childish na matured. Di nakakapagtaka dahil pareho kaming Gemini, tatak na ata namin ang pagkakaroon ng dual personality.
Biglang nagseryoso ang mukha ni sir Nardo. Tinitigan niya ako sa mata, “Kelan mo ba ako sasagutin? Hiwalay naman na kayo nung boyfriend mo diba?”
Natatawa ako sa kanya dahil angbilis mag-shift ng mood. Tinitigan ko rin siya, pinilit kong magseryoso. “Uhmm… sir…”
“Ano? May pag-asa ba ako?” tanong niya uli.
Ngumiti ako. “Oh sige na.”
“Anong ibig sabihin nun?”
“Sige na nga.”
“Ehhh anu nga ang ibig sabihin nun.” Napapangiti na rin siya.
“Sige na, tayo na.”
“Talaga?! Seryoso yan ha? Walang bawian!” malakas niyang wika sabay yakap sa akin.
“Opo.” Malambing kong tugon.
Kumalas siya ng yakap at tumitig sa akin. “Kung totoo ngang sinasagot mo na ako, seal it with a kiss nga!”
Humawak ako sa batok niya upang ilapit ang mukha niya sa akin. Dahan-dahan, palapit ng palapit ang mga labi namin habang palipat-lipat ang tingin ko sa nangingislap niyang mata at labi niyang mapula, hanggang sa magdikit na nga ang mga labi namin at pinagsaluhan namin ang unang halik naming dalawa.
Araw ng Lunes, sa trabaho, nagkasalubong kami ni Jethro sa stock room. Iiwas sana siya pero maagap ko siyang inakbayan upang hindi makaalis. “Jethro, mag-usap tayo. Ayoko na ng ganitong nag-iiwasan tayo. Para tayong mga bata niyan eh.”
“Anong pag-uusapan natin?” tanong niya ngunit ang tingin niya ay nasa mga stock niya na nakalagay sa hawak niyang pushcart.
“Tayo.” Sagot ko.
“Tayo?” tanong niya, bakas ang pagkagulat sa mukha niya.
“I mean, tayo, pagiging best friends natin. Mag-best friend tayo Jethro, bakit mo ako tinitiis? Makakaya mo bang ganito nalang tayo habang buhay? Nag-iiwasan?” madamdamin kong tanong sa kanya.
“Bakit ako, tinitiis mo?” malungkot niyang tugon.
“Tinitiis? Sa anong paraan?”
Humarap siya sa akin. “Angdami mong lihim na ayaw mong sabihin. Ganun ba ang best friends? Bakit di mo ako mapagkatiwalaan ng lihim mo? Angtagal na nating magkakilala, matagal na tayong magkaibigan, pero bakit hindi mo maibigay ang tiwala mo sa akin?”
Natahimik ako. Hindi ko alam ang sasabihin. Tama nga siya, bakit ba hindi ko masabi sa kanya ang mga sikreto ko?
“Tsaka na tayo mag-usap kapag handa ka nang pagkatiwalaan ako.” huling wika niya bago lumabas ng stock room, iniwan akong nagtatanong sa sarili.
“Para kang wala sa srili mo ngayon. Ni hindi mo pa ginagalaw ang pagkain mo.” Sambit ni sir Nardo habang kumakain kami sa isang restaurant mall.
“Ha?” nabigla kong tanong.
Humawak siya sa kamay ko, “See? Lumilipad ang isip mo. What’s wrong Yani? Tell me.”
“W-wala yun sir Nardo, huwag mo nalang pansinin.”
“Sir Nardo na naman. Call me Leo.”
“S-sorry, Leo. Nasanay kasi ako sa sir Nardo eh.”
“Di pa rin ba kayo okay ni Jethro?”
“Hindi pa rin eh. Di pa kami nagkakausap ulit.”
Pinisil niya ang kamay ko. “Don’t stress yourself Yani. Magiging okay din kayo.”
Napakabait ni Leo, nakakaramdam ako ng guilt dahil sa ginagamit ko lang siya upang magkaroon ako ng karamay lalu pa ngayong hindi pa kami nagkakaayos ni Jethro. Wala naman na akong hahanapin pa kay Leo eh. Sweet, malambing, maasikaso, matalino, may kaya sa buhay, at ramdam kong mahal ako. Akala ko’y matututunan ko din siyang mahalin sa paglipas ng mga araw pero, hanggang ngayon hindi pa rin magawang tumibok ng puso ko para sa kanya. Alam mo yung pakiramdam na namanhid ka? Yung kahit gusto mong makaramdam, kahit anong gawin mo, wala ka pa ring maramdaman? Ewan ko, nahihirapan ako.
