Siguro ay may idea na kayo sa kwento base sa ugali at daydreams ni Hiroki. Magkaganun man, salamat sa pagbasa at sana ay magbigay kayo ng opinyon kung ano ang tingin ninyo sa daloy ng kuwento para may ideya ako kung karapat-dapat pa bang ituloy ito. :)
REVERIE (Part 3)
Lumingon ako sa taong nakayakap sa akin ngayon. Pagtingin ko’y halos di na naman ako makakilos. Nakangiti habang sinasabing “Angtagal mong lumabas. Nainip ako.”
“A-anong ginagawa mo dito ma’am?” tanong ko. “Ate wag mo naman akong i-baby dito, nakakahiya.” Bulong ko pa.
Kumalas siya ng yakap. “Dumaan lang ako para kunin ang report mo. Pupunta din kasi ako ng Tarlac kaya dumaan na ako. Ayaw mo nun, di ka na gagastos para i-mail yun sa office?” tanong niya.
“Ah… ehh… I-memail ko nalang ma’am. Pupunta na nga ako sa LBC, kakain lang kami saglit.” Sagot ko. Kinakabahan ako, di ko pa naidadagdag yung tatlong kahong nasa buffer sa report ko.
Nagbago ang hitsura ng coordinator ko. Kung kanina’y angbait ng hitsura, ngayo’y mukhang galit. “Huwag na matigas ang ulo, Bayani. Isusumbong kita sa kuya Mark mo.” Pagbabanta niya. Napangiwi ako dahil ang christian name ko ang itinawag niya sa’kin. Seryoso nga siya.
“Ate Vina naman.” Pagmamaktol ko na parang paslit. “Oh heto na.” sabay abot ng envelope. Ayoko rin naman masermonan ng pinsan kong si kuya Mark na asawa ni ate Divina. Heto ang dahilan kung bakit ayaw kong ipasok nila ako sa pinagtatrabahuhan nila. Ayaw ko ng may kamag-anak na nangengealam sa mga ginagawa ko.
Ngumiti ang coordinator ko. “Yan. Gusto mo pang tinatakot. Oh siya, aalis na ako.” sabay lakad palayo.
“Ay ma’am. May hindi ako naisama sa report.” Sigaw ko. Pumihit paharap sa akin si ate Divina ng nakataas ang kilay. “May tatlong kahon kasi akong nakita sa buffer kanina lang. Di agad sinabi ni Jethro sa’kin eh.”
Tiningnan ng masama ni ate Divina si Jethro. Napayuko si Jethro dahil dun. Matapos ay humarap na ulit sakin ang coordinator ko. “Sige, ako na ang bahala.” At tuluyan ng umalis.
“Ano pare, tameme ka ngayon ano?” pang-aasar ko kay Jethro.
“Badtrip ka pare. Kailangan talaga idamay ako?” Halos di maipinta ang mukha niya. Magkakahalong takot, guilt, at pag-aalala ang nakikita ko sa kanya. Sabagay, ako man ay takot kay ate Divina. Amasona kasi yun pag nagalit. Maging si kuya Mark takot dun pag galit.
“Sino bang may kasalanan ng lahat?” inilabas ko ang aking dila upang lalo siyang asarin.
“Tama na nga yan, nagugutom na ako.” pag-awat ni Janet samin sabay pulupot sa braso ko. “Tara na baby Hiro.”
Tumuloy na kami sa pagalakad. Habang kumakain ay hindi pa rin kami nagpapansinan ni Jethro. Masama pa rin talaga ang loob nito sa akin. Sabagay, hindi pa pala niya nakukuha yung back pay nya. Mahihirapan siyang makuha yun kung galit ang si ate Vina sa kanya dahil ang dating coordinator ang magpoproseso nun sa office.
“Hoy anu ba?! Para kang batang nagmumukmok diyan!” si Janet sabay hampas ng mabigat niyang palad sa braso ni Jethro.
“Aray naman! Masakit yun ha! Eh yang singkit na yan kasi!” turo ni Jethro sa’kin. Napalakas ang boses niya kaya napalingon sa amin ang ibang kumakain.
