Natutuwa po ako sa response ninyo. Kaya heto kahit sinusumpong ng katam ay nilalabanan ko LOL.
Di ko lang alam kung magugustuhan niyo part na ito. Sana ay magustuhan ninyo. Magustuhan niyo man o hindi, sana'y sabihin ninyo ang opinyon ninyo :)
Lyron: ay auq ng spycy :/ lol parang wla aqng dugong uragon xD
Di ko lang alam kung magugustuhan niyo part na ito. Sana ay magustuhan ninyo. Magustuhan niyo man o hindi, sana'y sabihin ninyo ang opinyon ninyo :)
Lyron: ay auq ng spycy :/ lol parang wla aqng dugong uragon xD
REVERIE (Part 4)
Nagising ako sa ingay ng cellphone ko. Dahil sa antok at sakit ng ulo’y di ko na tinignan kung sino ang tumatawag.
“Hello?”
“Hello, Hiro. Mag-half day ka muna ngayon. May meeting tayo sa office. Bigyan nalang kita ng excuse letter mamaya sa office ha? Agahan mo ang punta.”
“Sige ma’am. Anong oras ba yung meeting?”
“9:00 dapat nandito ka na. Yung apron mo pala nabili mo na?”
“Hindi pa ate, wla pa daw stock.”
“Ah sige. Pag nabili mo na humingi ka ng resibo para i-charge natin sa office. Sige na, bye na, agahan mo ha!” at binaba na niya ang phone.
Nag-unat ako’t humikab. Antok na antok pa ako. Tinignan ko ang oras sa cellphone ko. 6:03 na. Buti nalang pala half day muna ako ngayon, kung hindi hay naku, male-late ako sa trabaho. May isang message din ako sa isang cellphone. Galing kay Drew.
“Slamat sa bnigay mong pgkktaon sa’kin. Gud morning. Love u :)”
Nireplyan ko nalang ng “..gud mawnin dn. :)”
Bumangon na ako para makapaghanda. Tamad na tamad pa ako, masakit ang ulo at mahapdi ang mata. Nagsuot ako ng shorts at lumabas na ng kuwarto.
“Oh Bayani, wala ka bang pasok?” bungad sa akin ni nanay. Magkausap sila ni tatay habang nagkakape. Natawa si tatay sa tawag sa’kin ni nanay. Alam kasi niyang ayoko sa pangalang yun.
“Nay, Hiro po! O kaya kahit kumpletong Hiroki na, basta wag lang Bayani, angbantot!”
“Arte mo! Hiro na kung Hiro. Wala ka bang pasok?”
“Meron po. Pero may meeting kami sa office kaya half day lang muna ako sa trabaho.” Sagot ko. Kinuha ko ang hawak na mug ni nanay upang maki-inom ng kape. “Angpait naman ng kape mo, nay.”
“Aba, kaw na nga lang naki-inom kaw pang nagrereklamo. Magsangkap ka ng sa’yo.”
“Oo nga. Sobrang arte niyang si kuya, feeling artista.” Sabad naman ni RJ na kakapasok lang ng kusina.
“Sino kaya ang feeling sa’tin?”
“Artistahin ako, kuya. Hindi feeling artista!” sabay labas ng dila. Pasaway na bata.
“Halika nga rito.” Bigla kong hinablot ang batok niya upang pisil-pisilin. Dun kasi malakas ang kiliti ng kapatid kong makulit.
“Hahaha! Kuya tama na… hindi na… ikaw ang artistahin.” Paputol-putol niyang bsabi dahil sa katatawa. Natawa na rin sina nanay at tatay sa lambingan naming magkapatid.
Nagsangkap na ako ng kape at nag-almusal kasama nila. Madalang lang ‘to dahil maaga akong pumapasok at madalas tulog pa silang lahat sa tuwing aalis ako. Pag wala namang pasok ay ‘di ako nag-aalmusal dahil wala akong gana sa umaga. Sinamantala ko nalang na maka-bonding ang pamilya ako.
Dahil sa sobrang antok ay natulog muna ako sa bus. Pumwesto ako sa tabi ng buntana at nagtakit ng mukha gamit ang kurtina. Nasa Central Terminal pa ang bus. Dito na ako dumeretso dahil ayoko ring maghintay ng matagal sa intersection. Mahaba-habang idlip pa din to.
