Feb 5, 2012

Reverie (Part 5)

Heto na po ang part 5, sana magustuhan ninyo ang part na ito. :)

Mraming salamat pala kina ramy from qatar at kay Lyron sa pagbigay ng komento at pakikipagkuwentuhan sa akin sa comment box. :)


REVERIE (Part 5)

“T-teka, anong gagawin mo?”

Titig na titig siya sa mga mata ko. “Kilala mo ba ako?” tanong ng wirdong lalaki.

May kung anong pakiramdam sa loob ko. Napangiti ako. Nakipagtitigan ako sa lalaking di ko alam kung nang-aasar ba o sadyang tinutukso ako. “Anong gusto mo sa’kin?” mahina kong tanong. Nakangiti. Pinapungay ang mata.

“Gusto kong malaman kung kilala mo ba ako.” sagot nito. Blangko ang mukha. Titig na titig pa din sa mata ko.

“Hindi kita kilala. Pero alam ko kung ano ang gusto mo.” Sagot ko sabay hawak sa puwitan nito upang idiin ang harapan niya sa akin. May bahid ng pagkagulat sa mukha nito subalit pilit niyang huwag iyon ipahalata sa akin. Inilapit ko ang aking bibig sa kanyang tainga at bumulong, “Alam kong ito ang gusto ng mga tulad mo, hindi ba?”

Hindi ito sumagot. Ni hindi siya gumalaw. Nanatili siyang nakatitig sa akin na wari’t nais niya akong tunawin. Kinakabahan ako sa totoo lang pero siya ang unang nakipaglaro. Lalaruin ko ang laro niya. Sisiguraduhin kong hindi ako ang matatalo sa larong ito.

“I’m Leonardo...” Sabi nito. Bedroom voice kung bedroom voice ang drama niya. “…Leonardo Samonte.”

Parang pamilyar ang pangalan niya. Parang narinig ko na kung saan pero hindi ko maalala. Pero kahit nag-iisip ako’y di ako bumitiw sa titigan. “Leonardo… Angtanda ng pangalan mo, Mr. Nardo.” Sagot ko.

Ngumiti ito. Dahan-dahang ibinaba ang tingin sa mga labi ko na ginantihan ko naman ng bahagyang pag-pout nito. Muli niyang ibinalik ang tingin sa mata ko at nagsabing, “My name may be old but I’m as brave as a hunting lion, as talented as the great da Vinci.”

“And I’m as noble as a hero on a white stallion.” Sagot ko. Akala niya ha. Di ako papatalo.

Bigla siyang kumalas nang marinig namin ang tunog ng door knob. Mabilis siyang humarap sa isa sa mga urinal upang kunwari’y umiihi siya. Ako naman ay nagmadaling pumasok sa isa sa mga cubicle. Angbilis ng tibok ng puso ko. Kinakabahan ako. May nakakita kaya sa’min? Nakaka-tense, sobra! Inayos ko nalang ang sarili ko. Pinilit kong kumalma.

“Hiro!” dinig kong pagtawag ni Jethro sa pangalan ko. Lumabas ako ng cubicle. “Ba’t ng tagal mo?” tanong nito.

Tumingin muna ako sa wirdong lalaki. Halos humagalpak ako nang makitang nanginginig ang tuhod nito. Mas matinding nerbyos pala ang tumama sa kanya. Nakita kong pasimple siyang sumulyap sa amin ni Jethro pero mabilis din niyang binawi ang tingin nang makita niyang nakatingin ako sa kanya habang nagpipigil ng tawa.

“Tara na, male-late na tayo! Kupad mo!” reklamo ni Jethro. Hinawakan niya ang kamay ko at halos kaladkarin na niya ako palabas ng CR.

Anong problema ng isang ito? Kanina pa to ah. Tanong ko sa isip ko.

Pagkalabas ng CR ay agad siyang humarap sa’kin. “Di mo kilala yung kanina sa CR no?” tanong nito.

“Hindi eh. Sino ba yun?”