Natawa ako sa inasal niya. “Ako pa ngayon? Kaninang sinasabon ako ni madam Lily sino kaya ang ngingisi-ngisi? Gumaganti lang”
“Ganyan ka naman pare. Pano ko kukunin back pay ko niyan?” tampo niya.
“Drama mo. Di bagay!” sabay tawa. “Ako na ang bahala kay ma’am Divina. Relax lang.”
Kita ko ang pigil na ngiti sa mukha ni Jethro matapos kong sabihin yun. Trying hard talaga to, nahahalata naman. Hindi pwedeng maging artista.
Habang kumakain ay biglang lumapit sa akin yung serbidora na may dalang platito na may lamang leche flan. Inilapag niya iyon sa harap ko.
“Akin ba to, ate?” tanong ko na may pagtataka. Paborito ko kasi ang matatamis pero di ko maalalang umorder ako neto.
“Pinabibigay po nun oh.” Sagot ng serbidora sabay turo sa dakong malayo-layo sa kinaroroonan namin.
Nilingon ko ang tinuro ni ate. Doon nakita kitang naka-upong mag-isa. Nakangiting nakatingin sa akin. Napangiti ako. Di mo pa rin pala nakakalimutan ang paborito ko. Tinignan ko ang bilog na leche flan. Kinuha ko ang tinidor at humiwa ng kalahati at sinubo. Napapikit ako, ninanamnam ang tamis at linamnam ng paborito kong panghimagas na kumakalat sa loob ng bibig ko.
“Kapal ng muka mo, Hiro! Akin yan eh!” asar na sigaw ni Jethro sabay kuha ng platito.
Napamulat ako. Muli tinignan ko yung inaakala kong tinuro ng serbidora. Walang nakaupo duon. Napakamot ako sa aking tainga. “Damot mo naman, nakikitikim lang eh!”
“Tikim eh kinalahati mo na! Takaw mo! May pera ka naman bat di ka umorder ng sa’yo?!” maktol niya.
“May dalaw ka ba, Jet? Sungit mo sa baby Hiro ko, kanina ka pa!” pagtataray ni Janet.
“Eh kasi na-“
“Shut up!” pagputol ni Janet sa katuwiran ni Jethro. “Hayaan mo siya baby, ako nalang oorder para sa’yo.” Sabay tawag niya sa serbidora.
“Huwag na Net, ok na sa akin yun.” Sabay bato ng tingin kay Jethro habang nakangisi. Sinuklian naman niya ako ng masamang tingin.
Tumayo na ako at naupo sa may lilim ng isang puno sa tabi ng kalsada. Nagsindi ako ng sigarilyo at hinithit ang usok nito.
“Yosi na naman! Nakaka-bad breath yan baby Hiro.” Si Janet na tumabi sa akin.
“Masarap eh.” Sagot ko.
“Anong masarap diyan? Di masarap kahalikan ang amoy yosi. Try mo ako, di ako nagyoyosi.” Sagot niya sabay nguso sa akin. Natawa nalang ako. Di ko na pinansin ang panunukso nito sa akin pero aminado ako, nakakatukso ang babaeng ito.
“Humpf! Pasok na nga ako!” pagmamaktol niya sabay padabog na naglakad pabalik sa super market.
Narinig ko ang message alert tone ko kung kaya agad kong tinignan ang cellphone ko. Dalawa ang nareceive ko, isa mula kay Drew, isa mula kay Mouse-Boo. Inuna kong binasa yung kay Mouse-Boo.
“tnx sa pgaalala cm pero ok npo, wla ng dpat alalahanin.”
Wala naman palang dapat alalahanin. Nireplyan ko muna siya bago binuksan ang text ni Drew.
“If someone would ask me what a beautiful life means, I would lean my head on your shoulder, hold you close to me and answer with a smile, “Like this.””
“..sweet ah…bka mainlab aq sau nian” reply ko.
“Mas inlab nman ako sau”
“..so mahal m nq? khpon m lng aq nkausap wah.”
“nkita ko plang pic m sa moco nainlab nko sau.”
“..so nanliligaw ka?”
“kung papayagan m ba eh.”
“lol cge, kw bhala.”
Napangiti ako sa usapan namin. Sige lang Drew, ma-inlove ka lang sa akin para ikaw na si #14. I’ll make sure you will never forget me.