Di ko na namalayang umandar na pala ang bus at nagsasakay na sa intersection. Medyo nagising lang ang diwa ko nang may tumabi sa akin. Nasiko pa ako nito. Di ko na muna pinansin dahil antok na antok na ako. Ngunit nananadya ata ang katabi ko, alisin daw ba naman ang kurtinang nakatakip sa akin?
“Angpanget mo pag bagong gising!”
Iminulat ko ang mata ko upang tignan kung sino ‘tong nang-aasar na to. Nagising ang diwa ko nang makitang si Jethro pala ang katabi ko. Nakangisi pa ang loko. “Oh, di ka pumasok?” tanong ko.
“Eh ikaw, bat di ka pumasok?”
“Meeting.” Maikli kong tugon.
“Meeting din.”
“Gaya-gaya. Parrot!”
“Ikaw ang gumaya.”
“Ikaw kaya.”
“Ikaw.”
“Ikaw.”
“Ang gwapo?”
“Ikaw.” Nalintikan, naisahan ako nito ah. “Ay ako pala. Hahaha!” bawi ko. Para kaming mga batang nagkukulitan.
“Hahaha walang bawian! Salamat!” ngisi ng gago.
“Sabi mo eh.”
Tahimik. Huminga ako ng malalim at tumingin nalang sa labas. Tanging malawak na palayan lang ang nakikita ko sa labas. Nasa NLEX na pala kami. Lumapit na din ang kundoktor upang mamigay ng ticket at kolektahin ang bayad namin.
“Hiro.” Tawag ni Jethro sa’kin. Napalingon ako sa kanya.
“Okay ka na ba?” tanong nito.
“Okay lang naman. Bakit?”
“Yung kagabi kasi…” nakatingin siya sa mga mata ko, wari’y sinusuri kung magsasabi ako ng totoo. “Alam kong babaero ka pero hinding hindi ka makikipaghalikan ng ganun sa di mo kilala ng lubos. Matagal na tayong magkaibigan kaya kilala na kita. Sabihin mo, ano ba’ng nangyayari sa’yo?”
Schoolmates kami ni Jethro nung college. Nagkakilala kami sa intrams nang lumaban ako ng chess. Hindi ako sporty pero required kaming sumali. Chess ang pinili ko. Tinalo niya ako sa laban. Aminado naman akong hindi ako magaling, wala lang akong ibang mapiling salihan kaya ako nasabak dun. Matapos ng laban ay inapproach niya ako. Halata daw na baguhan ako kung kaya nag-offer siya na tuturuan ako. Araw araw ay nagkikita kami para maglaro. Naging close kami dahil dun.
“Drama mo ah.” Natatawa kong sagot. Gusto ko sanang ibahin ang usapan pero bago pa man ako nakapagsalita, muli siyang nagsalita.
“Concerned lang ako. Kaibigan mo ako. Di ako mananahimik sa kabila ng napapansin ko’ng may mali sa’yo.”
Bumuntong hininga ako. Nag-isip. Magsasalita ba ako? Magtitiwala ba ako? Ewan. Tinignan ko siya sa mata. “Jet, ayaw ko munang pag-usapan. Yung kagabi, hindi ko iyon sinasadya. Huwag kang mag-alala, magsasalita din ako pag handa na ako.”
“Kailan?”
“Mamayang hapon.” Sagot ko sabay tawa. “Tama na nga, sobrang seryoso natin, di bagay.”
“SM North! Yung mga bababa ng SM North bumaba na!” sigaw ng kundoktor.
”Tado! Mamaya mag-uusap tayo.” Seryoso pa din ang mukha nito.
”Tado! Mamaya mag-uusap tayo.” Seryoso pa din ang mukha nito.
“Seryoso ka?” kagaguhang tanong. Nakikita ko namang seryoso siya pero nagtanong pa ako.
“Oo, text kita pagkatapos ng meeting namin.” Huli niyang sinabi bago tumayo at bumaba ng bus. Angdrama pa ng loko, may pakaway-kaway pa sa’kin bago umalis ang bus. Weird neto kahit kailan.