Bigla niya akong hinila papunta sa HR. “Ayan siya.” Sabi nito sabay turo sa letrato ng mga executive.

Nanlaki ang mga mata ko. “Leonardo F. Samonte… S2?!” nabulalas ko. Hindi ako makapaniwala sa nabasa ko. Ang larawan niyang nakadikit ay medyo iba sa nakita ko kanina. May pagka-matured siya sa picture lalu na’t napakaseryoso ng mukha nito samantalang yung kanina, parang cool lang siya.

“Tama, ang Branch Manager.” Sagot ni Jethro. “Dapat kilala mo silang lahat para mabati mo man lang. Kailangan mong magpalakas, lalu na’t bago ka pa lang. Kung kinakailangan magpalapad ka ng papel, gawin mo. Huwag kang magpapakita ng kapalpakan.” dugtong pa nito.

Parang mas gusto ko pang matunaw nalang sa kinatatayuan ko. Nabangga ko siya kanina’t napaupo siya pero di ko man lang tinulungan. Tapos yung ginawa ko pa sa CR. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Nakakahiyang nakakainis na nakakatakot. Paano ko siya haharapin kung sakaling magkasalubong kami ulit?

“Tara na nga, male-late na tayo!” Hinila muli ni Jethro ang kamay ko. “Anglamig ng kamay mo.” sabi pa nito.

“Hayaan mo na!” sagot ko na medyo napataas ang boses. Tumahimik siya. Nagtungo na kami sa bundy clock upang mag-punch in.




Pinilit kong huwag na mag-isip tungkol sa nangyari habang nagtatrahabo. Mabuti nalang at di ko na siya nakita ulit. Tumulong lang ako sa cashier hanggang sa matapos ang duty ko.

Pagkatapos ng trabaho ay tumambay muna kami ni Jethro sa harap ng mall. Napagkasunduan naming kumain muna ng fish balls bago umuwi. Inilagay ko sa basong plastik ang mga fish balls at squid balls, binuhusan ng sauce at sukang puno ng sibuyas. Umupo ako sa tabi ng pillar sa harap ng mall upang duon kumain. Inilapag ko ang isang baso na may lamang buko juice sa pagitan ng mga paa ko. Nakaharap ako sa kalsada, pinapanuod ang mga dumaraan. Nagulat nalang ako nang may tumusok sa isa sa mga squid balls sa baso ko.

“Anu ba?! Ang tak-” singhal ko sa pag-aakalang si Jethro ang ngunit hindi ko na naituloy ang sasabihin pagkakita ko sa taong nakaupo sa tabi ko, hawak-hawak ang stick na ipinantusok sa squidball na kagat-kagat nito.

“Bakit?” nakatitig ito sa akin, ngumunguya. Yung tipong parang bata kung makanguya.

Napalunok ako ng laway. Bigla akong kinabahan. Parang na-lock ang panga ko. Hindi ako makapagsalita. Parang may stampede ng mga kabayo sa dibdib ko, kinakabahan ako.

“Sir! Out na din po kayo?” bati ng papalapit na si Jethro sa lalaking katabi ko.

“Uy, Jethro. Oo out na ako. Uuwi na ba kayo?” sagot nito. Muli itong tumusok ng squid ball sa baso ko na agad niyang isinubo.

“Kain lang kami sir tapos uwi na.” umupo siya sa kabilang gilid ko. Pinagitnaan ako ng dalawa.

Kinuha ko ang nakalapag na baso ng buko. Akmang itatapat ko na ito sa bibig ko nang hablutin ito ni Sir Leonardo. “Saan ba and daan ninyo?” tanong nito kay Jethro bago tuluyang uminom sa buko ko.

“San Fernando daan namin sir, mas tipid sa pamasahe.” Sagot ni Jethro.

“Ahh… Sabay na ako sa inyo, Sindalan ang baba ko.”

Tumayo ako upang bumili ng maiinom. Subalit paghakbang ko pa lang ay hinawakan ni Sir Leonardo ang kamay ko. “Saan ka pupunta?” Nakangiti ito sa’kin.

