Feb 9, 2012

Reverie (Part 7)

Heto na po ang part 7. sana po ay magustuhan ninyo :)

Nais ko lamang pasalamatan sina --makki--, Lyron, at ramy from qatar sa laging pagbibigay ng komento sa bawat bahagi ng kuwento kong ito. :)



REVERIE (Part 7)

“Hmm… Pwede ba kitang ligawan?” Wika ni sir Nardo. Nagulat ako. Parang nawala ang lasing ko sa narinig. Totoo ba ang dinig ko o guniguni ko lang?

“T-teka lang, sir. Ano bang sinasabi ninyo?” tanong ko sa kanya. Kinakabahan.

“Una pa lang kitang nakita alam kong kakaiba ka. Yung tipong walang pakealam sa iba. Lalung pinatibay yun nung magkausap tayo sa CR. Kita ko ang lungkot sa mata mo. Di ko maintindihan pero at that moment may nag-uutos sa akin, nag-uudyok sa akin, na gusto kong mapasaya ka. Gusto kong pawiin ang lungkot mo at takot sa ibang tao.” Hinawakan niya ang pisngi ko. Kitang kita ko ang mukha niyang namumula. “I know it’s weird for you to hear these words from a guy like me, pero di ko rin maintindihan ang sarili ko. Palagay ko… Palagay ko mahal na kita!”

“Sir, lasing ka lang po. Di mo alam anong sinasabi mo.” Sinubukan kong kumalas sa kanya subalit lalo niyang hinigpitan ang hawak sa akin.

“Uminom ako para magkaroon ng lakas ng loob para masabi sa’yo ang nararamdaman ko. Bigyan mo naman ako ng pagkakataong patunayan sa’yo to oh. Mahal na kita.” Pagmamakaawa niya. Mukha siyang anghel habang sinasabi ang mga salitang iyon, napaka-amo.

“Sir… Paano kasi…”

“Sige na naman oh. Please?”

“Eh sir paano kasi… M-may boyfriend na ako.” nanginginig ako habang sinasabi ko ang mga yun. Baka magalit siya’t kung anong magawa niya sa akin.

Nagbago ang mukha niya. Biglang lumungkot. Lumuwag ang paghawak niya sa akin. Aalis na sana ako ngunit biglang humigpit muli ang paghawak niya. “Hindi.” Mahina niyang wika.

“Ano yun sir?”

Tinitigan niya ako. “Hindi ako susuko. Wala akong pakealam kung may boyfriend ka. Manliligaw ako sa’yo sa ayaw at sa gusto mo, susungkitin ko ang puso mo, sinisiguro ko yan!” matapos sabihin yun ay bigla siyang nag-walk out. Napakamot nalang ako ng tainga sa kanya. Weird.

Bumalik na ako sa pwesto ko sa tabi ni Jethro. Salubong ang kilay niya pagdating ko doon, parang galit. “Ba’t di maipinta yang mukha mo?” tanong ko sa kanya.

“Wala, lasing na ako. Uwi na tayo.” Sagot niya.

“Tara, paalam ka na.”

Walang dalawang salita, tumayo siya upang magpaalam kay sir Nardo. Tinignan ako ni sir Nardo. Ilang segundo din yun bago humarap kay Jethro. Palagay ko’y pinayagan naman niya kami.

Tahimik si Jethro habang nasa jeep kami papuntang intersection, isang bagay na nakakapanibago. Pinagmamasdan ko siya, minsan minsan ay tumitingin din siya sa akin pero pag nakita niyang nakatingin ako, bigla niyang inililihis ang tingin niya sa labas. Parang galit siya o kung ano. Di ko na natiis kaya tinanong ko na siya.

“Kanina ka pa ganyan. May problema ka ba, Jeth?”

Umiling lang siya, di man lang humarap sa akin.

“Wala? Eh bat angtahimik mo?”

“Wala naman akong sasabihin eh.”

“Kala ko ba best friends tayo?”

“Oo nga!”

“Eh bakit parang naglilihim ka na?” Pagkarinig ng sanabi ko’y bigla siyang humarap.

“Di ako ang naglilihim, baka ikaw.” May bahid ng pagtatampo ang tinig niya. Ewan ko kung dahil ba inaantok siya, pero nakakia ako ng pamumuo ng luha sa mata niya.