“Sana nga. Salamat, Leo.” Iniangat ko ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko’t hinalikan ito. Ngumiti siya. Kahit sa ganitong paraan man lang masuklian ko ang pagmamahal niya.
Matapos naming kumain, tumuloy kami sa bahay nila. Duon na ako makikitulog. May mga damit naman na siyang binili para sa akin para sa tuwing makikitulog ako’y may pamalit ako.
Magkatabi kami sa kama, ginagawa ang usual na ginagawa ng magkasintahan kapag magkasama’t walang ibang tao. Halikan, romansahan, walang katapusang pagniniig. Hindi siya nagsasawang tikman ang buong katawan ko, labis na pagpapala ang ginagawa niya. Ako man ay pinagbubuti rin naman ang ginagawa ko. Habang dinidilaan ko ang pusod niya’y bigla siyang nagsalita, nangungusap.
“Yani ko… Baka naman pwedeng next level na, alam mo na… Yung…” nahihiya pa siya, pero alam ko kung ano ang tinutumbok niya. Ang isubo ko ang Junior niya.
“Leo, napag-usapan na natin yan diba? Hindi pa ako handang gawin yun.”
“Baka lang naman pwede. Please? I’m longing to feel your mouth around me…”
Gumapang ako upang magkalapit ang mukha namin. “Kamayin ko nalang hanggang labasan ka. Hindi ko pa talaga kaya, Leo.” Hinalikan ko siya, nagbabakasakaling mapapayag ko.
Bumuntong hininga siya. “Sige, pero kiss mo ko habang ginagawa mo.” Parang bata niyang sabi, nakanguso pa.
“Opo. Basta ikaw, nanginginig pa.” malambing kong sagot bago ko siya hinalikan ulit. Hinawakan ko na ang alaga niyang kanina pa nanghihingi ng atensyon at ibinigay dito ang atensyong kaya kong ibigay.
Yakap-yakap niya ako, nag-iiba ang ritmo ng halikan namin. Malumanay, maya-maya’y mapusok, tapos banayad ulit. Sumasabay ang baywang niya sa kamay kong may hawak sa alaga niya, base na rin sa panginginig niya’y alam kong malapit na siya. Tama nga ako dahil ilang saglit lang ay naramdaman ko na ang mainit niyang katas sa kamay ko.
Matapos noon ay itinulak niya ako pahiga, “Thank you Yani ko. Now is my turn to take you to the stars.” wika niya gamit ang bedroom voice niya. Hinalikan na niya ako. Pababa ng pababa hanggang sa ang junior ko na ang pinaghahalikan niya. Sa bawat haplos ng kamay niya, bawat hagod ng dila’t labi niya, ramdam kong may kalakip na pagmamahal.
Matapos ng “love making” namin ay agad siyang bumagsak sa pagod. Tulog na tulog siyang nakahilata sa kama. Tinakpan ko ang hubad niyang katawan ng kumot, baka malamigan siya’t magkasakit. Anglamig pa naman ng buga ng AC sa kuwarto niya.
Tumuloy ako sa banyo ng kuwarto niya. Naligo. Umaasang anurin ng tubig na bumubuhos mula sa shower ang lahat ng guilt na nararamdaman ko. Matapos maligo’y nagsuot ako ng pyjama, naupo sa kama sa tabi ni Leo.
Hindi ako dalawin ng antok nang gabing yun. Kinuha ko nalang ang cellphone ko upang mag-chat.
Vampire_Hunter: gud eve :)
Cryptic_Moon: good evenin vampy
Drew: good evening cm
Nagulat ako, naroon din si Drew. Iki-kick ko sana siya pero wala akong maisip na palusot para gawin yun. Kaya hinayaan ko nalang siya basta ba huwag siyang magpapasabog ng tungkol sa’min.
Vampire_Hunter: hallo crypt, hallo drew, msta kau?
Drew: e2 mahal ka pa rin
Cryptic_Moon: ok lang, kw?
Cryptic_Moon: o.O
Vampir_Hunter: @ drew weh? @crypt e2 my prob
Drew: yep!
Cryptic_Moon: anu prob?
Vampire_Hunter: open ka new room, usap tau priv8
Cryptic_Moon: ok
Drew: 2ngkol b skin yan?
Drew: 2ngkol b skin yan?
Vampire_Hunter: no, dw drew
Drew: bkit m gnwa un?
Vampire_Hunter: alin?
Drew: u knw wat i mean
Vampire_Hunter: usap tau nxt time, not nw drew
Nakatanggap na ako ng chat invitation mula kay Cryptic_Moon, pagkaclick ko ay napunta agad ako sa bagong room na ginawa niya.