“Bibili lang po ng buko, sir.” Sagot ko.

“Sa’yo to di ba? Oh heto.” Sabay abot niya ng baso. Ayaw ko ng kunin. Ininuman na niya eh. Pero nakatingin siya sa’kin, hinihintay na kunin ko yun.

“Bibili nalang po ako sir, sa inyo na yan.”

“Hindi!” sapilitan niyang pinahawak ang baso sa’kin tapos ay hinila ang bulsa ko sa likod upang sapilitang paupuin. “Inumin mo. Wala naman akong sakit.” Wika nito habang itinutulak ang baso palapit sa bibig ko. Tumingin ako kay Jethro upang humingi ng saklolo pero tinanguan lang ako nito habang ineenjoy niya ang fish balls niya. Nakaka-asar!

“Ako nalang po, sir.” Madiin kong wika dahil todo tulak siya ng baso upang uminom ako.

“Ok.” Tinitignan niya ako, hinihintay uminom. Wala na akong nagawa kundi gawin ang nais niya. Ngumiti siya.






“Deretso ba kayo ng kabayanan o intersection lang?” tanong ni sir Leonardo. Nasa jeep na kami byaheng San Fernando.

“Opo sir.” Sagot ni Jethro. Ako naman ay nakadungaw lang sa bintana, pinagitnaan ako ng dalawa, naaasar ako.

Inilabas niya ang wallet niya at nagbayad. “Isang Sindalan, dalawang intersection kuya.” Wika niya habang iniaabot ang bayad sa driver. Atleast kahit sa pamasahe lang ay nabayaran niya yung buko at squid balls ko.

Ilang saglit pa’y pumara na siya. “Una na ako sa inyo.” Wika nito sabay tapik sa hita ko habang nakangiti sa’kin. Tinanguan ko nalang siya.

“Bait ni sir no?” wika ni Jethro.

“Mabait ba un? Takaw kaya niya. Inubos niya squid balls ko.”

“Hahaha ganun lang talaga yun. Ibig sabihin close na kayo.”

“Ayoko! Mamumulubi ako kung makaka-close ko yun.” Tinawanan ni Jethro ang sinabi ko habang ako naman ay napa-isip. Ibig sabihin hindi galit si Sir sa’kin. Mabuti na rin siguro yun, para hindi ako mailang kapag nandiyan siya.




Bumaba kami sa intersection. Ang ipinagtaka ko lang ay kung bakit sa terminal ng jeep pauwi sa’min ang tungo ni Jethro. Akala ko ba’y makikitulog siya sa best friend niya?

“Teka, saan ka sasakay?”

“Arayat.”

“Taga-saan ba yung best friend mo?”

“Sta. Ana.”

“Sino ba yun?”

“Ikaw.” Sagot niya sabay flash ng matamis na ngiti.

“A-ako?”

“Oo. Best friends tayo nung college di ba?” Inakbayan niya ako. Na-touch ako sa sinabi niya kaya napangiti ako. Sobrang close nga namin nung college pero wala naman kaming napag-usapan na best friends kami, atleast ngayon alam ko na na ganun pala ang tingin niya sa’kin hanggang ngayon.

Sumakay na kami ng jeep pauwi. Nagkuwentuhan at nagtawanan. Pinagkuwentuhan namin ang mga pangyayari nung college pa kami. Pinutol namin ang daan at di namin namalayan na nasa bayan na pala kami. Bumaba kami at naglakad pauwi sa amin.




“Magandang hapon po.” Bati ni Jethro sa lola ko na nakaupo sa kanyang tumba-tumba sa terrace.

“Magandang hapon din. Tagal mong di nadalaw ah.” Nagmano si siya kay lola. Madalas tumambay sa bahay nuon si Jethro kaya kilala na siya ng lola at magulang ko.

“Oo nga po eh. Mula nung gumraduate kami ni Hiro di na po ako nakadalaw.”

“Lola pasok muna kame.” Paalam ko sa lola ko. Dumeretso na kami sa kuwarto ko.