Bumaba ako ng Cubao. Sa isang maliit na lagusan sa tabi ng isang karinderya ay may hagdan. Umakyat ako dun upang makarating sa opisina namin. Ang totoo’y di ko mapaniwalaang opisina ito, maliit masyado ang lugar. Parang sala lang sa bahay namin ang laki. Plywood lang ang naghihiwalay sa mga kuwarto. Tatlo ang kuwarto doon. Ang opisina ng HR, ang conference room, at isang kuwarto na palagay ko ay pantry dahil na din sa maliit na mesa na may coffee maker na nakapatong. Magkaganun man, air conditioned naman ang opisina so okay lang.
Sinalubong ako ng coordinator ko. Pinapunta niya ako sa conference room kung saan naghihintay ang ibang merchandisers ng kumpanya. Tulad ng sabi ni ate Vina, binigyan niya ako ng excuse letter. Di rin nagtagal ay nag-umpisa na ang boring na meeting na nagtagal ng isang oras.
“Pumasok ka ha? Half day lang ang excuse letter na binigay ko. Baka hindi ka pumasok niyan lagot ka sa’kin.” Hay naku. Alam ko naman yun. Di naman ako tulad ng iba na di na papasok after ng meeting.
“Opo ma’am.”
“Ingat sa biyahe.” Huling habilin niya bago bumalik sa loob.
Habang naglalakad ay nagvibrate ang phone ko. Di ko muna yun tinignan, mahirap na. Minsan na akong nahablutan ng cellphone at ayoko nang maulit yun. Hinintay ko munang makarating ako ng terminal bago tinignan kung sino ang nag-text.
Habang naglalakad sa isang over pass sa isang intersection, napatingin ako sa isang mall na di kalayuan. Huminto ako sa paglalakad. Maraming ala-ala ang nasa mall na yun. Napatiim-bagang ako. Dahan-dahang tumikom ang aking mga daliri. Nagkukuyom ang aking mga kamay sa ala-alang nanunumbalik sa aking isip. Gusto kong manapak sa mga oras na yun. Huminga ako ng malalim. Pinakalma ang sarili. Tumalikod. Ipinagpatuloy ko na lamang ang aking paglalakad.
Pagdating ko ng terminal, agad kong dinukot ang cellphone ko. “W8 mko jobee. Im on my way na.” Oo nga pala, mag-uusap nga pala kami ni Jethro. Nagpunta muna ako ng fastfood na nabanggit upang doon siya hintayin. Makalipas ng 10 minuto ay dumating na rin siya.
“Order muna tayo, gutom na ako eh. Sa bus nalang natin kainin.” Sabi nito.
“Sige.” Tugon ko. Gutom na rin naman ako.
Pumila kami sa counter. Umorder kami pareho. Gusto ko sanang kumain ng kanin pero hassle naman kainin yun sa bus. Kaya burger, fries, at soda nalang ang inorder namin. Ang mokong naman pina-large niya lahat.
“Kaw muna magbayad, wla akong okane eh.” Bulong nito sa’kin nung kinukuha na ng kahera ang bayad. Ngumisi pa ang loko.
“Di rin makapal muka mo no? Pina-large mo lahat tapos wala kang pambayad!” Tawa lang ang isinagot nito. Napailing nalang ako.
Paglabas namin ng fast food chain ay sumakay na kami ng bus. Tuloy-tuloy lang siya na siyang pinagtaka ko. Huminto ako sa paglalakad.
“Jethro sandali.”
“Bakit?”
“Di ka papasok?”
“Papasok.”
“San Fernando ‘to eh.”
“Alam ko, marunong naman akong magbasa.”
“Dau tayo bababa eh. Bakit dito tayo sumakay?”
“Kasi sasamahan mo muna ako sa bahay.” Nakangiting sagot nito. Inabot niya ang kamay kong may hawak ng plastik na lalagyan ng pagkain namin. “Umupo na tayo, nakaharang tayo sa gitna oh.” Dugtong pa nito.
Sumunod nalang ako sa kanya. Magkasalubong ang kilay ko dahil sa pagtataka. Bakit ko pa siya sasamahan? Anong naisip ng lokong to bakit kailangan pa niyang umuwi, sigurado naman akong dala niya ang inuporme niya. Tanong ko sa isip ko. Umupo kami sa likuran at di pa rin binitawan ang kamay ko.
Tinignan ako nito. Tumawa. “Alam ko kung anong iniisip mo. Bakit ako uuwi? Kukuha lang ako ng damit.”