Natahimik ako. Oo nga naman, ako itong may inililihim sa kanya. Una na diyan ang pagkakaroon ko ng boyfriend, pangalawa ang pagtatapat ni sir Nardo, at ang pangatlo… Kung ano ang naging kasintahan ko kasunod ni Cherry. I felt guilty. Pero hindi pa ako handang sabihin sa kanya ang mga ito.

“Jeth, wala akong nililihim. Ano bang pwede kong itago sa’yo?”

“Ewan ko sa’yo!” at muli, parang invisible na naman ako.

Alas onse y media na nang makarating kami ng intersection ng hindi nag-iimikan. Naglakad kami upang makatawid ng kalsada. Nang makatawid ay naghiwalay na kami ng landas dahil iba na ang sasakyan namin mula rito.

“Sakay na boss, isa nalang lalakad na.” wika ng caller.

Pasakay na sana ako nang bigla akong bumaba ilit. Dinig ko pa ang pagbubulungan ng mga nakasakay, nayayamot dahil ako nalang sana ang hinihintay nila para umalis na ang jeep, pero bumaba pa ako.

“Sorry po, may nakalimutan ako.” paumanhin ko bago tuluyang naglakad palayo.




“Anong ginagawa mo rito?” si Jethro, bakas ang pagkagulat sa muka niya nang tumabi ako sa kanya sa jeep pauwi sa kanila.

“Makikitulog ako sa inyo.” Sagot ko naman.

“Bakit?”

“Kasi mag-uusap tayo.”

Umiling siya. “Wala kang originality.”

“Okay lang yun, best friend mo naman ako eh. Ipa-copyright mo para hindi pwedeng gayahin.” Ngumisi ako sa kanya’t inakbayan siya. Bumuntong hininga siya.

Dumating kami sa bahay nila. Pinagbuksan naman kami ng pinto ng nanay niya.

“Ginabi kayo ah. Nakainom yata kayo?” salubong ng nanay ni jethro sa amin.

“Inimbitahan lang po kami ng manager namin, birthday po kasi niya.” Sagot naman ni Jethro.

Humalik ako sa kamay ng ginang at bumati, “Magandang gabi po. Pasensya na po sa abala.”

“Naku tong batang to, hindi ka abala no. Pumasok na kayo. Maligo na rin kayo’t amoy alak kayo.” Nakangiting sagot-utos naman nito.

Tumuloy na kami sa kuwarto ni Jethro. Maliit lang ang kuwarto niya pero malinis. May isang single bed sa tabi ng bintana, may maliit na study table at silya sa tabi nito. Sa tabi naman ng pinto ay may cabinet. Inilapag ko ang bag ko sa silya at dinukot doon ang mga cellphone ko. Tinext ko muna si nanay upang ipaalam na makikitulog ako. Matapos nun ay nagbasa ako ng mga text ni Drew na tulad ng dati, mga sweet nothings.

“Akala ko ba mag-uusap tayo? Bakit cellphone ang inaatupag mo?”

“Mag-uusap nga tayo, pero pwede makiligo muna?” ngumingisi kong sagot.

“Maligo ka na.” utos nito sabay bato ng isang tuwalya at isang shorts.

“Salamat best friend Jethro.” Malambing kong wika bago kinuha ang mga ipinahiram niya. Lumabas ako ng silid niya at dumeretso na sa banyo.

Nang matapos maligo’y nilabhan ko nalang ang t-shirt, pantalon at brief ko upang may maisoot ako kinabukasan. Isinoot ko nalang ang shorts na ipinahiram ni Jethro sa akin. Isinampay ko ang mga nilabhan ko sa likod ng fridge upang agad matuyo. Matapos nun ay bumalik na ako sa kuwarto ni Jethro.

“Oh, san ka naligo?” tanong ko sa kanya dahil mas nauna pa yata siyang natapos sa akin. Naka-shorts lang din siya.

Napansin kong kamukha yun ng nawawala kong shorts, yung shorts na suot ko nung nakitulog siya sa bahay.. Hinubaran ba niya ako nuon? Pilyo talaga siya. Ngingiti-ngiti kong wika sa sarili.

“Sa likod-bahay. Angtagal mo kasing matapos.” Sagot niya habang pinpunasan ang buhok niya.

Naupo ako sa study table, nagbasa ng text ni Drew.