Naghubad na ako ng damit at nagbihis ng pambahay. Nakaupo lang si Jethro sa kama, tumitingin-tingin sa kabuuan ng kuwarto ko. Bigla siyang tumayo at lumapit sa pintuan.

“Nandito pa pala ‘to.” Wika niya habang hinahawakan ang likod ng pinto kung saan nakaguhit si Cyclops ng X-Men. “Hanggang ngayon pala hindi mo pa kinulayan.” Dugtong pa niya.

“Ah yan ba? Tinamad na ako eh.”

“Sayang naman.” Umupo siya, sinusuri ang mga guhit. “Kulayan mo, favorite nating dalawa yan diba? Gusto kong makitang may kulay na yan.”

“Pag sinipag ako, sige.”

Tinignan niya ang drawer sa ilalim ng aparador na luma. Sa lola ko ang aparador na yun. Dun naka-imbak ang mga lumang gamit niya. Binuksan ni Jethro ang drawer at kinuha ang isang chess board. “Pati pala ito nandito pa.” wika niya habang pinapagpag ang alikabok.

“Oo, di ko na ginamit yan. Pero kumpeto pa yan.” Sagot ko.

Tumingin siya sa akin at ngumiti. “Laro tayo.”

“Magbihis ka kaya muna ng pambahay?”

“Mamaya na.”

Inilapag niya ang chess board sa kama at inayos ang mga pieces. Kumuha siya ng dalawang pawn, isang puti, isang itim. Itinago muna niya sa likod niya tapos ay pinapili ako. Pinili ko ang kaliwa niyang kamao at nang buksan niya ito, puting pawn ang laman. “First move ka.” wika niya.

Una kong ginalaw ang pawn sa e4, siya naman ay inilagay ang pawn sa e5. Isinunod ko ang bishop sa b5 na ginantihan niya ng pawn sa c6.

“Tsk! Una pa lang angbantot na ng move mo.” Wika niyang natatawa.

“Nagwa-warm up pa lang.” sagot ko pero ang totoo’y napahiya ako kaya iniurong ko ang bishop sa a4.




“Checkmate!” nakangiti kong wika.

Tinignan mo itong mabuti. Lahat ng pwede mong ipang-counter ay tinignan mo pero wala ka nang magawa. Ngumiti ka at tumingin sa akin. “Galing mo talaga. Hindi talaga kita matalo sa larong ito.”

“Talo mo nga ako eh.” Sambit ko habang inaayos ang mga chess pieces.

“Ha? Paano?”

Tumingin ako sa mata mo. Ngumiti. “Captured mo ang puso ko eh.”

Kita kong kumislap ang mga mata mo sa tuwa. Tinabig mo ang chessboard na nakapagitan sa atin. Umusog ka palapit. “I love you.” Bulong mo sa akin. “I love you too.” Sagot ko. Unti-unti inilapit mo ang mukha mo. Palapit  ng palapit ang labi mo sa akin. Naramdaman ko nalang ang…




“Hoy! Tira mo na!” wika ni Jethro sabay tapik sa kamay ko. “Anu bang iniisip mo’t ngumunguso ka diyan?”

“Wala!” asar kong tugon at tumira na kahit di ko muna pinag-isipan ang galaw ko.

30 minutes na kaming naglalaro, 3 pawn, 1 rook at 1 bishop na ang hawak niyang white pieces samantalang ako ay 5 pawn, at 1 knight black pieces. Iginalaw niya ang queen niya sa c3 sabay sabing “Check!”

Napangiti ako. “Ikaw ang mabantot ang galaw eh.” Wika ko sabay kain sa queen niya gamit ang rook kong nakalagay sa c1.

“Checkmate.” Wika niya.

“Hindi naman eh!” protesta ko.

“Checkmate na eh.” Wika niya sabay galaw ng pawn sa a1, kinuha niya ang queen na kinain ko kanina at ipinalit sa pawn. “See?” dugtong pa niya. Bale ang promoted pawn na queen nga ngayon at ang rook sa h2 ang nag-checkmate sa akin.