“Ngingiti-ngiti ka na naman diyan. May ikakama ka na naman mamaya ano?” pilyong sabi ni Jethro. Kinuha niya ang sigarilyong hawak ko upang makisindi. “Tsk tsk… Ambunan mo naman ako kahit isa lang.” dugtong pa niya matapos ibuga ang usok na hinithit niya.
“Loko, palagay mo sa’kin, babaero?”
“Oo.” Sagot niya sabay hagalpak. “Ay nga pala pare, may party kina Tonyo mamaya, sama ka.”
“Ha? Anong okasyon?”
“Birthday niya.”
“Eh di naman ako invited eh.”
Binatukan ako ng loko sabay sabing “Gago, pinapasabi nga niya sa’yo. Sumama ka na, isama mo din si Janet.”
“Di halatang type mo si Janet no?” natatawa kong tugon.
Namutla siya bigla. “W-wala! Sinong may sabing type ko yun?” Natawa ako lalo sa kanya. Napaka-obvious kaya. Napailing nalang ako.
Umupo siya sa tabo ko at tumitig sa akin. “Alam mo bang maraming may ayaw sa’yo?” Biglang seryoso ng tinig niya.
“Bakit daw?”
“Napaka-mysterious mo kasi. Mapang-asar ka, sobra, na kinaiinisan nila. Pero most of the time, tahimik ka at tulala.” Napatingin ako sa kanya. Nakatitig siya sa akin at seryoso ang mukha. “Defense mechanism mo ba yung pang-aasar mo?” dugtong pa niya.
“Defense mechanism?”
“Defense mechanism, yung mga ginagawa ng tao para di mawala ang pride, image, o kung ano mang pinahahalagahang katayuan. Yung tipong…”
“Alam ko kung ano ang defense mechanism, ang tinatanong ko ay kung bakit mo iniisip na yun nga ang ginagawa ko.” Pagputol ko sa paliwanag niya.
“Dahil nakakakita ako ng kalungkutan sa mga mata mo, sa kabila ng ipinakikita mong tuwa, nakikita kong nangungulila ka, nalulungkot.”
Natahimik ako sa sinabi niya. Napa-isip. Di ko ba nasoot ng maayos ang maskara ko? Tsk! Ayoko ng ganito. Bigla akong humarap sa kanya. “So, inoobserbahan mo pala ako?” tanong ko sa kanya at ngumisi upang ibahin ang usapan.
Pinamulahan ng mukha ang loko. “H-hindi ah! Bakit, chicks ka ba para obserbahan ko?! Napapansin ko lang naman. Kung ano-ano agad ang iniisip mo.”
Napakunot-noo ako. “Ano bang iniisip mong iniisip ko?”
“W-wala! Tara na nga, five minutes nalang. Male-late na tayo. Kulit mo!” Pinitik niya ang upos ng sigarilyo at tuluyan nang umalis. Natatawa akong sumunod sa kanya..
Alas-3 ng hapon. Nag-out na kaming mga opening. Dumeretso na ako sa locker room upang makapagbihis. Itinabi ko muna ang vest ko sa locker, once a week ko lang naman iyon inuuwi upang labhan. Matapos makapagbihis ay lumabas na ako.
“Tagal mo naman.” Si Jethro.
“Hayaan mo na, nagpapogi pa para sa’kin kaya natagalan…” Si Janet sabay pulupot sa braso ko. “…di ba baby Hiro?”
“Hahaha… Oo nalang.” Sagot ko.
Naglakad na kami papunta sa harap ng super market kung saan naghihintay ang iba pa naming kasama. Hinintay lang namin ang birthday boy na bumili ng alak at mga sangkap na lulutuin upang gawing pulutan. Nang lumabas si Tonyo ay agad din kaming pumara ng jeep upang magpunta sa bahay nila.
“Happy birthday pare at pasensya na kung wala akong regalo. Hindi ko kasi alam, kanina lang sinabi ni Jethro.” Paliwanag ko kay Tonyo nang makasakay kami. Magkaharap kami sa jeep, katabi ko si Janet na parang lintang nakakapit sa braso ko, sa tabi niya si Jethro.