“Di mo ba dala ang uniform mo?
“Dala.”
“Eh anung damit ang kukunin mo?”
“Pamalit. Makikitulog kasi ako sa bahay ng best friend ko. Matagal na din kaming di nagba-bonding eh.”
“Bakit isasama mo pa ako?”
“Wala lang. Trip ko eh. Buksan mo na nga yan, gutom na talaga ako.” Sa wakas ay binitawan niya ang kamay ko. Hinablot niya ang plastic at kinuha ang pagkain niya. Kumain na rin ako.
Matapos kumain ay naging tahimik lang kami. Nagtataka talaga ako. Sabi niya gusto niyang magkausap kami pero heto’t tutok na tutok ang atensyon niya sa movie sa bus. Di naman ako mahilig sa movies kaya pumikit nalang ako upang makaidlip.
Naramdaman kong may kamay na sumisingit sa likod ko. Hinayaan ko lang, pinakikiramdaman kung mandurukot ba ito. Wala naman kasi ang wallet ko sa likurang bulsa, tanging panyo lang ang nandoon. Ilang sandali pa’y nakalusot na ang kamay nito at humawak sa baywang ko. Hinila ako nito palapit at isinandal ang ulo ko sa balikat niya. Naramdaman ko ang hininga niyang umiihip sa aking noo. Kinuha rin niya ang aking kamay at hinawakan ito. Napangiti ako. Angsweet nama ng mandurukot na ito.
“Hiro… Hiro… Bababa na tayo.” Sabi nito. Iminulat ko ang aking mata. Nasa San Fernando na pala kami.
Teka. Totoo ba yung kanina o panaginip lang? Tanong ko sa sarili ko. Napansin ko kasing nakasandal ako sa upuan at wala namang nakapulupot na kamay sa likod ko. Napatingin ako kay Jethro. Tumayo ito upang bumaba na ng bus. Panaginip nga lang siguro. Tumayo na rin ako. Iwinaksi ko nalang sa isip ko kung ano man ang napanaginipan ko.
“Dito nalang ako, nakakahiya.” Nasa harap na kami ng bahay nila. Katamtaman lang ang laki ng bahay nila. May maliit silang hardin sa harap ng bahay na punong puno ng native na halamang namumulaklak. May hinabing duyan din doon na nakatali sa dalawang puno ng aratilis na hitik sa bunga.
“Bahala ka, may aso diyan.” Sagot niya bago tuluyang pumasok ng bahay.
Nilingon ko muna ang buong paligid. Wala namang aso. Luko-luko talaga ang isang yun. Tinungo ko yung duyan at doon nahiga. Kahit nasa siyudad presko ang hangin dito dahil na din sa mga halamang nakatanim. Nakakarelax.
Umuugoy ang duyan. Na-idlip pala ako, hindi ko napansin. Iminulat ko ang mata ko. Nakatabi ka sa akin, nakangiting pinagmamasdan ako.
“Angsarap mong panoorin habang tulog.” Sambit mo.
Ngumiti ako.
“Pero mas magandang panoorin ang reflection ng mukha ko sa mga mata mo.” Dugtong mo pa. Dahan-dahan inilapit mo ang iyong mukha. Nag-dikit ang dulo ng mga ilong natin. Pumikit ka, gayun din ako. Dahan-dahan…
“Hoy!”
Napabalikwas ako sa pagkagulat, dahilan upang malaglag ako sa duyang hinihigaan ko. “Aray!” daing ko sa sakit na tinawanan ni Jethro. “Kailangan talagang manggulat?!” inis na wika ko.
“Bakit ka kasi natulog diyan? May pasok pa tayo uy!” Inalalayan ako nitong tumayo. “Tara na, baka ma-late pa tayo.”
Sumunod nalang ako. Nakakainis!
Halos alas-11 na nang makarating kami ng Angeles kung saan kami naka-assign tuwing Martes at Huwebes. Dumaan muna kami ng HR upang ibigay ang excuse letter namin. Dumeretso ng locker room si Jethro habang ako ay sa CR nagtungo upang makapagpalit ng uniporme. Wala pa kasi akong locker sa super market na to. Puting polo shirt at black slacks lang naman ang isusuot ko. Wala pa kasi yung apron ko dahil wala pa raw stock sabi sa HR. Matapos magbihis ay tinungo ko ang baggage counter upang dun ilagay ang gamit ko.