“Daya.”

“Kinalimutan mo na ang mga tinuro ko sa’yo eh.” sabi niya habang itinatabi na ang mga chess pieces. “Minsan ay kailangan mong lumaban sa tukso. Maaaring sa una ay mukhang advantage saiyo ang mga bagay-bagay pero sa likod pala nun ay isa pala yung trap. Bago mo pa nalaman yun ay nagsisisi ka na dahil huli na ang lahat at wala ka ng magagawa.”

Napa-isip ako sa mga sinabi niya. Sinasabi ba niya yun para sa chess game o para sa totoong buhay? Napangiti ako.

“Ganyan. Dapat lagi kang nakangiti, yung totoong ngiti. Sabi nga ni Mother Theresa, “Every time you smile at someone, it is an action of love, a gift to that person, a beautiful thing.” Namiss ko ang ngiti mong yan.” Wika ni Jethro bago tumayo upang ibalik ang chess board sa drawer.




Nagbihis na siya matapos namin maglaro. Lumabas kami at nagpunta sa malapit na billiards hall. May videoke room din kasi dun. Nagbonding kami bilang opisyal na mag-best friends. Natutuwa ako, atleast naibalik na namin ang samahan namin nuon. Matapos nagkantahan ay umuwi na rin kami upang maghapunan. Tulad ng inaasahan ay malugod ang pagtanggap ng parents ko kay Jethro. Masaya kaming nagkuwentuhan na para bang bahagi ng pamilya ang best friend ko.

“Nag-enjoy ako. Ikaw ba?” tanong ni Jethro sa akin. Magkatabi kaming nakahiga sa kama ko. Kapwa shorts lang ang soot namin gawa ng di ako makatulog ng may suot. Siya naman, ewan ko lang, gaya-gaya siya eh.

“Nag-enjoy din ako. Parang bumalik ang panahon nung college pa tayo.” Sagot ko sa kanya.

Pikachu!

Biglang nag-beep ang cellphone ko. Mabilis akong tumayo upang kunin ang mga yun sa bulsa ng pantalon kong nakasabit sa likod ng pinto. Angdami na pala, halos buong araw di ko binasa ang mga text. Sa isang cellphone ko naman ay dalawa lang ang text, isa galing kay mama, tinatanong kung nasaan ako. Ang isa naman ay galing sa unregistered number. Bumalik ako sa kama, nahiga, bago binasa ang mga texts.

Puro galing kay Drew ang mga text. Kung kumain na daw ba ako, kung anong ginagawa ko, na ingat daw ako lagi dahil iniisip niya ako, kung nakauwi na daw ba ako, at kung anu-ano pang ‘sweet nothings’ kung tawagin. Tinext ko muna siya upang ipaalam kung bakit hindi ako agad nakareply. Hinabilin ko na din na sabihin na din sa mga chatmates namin sa LCW na di muna ako makakapag-chat upang bumawi ng tulog.

“I undrstand. Kwawa nman ang labs ko. Pahinga k mbuti. Love u.” huling text ni Drew bago ko inilapag ang cellphone upang yung isang cellphone naman ang atupagin ko.

“Hi. ^^,” ang tanging nakalagay sa message.

Anu ba yan, ayaw na ayaw ko ng ganyang text. Kung may sasabihin dapat sabihin nalang, hindi yung ganyan kaikli. Inis na wika ko sa isip ko. Di ko na sana rereplyan pero nagtataka ako kasi wala naman akong pinagbibigyan ng number kong ito maliban sa office at family ko lang. Baka galing sa office to kaya nireplyan ko na din.

“..hi… cnu po cla? d po kc regstered # m eh.”

“Kanina lang tau nghwlay nklimutan u na me.” Sagot nito.

“..cnu k po b?” muli kong tanong.

“Leonardo F. Samonte, 25, single n available, from sindalan. Standz 5’7” med build, i do bsketball, tennis, billiardz, I like jpanese n italian fudz, vid gmez and fantsy muviz. My fave color is aqua blue. I love dogs n i hate lizardz. U? ^^,”

Napakamot ako ng tainga sa reply niya. Sobra naman to, pangalan lang tinatanong ko ang sagot pang-slam book na.