“Okay lang yun pare, ang importante sumama ka para makabonding ka naman namin. Napakailap mo kasi.” Sagot nito ng nakangiti.
“Mahiyain lang talaga yan, pero pag naka-close mo yan naku, magsasawa ka sa pang-aasar niyan.” Singit ni Jethro. Nakatingin ito sa akin, nakangiti.
“Basta ako okay lang na asarin ni baby Hiro.” Si Janet.
Parang kami ang may-ari ng jeep sa ingay namin. Pati ang driver ay natatawa rin sa amin na para bang kasapi siya ng tropa. Paano ba naman pati siya’y inaalaska ng mga kasama ko. Pero ayos din si manong, marunong maki-ride.
Pagdating sa bahay ay inihanda na namin ang mesa at mga alak habang hinihintay ang pulutang inihahanda ni Tonyo. Pinakain na rin niya kami ng pansit upang malamnan ang tiyan namin. Nang matapos siyang magluto ay siya ring dating ng iba pang barkada niya.
“Oh guys, mga barkada ko dito. Si Dante, Mike, Potpot, Trina, at Lyn.” Pakilala niya sa mga bagong dating na tinuro niya isa-isa. Matapos ay kami naman ang ipinakilala niya “Mga katrabaho ko pala, si Jethro, Janet, Hiro, Romeo, Harvey at Ramil.”
Nakipag-kamay ako sa mga bagong dating. Medyo nahiya lang ako nang si Trina ang kamayan ko dahil hindi agad niya binitawan ang kamay ko. Nakatitig siya sa akin na para bang nag-aakit. Di ko na yun binigyan ng kahulugan dahil mahirap na. Naupo na ako. Nagulat nalang ako nang tumabi siya sa akin. Nginitian ko nalang ito, ayoko rin naman maging bastos.
Inuman, tawanan, kuwentuhan, kantahan. Isang tipikal na selebrasyon ng birthday. Naalala ko tuloy nung birthday ko. Nagcelebrate tayo sa bahay nyo. Dahil wala nga akong barkada sa’min eh puro tropa mo ang kasama natin. Wala isa man sa kanila ang nag-isip na may namamagitan sa atin, iniisip nilang mag-bestfriend lang talaga tayo kaya lagi tayong magkasama.
Sa ilalim ng puno ng mahogany ang puwesto natin na nasa harap ng bahay nyo. Ewan ko ba pero parang ang-romantic ng lugar na ito sa akin lalu na panahon ng pagbuka ng mga bunga ng puno. Ang mga butong paikot-ikot habang dahan-dahang bumababa mula sa puno ay nagbibigay ng kakaibang pakiramdam sa akin. Wari’y mga lambanang sumasayaw sa paligid natin habang tayo’y magkatabi.
Nang malasing sila ay tayo nalang ang nanatiling naka-upo, lahat sila’y tulog na tulog nang nakayuko sa mesa. Tinignan mo ako nang may pilyong ngiti. Ganun din ako. Unti-unting naglapit ang mga mukha natin at di nagtagal ay naglapat ang mga labi nating nag-aalab at sabik sa isa’t isa. Dinig ko ang mga ungol mo na lalong nagpapainit sa akin kaya lalo kong ginalingan ang paghalik sa iyo.
Kumalas ka. “Angsarap mo.” Sambit mo bago muling humalik sa akin. Mas maalab.
Ramdam na ramdam ko ang dila mong kumakalabit sa akin. Bigla mong sinipsip ang dila ko na siyang nagdulot ng banayad ng kuryenteng dumaloy sa buo kong katawan. Hinawakan ko ang batok mo upang lalong idiin sa akin.
“Hiro…”
Gumapang ang aking kamay papasok sa soot mong t-shirt at kinapa ko ang dibdib mo. Dinama ko ang init na sumisingaw mula rito. Ikaw naman ay lalong napa-ungol.
“Hiro...”
Bumaba ang halik ko patungo sa iyong leeg. Tumingala ka upang malaya kong gawin ang ninanais ko. Bawat hagod ng dila ko’y napapaliyad ka’t napapalakas ang mga ungol mo. Lalo akong ginaganahan, nag-iinit, nananabik sa’yo.