Halos takbuhin ko na yung bundy clock upang makapag-punch in. Sa pagmamadali ay may nabangga pa ako. “Sorry.” sabi ko pero tumuloy pa rin ako. Ayaw kong ma-late eh. Matapos mag-punch in ay nahimasmasan ako. Papasok na sana ako sa operations area nang may humawak sa balikat ko.
“Bastos ka din no?” sabi nito. Naka-blue long sleeves siya with maroon tie. Black slacks, black shoes, maayos ang buhok. Sa tantya ko’y nasa 25 na siya. Pero di ko siya kilala.
“Nag-sorry naman ako ah.”
“Pero di mo man lang ako tinulungang bumangon.”
“S-sorry. Nagmamadali lang kasi ako. Sorry ulit.” Sinserong pag-hingi ko ng tawad.
“Anong pangalan mo?”
Anu ba yan, ako daw ang bastos pero di ata naturuang kabastusan ang magtanong ng pangalan ng iba ng di man lang muna nagpapakilala. Isa pa, pormang porma di man lang yata marunong magbasa. Nasa ID ko naman ang pangalan ko eh. Tsk! “Hiro po.” Sagot ko nalang upang matapos na. Matapos kong sumagot ay tumango-tango lang ito tapos ay tumalikod na. Napakamot nalang ako sa tainga.
“Ba’t angtagal mo?” bungad sa akin ni Jethro.
“Hinintay mo ba ko? Magkalayo naman area natin ah.” Sagot ko.
“Kahit na, magkasama tayong dumating eh.”
“Oh sorry. Bumalik ka na sa area mo, baka makita pa tayo ni S3 malagot pa tayo.” Sagot ko. S3 ang code ng operations manager ng super market na yun.
“Okay. Sabay tayo mag-break mamaya ha?” sabi nito. Di na niya ko hinayaang makasagot, umalis na ang loko.
Mabilis kong natapos ang pagre-refill ng shelves. Kaunti lang naman ang produktong hawak ko kumpara sa iba. Di ko nga maintindihan kung bakit hindi ako ginawang roving, kaya ko naman ang limang outlets sa isang araw. Marahil ay nagtitipid sila dahil chinacharge ko sa company ang transportation ko. Dahil wala na akong magawa, dumerecho ako sa check-out counter upang tumulong. Ganun kasi ang patakaran dito, pag walang ginagawa ang mga diser pinapatulong sa counter upang mag-bagger.
Habang isinusupot ko ang mga pinamili ng mga customer ay napansin k yung lalaking nabangga ko kanina. Nakatayo siya sa harap ng super market, titingin-tingin sa akin. Blangko ang mukha. Anong trip neto? Tanong ko sa sarili.
“Huy, ibalot mo na yan.” Tawag ng cashier sa aking pansin.
“Sorry.” Sagot ko at mabilis na isinupot ang mga na-punch na items.
“Wag kang tutunganga, baka makita ka ng mga manager. Isang linggo ka pa lang dito, mainit pa mata ng mga yun sa’yo.” Sabi pa nito.
“Oo nga eh, obvious na bago lang ako, wala pa kasi akong apron.” Sagot ko. Natapos k ng ibalot lahat at wala ng nakapila. Makakapagpahinga ako kahit papano. Nilingon ko uli yung lalaki. Nakatingin pa rin ito sa akin.
“Kilala mo ba yung lalaking nakatingin sa’kin sa likuran?” tanong ko sa cashier.
Pasimpleng tumingin ang cashier sa likuran ko. “Sino dun?” tanong nito.
“Yung naka-blue na long sleeves.”
Muli siyang tumingin. “Wala naman eh.” Sagot nito.
Nilingon ko ulit ang kinaroroonan ng lalaki kanina. Wala na ito. Napakamot nalang ako ng tainga. Weird naman nung lalaking yun.
Kinalabit ako ni Jethro. “Break na tayo!” nakangiting wika nito.