“Lagi ka nnlang nkki2log sa besfrnd m, d2 d kpa nki2log.” Nagtatampo ang mokong.

“..lau nman kc ng bguio… peo cge pg npunta aq ng bguio jan aq 22loy… happy?”

“Very much happy! :) promise yan ha?”

“..opo, kya wag kna tampo ok?”

“Ok po. Love u labs ko. <3”

“..love u 2 labs… 2log nq ah? nanayt :)” huling text ko bago ko isinilid sa bag ko ang cellphone.

“Text ka ng text di ka pa nagsasalita.” Reklamo ng Jethro na nakahiga na pala sa kama niya.

Tumayo na ako upang patayin ang ilaw at naupo sa kama. “Usog ka muna.” Wika ko, umusog naman siya padikit sa dingding. Nahiga na ako sa tabi niya.

Katahimikan ang namayani sa pagitan namin. Pinagmamasdan ko ang mga bituin sa madilim na kalangitan.




“Anong iniisip mo?” bigla mong tanong sa akin.

“Ewan ko.”

“Ay, nakakatampo naman…” Ngumuso ka, parang bata. Natawa ako.

“Bakit?”

“Akala ko kasi… Ako ang iniisip mo…”

“Di na kita kailangang isipin pa.”

“Bakit naman?” Taka mong tanong.

“Dahil ikaw naman ang laman ng puso ko.”

“Talaga?”

“Oo kaya.”

“Prove it!” may awtoridad mong wika. Hinawakan ko ang mukha mo. Unti-unti ay inilapit ko ang mukha ko sa’yo at…




“Anong ginagawa mo Hiro?!” hawak ko ang mukha ni Jethro at muntikan ko nang mahalikan.

“Ah… ehh… Angtahimik mo kasi. Kita mo, effective? Nagsalita ka bigla.” Palusot ko tapos ay tumawa.

“Ano bang pag-uusapan natin?” biglang tanong ni Jethro.

“Tungkol sa kasungitan mo. Para kang babaeng may dalaw, kanina ka pa. Ano ba kasi ang problema?” tanong ko rito.

“Wala nga akong problema, baka ikaw meron!” masungit nitong singhal sa akin.

“Oh sige, anong kinakagalit mo sa akin?”

“Wala!” tumalikod ito sa akin at nagtakip ng unan.

“Wow ha, parang bata?” wika ka ngunit di siya tumugon.

Buntong hininga

Isiningit ko ang kamay ko sa ilalim ng kilikili niya’t humawak sa kabilang balikat. Ang baba ko’y ipinatong ko sa isang balikat at bumulong, “Kung ano man yang ikinagagalit mo sa akin, sorry na. Kaya nga ako narito para ayusin natin eh tapos di mo ko iimikin.”

Tahimik.

Buntong hininga.

Kakalas na sana ako nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko. “Huwag. Huwag mong tatanggalin.” Sambit niya.

“Okay. So di ka na galit?”

Tinanggal niya ang unan na nakatakip sa mukha niya at umayos siya ng higa. Humarap siya sa akin. “Hindi na.”

“Ano ba kasing ikinagalit mo?”

“Hindi ako nagalit, nagtampo lang.”

“Okay, ano ang ikinatampo mo?”

“Wala, kalimutan mo na yun. Ang importante ok na ako.”

Kukulitin ko pa sana siya pero, tama siya, ang importante ay ok na kami. Kiniliti ko siya bilang parusa sa pag-iinarte niya. Para kaming mga batang nagkukulitan sa higaan niya bago kami tuluyang natulog.




Naging maayos na ang lahat sa aming dalawa ni jethro matapos ng gabing yun. Kung ano man ang dahilan ng pagsusungit niya’y di ko na inisip pa.

Martes ng umaga, pagdating ko sa super market sa Angeles ay dumeretso na ako sa bagong locker ko upang magbihis. Papasok na sana kami ni jethro nang sinalubong ako ng guard at inabutan ng note. Akala ko’y may nagawa akong offense kaya may note ako kaya kinabahan ako. Pinauna ko na si Jethro upang kausapin ang guard.

“Kuya, para saan to? Anong offense ko?” tanong ko.

Natawa si kuya guard. “Hindi yan written warning, may nagpapabigay lang. Secret daw muna.” Sagot ng guard.