“Hiro, pare. Asawa ng pinsan ko yan…” dinig kong sabi ni Tonyo kasabay ng banayad na tapik sa aking balikat.
Kumalas ako sa halikan. Tinignan ko ang kahalikan ko. Para akong pinukol ng kawaling umuusok pa nang makitang si Trina ang nakaupo sa hita ko paharap sa akin. Nakakulong ako sa yakap ng isang kamay niya at halos ma-expose na ang kanyang dibdib dahil sa kamay kong nakapaloob sa bra nya. Ang isang kamay ko naman ay nakapasok sa shorts nya, sakmal-sakmal ang isang pisngi ng likod niya. Siya naman ay nakapasok ang isang kamay sa aking maong at brief, hawak-hawak ang kahabaan ng alaga kong kumikislot-kislot pa. Napatayo ako sa pagkagulat, dahilan upang malaglag si Trina’t mamilipt sa sakit ng pagtama ng puwitan sa kanto ng mesa.
“S-sorry.” Agad ko siyan inalalayan. Umupo siya ulit sa kanyang silya na patagilid dahil nananakit ang kanyang likod. Ang tingin nito’y may pagtataka.
“Ano bang nangyayari sa’yo?” tanong ni Tonyo sa’kin.
Napatingin ako kina Janet at Jethro. Kapwa sila may naguguluhang tingin sa akin. Malamang ay ‘di sila makapaniwala sa nangyari dahil ako man ay hindi rin makapaniwala. Sino ang naunang humalik? Ako ba ang nagpakita ng motibo? Hindi ko alam. Hindi ko maalala. “S-sorry.” Ang tanging naisagot ko.
Agad akong nagtungo sa palikuran upang makapaghilamos. Nanginginig ang katawan ko. Ngayon lang nagsi-sink in sa akin ang mga nangyayari. Ngayon ako tinatablan ng guilt. Namalayan ko nalang na umiiyak na ako.
“Pare, okay ka lang?” tanong ng pamilyar na boses. Nilingon ko ito at nakita si Jethro na nakadungaw ang ulo sa siwang ng pinto. Tango lang ang isinagot ko rito. Pumasok siya sa palikuran at hinagod ang likod ko. “Ano bang nangyari, pare? Di ka naman ganyan dati ah.”
“W-wala. Huwag mo nalang pansinin.”
“Uuwi ka na? Gabi na ah. Dito ka nalang matulog. Baka wala ka nang masakyan niyan. Isa pa, dayo ka dito, baka pag-tripan ka sa daan.” Pangungumbinsi sa akin ni Tonyo nang magpaalam ako na uuwi na dahil sa nangyari.
“Kaya ko’ng sarili ko tsaka may masasakyan pa naman ako. 24 hours naman sasakyan pauwi sa’min kung dadaan ako ng Angeles. Pasensya na sa nangyari ha? Tsaka happy birthday ulit.”
“Samahan na kita.” Singit naman ni Jethro. Nang tignan ko ito’y napansin kong may pag-aalala sa mga mata nito. Napalingon ako sa mga nag-iinuman pa, mukhang enjoy na enjoy sila, lalu na si Janet. Parang walang eksenang nangyari kanina.
“Huwag na, walang kasama dito si Janet kapag umalis ka. Okay lang ako. Mag-enjoy ka nalang, madalang lang to.” at tuluyan na nga akong umalis.
Habang nasa biyahe ay di ko maiwasan isipin ang nangyari. Nakatulugan ko nalang ang pag-iisip habang nasa biyahe dala na din ng tama ng alak na nainom ko. Nagising ako nang tapikin ako ng driver. “Boy, saan ka bababa? Gagarahe na ako eh.”
Nasa harap na pala ako ng simbahan ng bayan namin. “Dito na po manong, salamat po.” Bumaba na ako’t naglakad pauwi. Mabigat ang pakiramdam ko habang naglalakad. Napahinto ako. Ewan ko ba kung bakit, pero naupo ako sa madilim na parte ng kalsada at dun nag-iiyak.
“Nakainom ka yata? Namamaga ang mata mo.” bungad ni tatay sa’kin nang pagbuksan ako ng pinto. 1:00 A.M. na nun.
“Dumalo lang po sa birthday ng katrabaho ko.” Sagot ko matapos magmano.