Tinignan ko ang oras sa monitor ng cash register. 1:00 na pala. Nagpaalam na ako sa cashier at sumunod kay Jethro upang mag-punch out. Lumabas kami at naupo sa parking lot. Nag-yosi. Nag-usap lang kami tungkol sa trabaho. Nang maubos na ang sigarilyo namin ay nagpasya na kaming bumalik. Dumaan muna kami ng CR upang umihi. Unang lumabas si Jethro. Nang palabas na ako ay nakasalubong ko yung lalaki kanina.
“Sandali. Hiro, right?” Tawag nito sa’kin.
“Bakit po?”
“Kailan ka nag-intro dito?” tanong nito.
“Last week po.”
“Wala pa bang apron sa HR?”
“Wala pa daw po.” Talaga naman, nang-aasar yata tong taong to. Kung meron eh di sana suot ko na. Tsk!
“Binasa mo ba yung rules and regulation?”
“Opo.” Anu to, interview? Sino ba to? Bat andaming tanong?
“Nasa rules ba na pwedeng mag-hikaw sa operations?”
Bigla akong napahawak sa kaliwang tainga ko. Nalintikan na! Nakalimutan kong tanggalin kanina. Dali-dali kong hinubad. “Sorry po.”
Lumapit ito sa akin. Napa-urong ako. Lumapit pa. Urong ulit. Lalo pa siyang lumapit. Umurong ako. Lumapit pa siya. Wala na akong ma-urungan, nakasandal na ako sa pader ng CR. Lakas trip talaga ‘tong taong to. Ano bang gusto nito?
Inilapat niya ang mga kamay niya sa pader, ikinulong ang ulo ko sa pagitan ng mga ito. Lumapit ang mukha niya. Palapit ng palapit. Kinabahan ako. Nanlaki ang mga singkit na mata ko. “T-teka, anong gagawin mo?” kinakabahan kong tanong.
Titig na titig siya sa mga mata ko. “Kilala mo ba ako?”
Itutuloy…
Wow! Sino yun? Man of his dreams na ba o si drew? Sino ba yang mystery guy sa dream niya?! Excited na talaga ako! :) Nice one Rue!
ReplyDeletep.s sayang ayaw mo pala sa spicy foods, you'll miss half of the world's tastiest food! Ako na naman mas lalong nananaba... Huhuhuhu
@Lyron hmm...c mystery guy ay marereveal next chap lolz corny no? xD
Deleteung “halusinasyon” naman ni hiro, mssbi q lng mlaki knalaman nia sa kwento :)
anyway, kung light lng ung spice ok skn, peo pg ejo tumapang na eh no no aq lolz buti nga kw 2matba,my msusunog ka sa gym...ang payat wla, pg ng-gym parang payat pa dn lolz
SINO SYA HIRO????????? MALAMANG BAKA YAN ANG MANAGER MO..... LAGOT KA HIRO,,,, NAKS BKA RAPE ANG MANGYARI S U SA LOOB NG CR.... HE HE HE.... HAY I MISS MY LIFE BILANG ISANG DISER BEFORE I FULLY PLEDGE TO WORK IN HOSPITAL....AS A SCAPE GOAT BEFORE....BUT I DO REALLY MISS IT...NAKU HIRO GUDLUCK SA WORK PAG IGIHAN NG MABUTI BILANG DISER,,,,
ReplyDeleteRAMY FROM QATAR
@ramy from qatar manager? pwede... haha wg naman ma-rape,kwawa naman c hiro x3
Deletemsarap dn mging diser, ejo mhrap nga lng pg sa mlaking super market ka na-asign, mxado mhigpit :/
hmmm... kaabang-abang! :)
ReplyDeletesino kaya itong "halusinasyon" niya? grabe ah! excited na ako. buti na lang extended bakasyon ko makakabasa pa ako nito. pagbalik kasi sa barko di ko na nababasa busy kasi andami pang usisero sa likod ko di makabasa tuloy ng bromance... Kaya sana mabasa ko lahat!(demanding ba?:))
ReplyDeletehaha naiintndhan q, d2 nga sa bhay gnun dn kya ngbbsa lng aq sa phone xD
ReplyDeletemaikli lng naman to, d lalampas ng 10 parts so bka mtapos m nga bgo ka sumkay ulit :)
yehey asahan ko yan! :3
ReplyDeleteoo feeling ko manager yung mamang naka blue na long sleeves.hehe nice ng kwento.nakakabitin at pinaglalaruan talaga imahinasyon ko. <3
ReplyDeleteCharlie1989