Cryptic_Moon: anu prob?
Vampire_Hunter: ung xota q kc
Cryptic_Moon: napanu?
Vampire_Hunter: mhal nia q, sobra
Cryptic_Moon: anu problema dun?
Vampire_Hunter: kc d q xa mhal
Vampire_Hunter: kc d q xa mhal
Cryptic_Moon: awts, problema nga
Vampire_Hunter: i need ur advice…
Cryptic_Moon: pnu ba nging kayo?
Vampire_Hunter: niligawan nia q
Cryptic_Moon: o.O
Cryptic_Moon: liberated grl?
Vampire_Hunter: lalake xa
Cryptic_Moon: o.O
Cryptic_Moon: bkla ka vamp?! o.O
Vampire_Hunter: tado! Hndi… bsta hrap explain…
Cryptic_Moon: bi?
Vampire_Hunter: uhh… yeah
Cryptic_Moon: ah ok…
Vampire_Hunter: ok lang kung mglit ka, peo sna frnds pa dn tau
Cryptic_Moon: xempre nman, tropa tau khit anu kpa
Cryptic_Moon: hapi nga aq cnbi m skin ibg sbhin u trust me
Naalala ko si Jethro. Kung nagtapat kaya ako kung ano talaga ako, matatanggap kaya niya ako? Nakakatakot din kasi, tampururot yun masyado. Hay.
Vampire_Hunter: salamat piluka :)
Cryptic_Moon: yw vampy… kya pla npapansin ko ako lagi kausap m :D
Vampire_Hunter: bugok! d kta type no!
Cryptic_Moon: hahaha joke lang
Vampire_Hunter: anu, advice na…. nhihirapan aq mgdsixon eh :(
Cryptic_Moon: ok ok…
Cryptic_Moon: sbi m mhal ka peo d m mhal tama?
Vampire_Hunter: uu
Cryptic_Moon: at ayaw m xang msaktan, tama?
Vampire_Hunter: uu, mbait kc xang tao
Cryptic_Moon: peo plagay m d m xa cnasaktan nian? Niloloko m xa, pti na sarili m
Cryptic_Moon: anu ms ggs2hin m, minsanang skit o lokohin xa ng mtagal?
Cryptic_Moon: tmbangin m
Tama nga naman siya. Niloloko ko si Leo, pati na sarili ko. Ayaw kong patuloy siyang lokohin dahil mas msasaktan lang siya.
Vampire_Hunter: hai… ok, thnx piluka… buti anjan ka :)
Cryptic_Moon: np vampy :)
Inilapag ko ang cellphone ko sa side table. Pinagmasdan ko si Leo na nahihimbing pa din. Hinahaplos ko ang buhok niya.
Sorry sa mga nagawa ko, Leo. Pero ayaw ko nang lokohin ka pa. Sana maintindihan mo ako.
Madaling araw nang bumangon ako. Nagbihis ako upang makaalis na. Nag-iwan ako ng note sa side table, duon ko ipinaliwanag sa kanya ang lahat. Lumabas ako ng bahay ni Leo, umaasang matanggap at igalang niya ang desisyon ko.
Isang gabi, habang pauwi ako galing sa mall, biglang may itim na van na humarang sa dinadaanan ko. Alam ko kung kanino ang van na yun.
“L-leo.” Nasambit ko.
“Come with me.” May awtoridad niyang wika sabay hila sa kamay ko.
“S-saan tayo pupunta?”
“Somewhere… To a place where we can talk.”
Sumama ako ng matiwasay sa kanya. May kaba man sa dibdib ko, alam kong kailangan lang niyang makipag-usap. Kasalanan ko naman ito.
Patungong Angeles ang binaybay naming daan. Tumigil siya sa mall kung saan kami nagtatrabaho. Pinagbuksan niya ako ng pinto at tuloy-tuloy kami papasok sa mall. Pumasok kami sa restaurant na lagi naming kinakainan. Umorder siya ng lagi naming kinakain.
“Leo…”
“Yani, hayaan mo nalang muna ako, please?”
Tumahimik ako. Alam kong nahihirapan pa siyang tanggapin ang pakikipaghiwalay ko, nais lang niyang makasama pa ako kung kaya hinayaan ko nalang. Kumain kami, walang usapan. Tinitignan lang niya ako.
“Bakit?” pagbasag niya sa katahimikang namamagitan sa aming dalawa.
Di ako sumagot.