“Oh siya. Hinintay lang talaga kita. Matutulog na din ako.”
Dumeretso na ako ng kuwarto. Nagtanggal ng damit at yung brief ko lang ang itinira ko. Pinatay ko ang ilaw at binuksan ang electric fan. Naupo sa bintana. Binuksan ang browser sa cellphone ko.
“gud mawnin!” message ko agad sa LCW matapos mag-log in.
“morning CM. bat ngaun ka lang?” si Drew.
“ngpunta lang sa birthday… sry kung d q nsagot mga txt m.”
“ok lng. pero ung cnbi ko, 22o un.”
“22o na kung 22o, peo alam m nman cguro ang risk ng long dstance.”
“oo alam ko at handa ako.”
“cge, kw bhala.”
“uumpisahan ko na ba?”
“kaw nga sbi ang bahala.”
“pwede pakiss?”
“pag ngkita nlang tau dun kiss m, torrid pa.”
“xcited nko :)”
“d m lang alam, ms excited aq.”
Mapatingin ako sa aparador kong may salamin. Kitang kita ko ang sarili ko sa reflection ng salamin. Tanging ang ilaw na nagmumula sa cellphone ko ang nagbibigay liwanag sa aking mukha. Matalim ang tingin ng mata kong halos guhit nalang dala ng pamamaga. Napangiti ako sa aking nakikita.
Hindi ako titigil. Lahat kayo! Ipaparamdam ko sa inyo kung ano ang nararamdaman ko.
Itutuloy…
Ang ganda ng flow ng story ah. May pangungulila siya sa isang tao batay na din sa mga nangyayari sa kanya. Defense mechanism niya nga ang mang-asar at magpaasa. Siguro si Drew ang magkapagpababago sa kanya. Excited ako sa mga secrets/past na marereveal. Sana ipagpatuloy mo ang kwento mo! Sana rin ipaskil mo na ito sa BOL para mas marami kang makuhang comments na makakatulong sa iyo. Though expect na may magki-criticize sa'yo dun. Dami kasing nega sa mundong ito.
ReplyDeleteLOL
ReplyDeleteuu nga, ung iba pa ndi nkakatulong ung comments, naninira pa... kakalungkot lang sa ibang mgling na writers na binabatikos ng duwag na "anon" na d nman ntin alam kung my alam nga ba sa pgsusulat o tlagang habit lang niang mamerwisyo at manira ng loob ng iba :/
humaygoodnes! he is behaving wildly! lol
ReplyDeleteis Jethro into Hiro? kinukutuban ksi ako eh.. parang meron something eh..
mukahng enjoy na enjoy ang mokong sa panliligaw ni drew ah..
:)
makki: hmm... c jeth? baka, cguro, ewan ntin ^w^
Deletetngin m ngeenjoy xa na nili2gawan xa o bka naman nsusunod na plano nia kya xa n22wa? :)
Basta po keep on posting your stories dahil naniniwala ako sa kakayahan nating mga pinoy na gumawa ng mga akdang maituturing na "world-class."
ReplyDeleteCheers!
haha naman, world class tlaga mga pinoy :) nga pla, chef ka? :o
Deleteeasy lang hiro..... wag mag padala sa damdamin... wag masyadong magalit sa ibang tao....
ReplyDeleteramy from qatar
mdli pong sbhn peo alam nting lhat na mhrap kontrolin ang galit, tgnan nlang ntin anu khahantungan neto :3
DeleteAspiring chef lang! hehehehe maybe after 3 years makuha ko na yung title! :)
ReplyDeleteaus haha pakainin mq ng luto m pg chef kna :D
DeleteSure! Do you eat Indian?
ReplyDeleteaw... anu anu ba ang pagkaing indian? lol curry lang alam q xD
ReplyDeleteusually kasi ang indian cuisine ay spicy foods cook with milk/cream. slightly similar siya sa lutong bicolano pero may mga spices, more of,curry-spices. kung carry mo spicy foods ok ang indian. masarap din sabayan ng european or russian cuisine ang indian cuisine para ma-neutralize yung lasa. pero ang hirap maghanap ng ingredients dito sa 'pinas eh.
ReplyDelete