Binuksan ko ang nakatuping note. “Baggage counter #143” ang nakalagay. Pumunta ako ng baggage counter at ipinakita ang note sa clerk. Tinignan ako nito mula ulo hanggang paa, parang ewan lang. Tapos ay iniabot sa akin ang isang kahon na nakabalot ng red japanese paper at may ribbon pa. Tinanong ko yung clerk kung kanino galing yun pero isang maangas na tango lang ang isinagot nito.

Nagbalik ako sa locker room upang itago sana ang kahon, pero dhil sa curiosity ko, di na ako nakapaghintay. Sinira ko ang japanese paper na pambalot, pagbukas ko ng kahon ay tumambad sa akin ang tatong puting rosas na tinatalian ng asul na ribbon. May naka-attach na note sa ribbon, “White roses as pure as my love for you tied by a blue ribbon as infinite as my feelings for you. Love, Leo” Ang nakasulat sa gitna ng pusong nakaguhit.

Anglakas ng topak ni sir Nardo. Bulong ko sa sarili. Ibinalik ko sa kahon ang mga rosas at yung note. Ipinasok ko sa locker yung khon at pumasok na sa trabaho.

Tulad ng dati, maaga kong na-refill ang mga shelves ng produkto ko. Nakapagpunas-punas na din ako para kaaya-aya ang facing ng mroduktong hawak ko. Wala na akong gagawin kung kaya nagpunta na ako sa check-out counter upang tumulong sa pagsupot ng mga binili ng mga customer. Wala namang gaanong customer dahil weekday kaya nakikipagkuwentuhan lang ako sa kahera.

“Anong ginagawa niyo?” Ang salitang ikinagulat ko. Bigla-bigla naman kasing nagsasalita si sir Nardo na nasa likuran ko pala.

“Wala po sir. Nagkukuwentuhan lang po kami.” Magiliw na sagit ng kahera habang ako naman ay natahimik, nakaramdam ng hiya.

“Daldalan sa trabaho? May customer oh.” Tugon ni sir Nardo sabay turo sa customer na paparating.

Tumalikod naman agad ang cashier upang i-assist ang customer. “Good morning ma’am!” magiliw na bati nito bago kinuka isa-isa at i-scan ang mga items na pinamili ng customer.

“Nakuha mo ba yung regalo ko?” bulong sa’kin ni sir Nardo habang abala ang kahera.

“Opo, sir.” Nahihiya kong tugon.

“Nagustuhan mo ba?” sunod nitong tanong. Nakangiti.

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Nahihiya akong aminin na nagustuhan ko iyon. I mean, ngayon lang ako nakatanggap ng ganun, hindi ko alam paano magre-react. Nanatili akong nagbabalot ng mga items at di sumagot sa tanong ni sir.

Biglang hinarang ni sir Nardo ang mukha niya sa ginagawa ko. “Tinatanong kita. Nagustuhan mo ba?” tanong nito, sinadyang nilakihan niya ang kanyang mga mata. Nakakasindak.

“O-o-opo sir, nagustuhan ko.” Ang naisagot ko.

Ngumitiito ng ubod ng tamis. Tumayo ng maayos at nagsabing “Good! See you at lunch.” Bago tuluyang umalis. Napabuntong hininga ako sa inasal niya.



Lunch break ko na, kasama ko si Jethro na mag-out. Palabas na sana kami ng mall upang magpunta sa malapit na karinderya nang tawagin kami ni sir Nardo.

“Saan kayo pupunta?” tanong nito.

“Sa labas sir, kakain. Kayo po?” sagot ni Jethro.

“Tara, dun tayo. Treat ko.” Sabay hablot ni sir Nardo sa kamay ko kaya wala na akong nagawa kundi ang sumama. Humawak naman ako sa kamay ni Jethro upang sumama rin ito.

“Anong gusto ninyong kainin?” tanong ni sir Nardo pagkaupo namin sa isang restaurant na roast chicken ang specialty.

“Kayo na po ang bahala, sir.” Sagot ni Jethro.

“Eh sa’yo?” baling ni sir sa akin.

“Pareho nalang po ng sa inyo.” Sagot ko.

Tinawag na niya ang waiter. Halos malula ako sa dami ng inorder niya. “Teka lang sir, mauubos ba natin yan?” tanong ko.