“Bakit Yani? Hindi ba sapat ang pagmamahal ko? Di ba kita inintindi? May pagkukulang ba ako? Sabihin mo naman oh. Kailangan kong malaman.”
“Leo…” ang tanging nasabi ko, hindi ko alam kung anong isasagot.
“May magagawa ba ako para isalba ang relasyon natin? Mahal na mahal kita Yani, hindi ko kakayaning wala ka.” Kita kong namumuo na ang luha sa mga mata niya.
“Leo, ako ang problema. H-hindi ko magawang magmahal…”
“Bakit?”
“Hindi ko din alam.” Napayuko na ako. Nahihirapan akong makita siyang nagkakaganun.
Hinawakan niya ang kamay ko. “Please Yani, give me one more chance.”
“Leo, lalo ka lang masasaktan. Hindi man kita magawang mahalin tulad ng pagmamahal mo, importante ka pa din sa’kin bilang kaibigan. Ayaw kong patuloy kang saktan... Ayoko Leo.”
Tahimik.
“I… I understand.”
“Thanks Leo, at sorry ulit.”
“One night.” Mahina niyang wika ngunit sapat upang marinig ko.
“Ha?” tugon ko dahil hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin.
“One night, Yani, just one night. Let me feel you for one last night. Please?”
Tinignan ko siya. Nakakaawa ang hitsura niya. Tumango nalang ako bilang pagpayag. Ano nga ba namang ang isang huling gabing ibibigay ko sa kanya kapalit ng pagmamahal at pag-aalagang ipinadama niya sa akin?
Umuwi kami sa bahay nila. Pagpasok pa lang namin ng kuwarto niya’y hinalikan na niya ako, mapusok. Gumanti ako ng halik, humawak ako sa mukha niya. Basa.
“Umiiyak ka?” tanong ko. Ngunit di siya sumagot, muli niya akong hinalikan.
Nang mapagod siya’y pinaupo niya ako sa kama.
“Wait lang Yani, may kukunin lang ako.” Mabilis siyang lumabas ng silid. Pagbalikniya’y may hawak na siyang dalawang wine glass at isang bote ng wine.
Nagsalin siya ng alak sa mga baso at iniabot ang isa sa akin. Ipinulupot niya ang kamay niya sa kamay kong may hawak ng baso, tulad ng ginagawa ng bagong kasal. Sabay kaming uminom. Ngumiti siya. Namumula ang mata niya.
Isa-isa niyang tinanggal ang damit ko, matapos ay naghubad na rin siya. Humalik siya sa akin.
“L-leo sandali.”
“Bakit?”
“N-nahihilo ako.”
Inihiga ako ni Leo. Umiikot ang paningin ko.
“Leo…”
“Akin ka ngayon Yani, akin ka lang!” ang huling narinig ko bago ako mawalan ng malay.
Itutuloy…
lagot ka..... yani.... rape ang kalalabasan mo.... at si leo ang mauna.... bakit kasi d o sabihin kay jethro na mahal mo sya at may pag tingin ka sa kanya.... at least na sabi mo ang nararamdaman mo para sa kanya.... malay mo na maintindihan ka ni jethro.... baka may gusto rin sa u...ngayun napahamak ka tuloy...
ReplyDeleteramy from qatar
m22loi kya? hehe
ReplyDeleteuu nga, angtigas ni hiro eh
uhmaygulay! sana di matuloy ang masamang balak ni Nardong Puchak! Nakalaan lang yan kay Jethro!
ReplyDeletehmmm.. Jethro = Cryptic Moon tama ba?
Ito naman kasing si Hiro eh pabigla-bigla ang desisiyun.. di muna iniisip kung ano ang magiging kahantungan nito.. hay talaga oh!
siguro namang kay Jethro ay titinu ka na... dahil kay Jethro mo lang mararamdaman ang tunay na PAG-IBIG..
Maraming Salamat sa mabilis na Update RUE !
:)
@--makki-- Nardong Puchak? lolz
ReplyDeleteou nga padalos daloc yang c hiro... hirap lang mgulo icp nia :/
pnabblis q tlaga kc auq na ring mgtagal yan, naiinis aq ky hiro eh lolz
LOL gawin ko sanang Nardong Putik eh,,, ginawa ko na lang Puchak para maiba naman...
ReplyDeleteHula ko lang huh!
Di kaya si Jethro tong si Cryptic Moon? na fe-feel ko kasing siya iyun eh..
Kailangan na sigurong magising na itong si Hiro sa katotohanan noh.. Collect and Select ang Drama eh.. LOL
Go Jethro!
post q na bukas ng umaga ung 9 dhl dun msasagot yang tanong at hnala m xD
ReplyDelete