“Kailangan niyong ubusin kundi sainyo ko icha-charge yan.” Malokong sagot nito. Di na ako umimik.




Matapos kumain ay lumabas kami ni Jethro upang magyosi. Naka-isang hithit pa lang ako sa sigarilyo ay biglang may kumkuha nun mula sa aking bibig. “Pa-hits!” wika ni sir Nardo pala. Nagulat ako. Ngunit mas ikinagulat ko ang ginawa niya. Deretso sa bibig niya yun, humithit, matapos ay isinaksak ulit sa bibig ko. Matapos ay ngmisi ito’t umalis na. Lakas trip talaga.

Nag-vibrate ang cellphone ko. Pagtingin ko sa text, “Nagus2han u ba indirect kis ko? Nxt tym direct kis na ^^,” Natawa ako sa text na yun. Nakatingin lang sa akin si Jethro. Walang emosyon. Weird.

Nag-beep yung isa kong phone, binasa ko ang text na galing naman kay Drew.

“Labs punta uli ako tarlac sa wkend, kita ulit tau. Miss u labs, love u <3”

Napatingin ako kay Jethro. Napatingin din siya sa akin. Nagtinginan kami. Para kaming timang kasi after a few seconds sabay kaming tumawa.

Nireplyan ko na si Drew, “..cge, cant wait na nga ei. :) ge po pasok na ko, love u too”

Inubos lang namin ang sigarilyo namain at bumalik na kami sa trabaho.




Naging ganuon din ang nangyari nung huwebes. May regalong tsokolate sa’kin si sir Nardo, inililibre niya kami ng lunch, pati sa pag-uwi ay sumasabay siya sa amin.  Sinusundo naman niya kami sa Dau tuwing duon kami naka-assign para sumabay sa’min. Pursigido ang loko sa panliligaw.

Dumating ang araw ng Sabado, ang araw ng muling pagkikita namin ni Drew. Muli, naghintay ako sa fastfood chain sa tabi ng terminal. Di naman nagtagal ay nakita ko na siyang bumaba ng bus. Tila alam niyang nagtatago ako kaya dumeretso siya papasok sa fast food chain. Natawa ako, natuto na siya.

“I missed you.” Bulong niya sa akin pagkalapit niya.

“Weh?” sagot kong pabiro.

Nag-puppy eyes siya, “Totoo naman eh.”

“Prove it.” Sagot ko.

Walang sabi-sabi’y hinalikan niya ako. Nagulat ako. Tinignan ko ang paligid, mukhang wala namang nakakita ng ginawa niya. Buti mabilisan lang yun.

“Pasaway ka!” sabi ko sabay ng mahinang suntok sa braso niya.

“Sabi mo kasi prove ko.” Nakangisi niyang sagot.

Kumain muna kami at nag-usap. Nakakatuwa siyang kasama, makwela, hindi nauubusan ng kuwento. Naroon din ang mga pasimple niyang hawak sa kamay ko. Hinahayaan ko lang naman siya.

Matapos kumain ay inaya niya ako. Ayaw niyang sabihin kung saan pero sumama pa rin ako. Sumakay kami ng jeep, papuntang Angeles. Di ko alam na may alam pala siya sa lugar na ito, daig pa niya ako. Hindi kasi ako gumagala.

Bumaba kami ng kabayanan tapos ay naglakad kami sa isang eskinita. Pumasok kami sa isang malaking bahay. Pagpasok namin ay may sumalubong na lalaki sa amin na sinamahan kami sa isang babae. Nag-abot si Drew ng pera sa babae. Di ko alam kung ano ang nangyayari pero minabuti kong manahimik nalang. Matapos nun ay sinamahan kami ng lalaki sa isang kuwarto. Pumasok kami. Naupo ako sa kama.

“Ligo muna tayo labs.” Wika niya.

“Nasan tayo?” Tanong ko habang inililibot ko ang paningin sa silid. Maganda ang kuwarto, malinis, maayos, nagtataka lang ako sa isang dingding na puro salamin sa tabi ng kama. Ngayon lang ako nakapasok sa ganitong lugar.

“Uhmm…” Nagkamot siya ng batok. Umupo sa tabi ko. “Di mo pala to alam?” tanong niya.

“Ngayon lang ako napadpad dito.” Sagot ko.

“Apartel to, labs. Uhmm… Sabik kasi ako sa’yo eh.” Wika niya sabay hawak sa kamay ko. “Tara lgo tayo.” At hinila na niya ako patungong banyo.

Naghubad na siya, wala siyang itinira. Hinagis niya ang mga damit sa kama. Kinakabahan ako. Ganun pa man, isinantabi ko nalang ang nararamdaman ko. Naghubad na rin ako’t inihagis ang mga damit ko sa kama, itinira ko lang ang brief na suot ko.

“May extrang brief ka ba?” tanong niya.

“Wala.”

“Hubarin mo na rin yan.” Siya na ang naghubad ng panloob ko, inihagis din niya yun sa kama.

Kinuha niya yung shower head ay binasa ang katawan ko. Nanginginig ako. Magkahalong lamig at kaba.

“Nilalamig ka ba?” tanong niya na sinagot ko ng tango.

Niyakap niya ako habang binabasa ang likod ko. Ramdam ko ang paggapang ng kamay niya na may hawak sa sabon sa likod ko, pababa, hanggang sa pisngi ng puwet ko. Tinitigan niya ako, hinalikan. Ipinagpatuloy namin ang pagligo hanggang sa matapos na kami.

Matapos maligo ay pinunasan niya ako gamit ang isang tuwalyang puti. Pinunasan niya ako mula buhok hanggang paa. Di pa rin nawawala ang kaba ko, nanginginig ako.

Pinahiga niya ako sa kama. Pumatong siya, hinalikan ako. Pababa ng pababa ang mga halik niya. Bawat hagod ng labi at dila niya’y nagpapawi sa lamig na nararamdaman ko. Napalitan ito ng init. Init ng pagnanasa.

Magaling siya magromansa, na-enjoy ko. Ginantihan ko rin naman ang ginawa niya sa akin pero, hindi ko magawang pagbigyan ang gusto niya. Ang i-blow job siya. Ipinaliwanag ko sa kanyang ayaw ko at naintindihan naman niya.

Matapos magromansahan at maglabas ng init ng katawan ay naligo kami ulit. Pilyo siya, maging sa pagligo’y di siya nagsasawang hawakan ang maselang bahagi ko. Hinahayaan ko lang naman siya dahil nag-eenjoy din naman ako. Matapos maligo ay nagbihis na upang makalabas na.

“Salamat labs sa sandaling ibinigay mo sa akin. I love you.” Sabi niya habang papalabas kami ng gusaling iyon. Naka-akbay siya sa akin. Sinagot ko lang ito ng ngiti.

Paglabas namin ng gusali ay bigla akong natigilan. Nanlaki ang mga mata ko. Ganun din ang nakasalubong namin. Bakas sa mukha niya ang pagkagulat at sigurado akong ganuon din ang hitsura ko.

“H-hiro? Anong ginagawa mo dito? Sino siya?” tanong ni Jethro sa akin.






Itutuloy…

5 comments:

  1. huli ni bestfriend!!! grabe! parang wala pa ring napupusuan si hiro. panay init lang... can't wait na...


    Cheers!:)

    ReplyDelete
  2. patay kang Hiro Ka! LOL

    Major Selosan ito!

    duda akong di niya totoong mahal si Drew.. Kung mahal nya ito di sana ginawa niya yung hiling nito.. (diba kung mahal mo ang tao gagawin mo ang lahat mapasaya mo lang siya?)

    Sino nga ba Talaga Hiro ha?

    parang 3 in 1... pasok sa banga ang timpla!

    :)

    ReplyDelete
  3. @Lyron maaaring wala pa nga, maaari ring meron na pero di niya pa napapansin :)

    @--makki-- 3 in 1 tlaga? xD d nman cguro..my hnahanp lng cguro xa na hndi nia mtagpuan sa tatlo :)

    ReplyDelete
  4. lagot ka hiro kay jethro..... ano ngayun ang sasabihin mo sa kanya..... naku laging gulo ang mangyayari malamang mag seselos si jethro kay drew.... pero parang may kakaiba kang nararamdaman para kay jethro...

    ramy from qatar

    ReplyDelete
  5. meron nga ba o wla? hehe mlapit na dn naman po itong mtapos, mlalaman ntin ang ksagutan :)

    ReplyDelete