“Sino yan?” Kanina pa pala ako pinagmamasdan ni Jethro.

“Si sir Samonte.” Sagot ko. Tumango lang ito at umayos ng higa.

Nag-type na ako sa phone ko upang replyan si sir. “..sir nardo kau pla, pnu m nkuha # q?”

“Nsa biodata mo nung nagintro k. Knuha ko kz knina. Ung tnong ko sgutin m, daya mo.”

“..nsa biodata q nman po info q db? Tgnan nio nlang po sir.”

“Wla dun likes at dislikes u e.” Aba’t, lakas trip talaga to. Gusto niya sumagot ako ng tulad ng slam book answers niya? Tsk!

“..wg npo sir…nkakahya.”

“Pg d m cngot ssbihin ko ky s3 ung gnwa mo sakin sa cr. ^^,”

Nalintikan na! Ipapatanggal ba ako nito? Tsk! “..black mail yn sir.”

“Col it watevr u want, I jst want 2 get 2 knw u bettr. ^^,”

Buntong hininga.

“..hiroki m. takahashi, 22, sngle, pampanga, 5’7”, slim, not sporty, likes italian n chinese foods, a gamer, fave color royal blue, I hate dogs but loves cats… ok npo b?”

“Bkit sa intro lettr at biodata u Bayani 1st nme u?” Para akong may sore eyes, nangati ang mata ko pgkabasa sa first name ko na sinabi niya. Nakaka-asar!

“..christian name q po un sir, peo originally hiroki name q.”

“Yani nlang ittwg ko sau frm nw on. ^^,” Ano daw? Talagang anglakas mang-asar nito!

“..hiro nlang sir, pls?”

“Ayaw :P Nardo kz twag u sakin eh. Antok na me, 2log na me yani ko, c u on thursday ^^,”

“..wlang gnyanan sir, hiro nlang po pls? ..d q npo kau ttwaging sir nardo.”

Naghintay ako pero wala na siyang reply. Nakakainis!

Tinignan ko si Jethro, kanina pa to walang imik. Tulog na kaya? May kapilyuhang pumasok sa isip ko. Tumagilid ako paharap sa kanya. Bumunot ako ng buhok ko sa ulo. Ginamit ko yun upang sundutin ang butas ng ilong niya. Kinamot niya ang ilong niya tapos ay huminga ng malalim. Todo pigil ako ng tawa. Muli, sinundot ko ang butas ng ilong niya, nagkamot siya. Inulit ko pa, nagkamot siya ulit. Angsakit na ng tiyan ko dahil sa pigil na pagtawa.

Muli kong sinundot ang ilong niya, ngunit iba ang naging reaksiyon niya. Bigla niya akong niyakap, mahigpit, idinantay pa niya ang hita niya sa hita ko. Gumalaw siya upang pumaibabaw sa akin.

“Pasaway ka, Hiro! Ngayon ako naman ang susundot sa’yo!” Wika niya na may nakakagagong ngiti.






Itutuloy…

8 comments:

  1. comic chapter! ang galing! lakas tawa talaga!

    napagkamalan pa niyang CALLBOY ang Boss niya.. BIGTIME LOL!

    hmmm Jethro ha wag masayadong sweet baka ma misinterpret ni Hiro.. o baka meron ka ngang nararamdaman sa kanya? aminin mo na kasi.. :)

    ayus ka txtm8 tong si Nardo ah.. kung makapag shortcut ng words wagas.. LOL

    :)

    ReplyDelete
  2. @--makki-- masaya ako at na-enjoy mo ang part na ito :) salamat po sa pagdalaw at sa pagbasa :)

    ReplyDelete
  3. Flirt with the boss, flirt like a boss! Wahahaha! Nag-backfire! Good luck HIro! Ang saya ng chapter na ito ah... Excited na ako dun sa "halusinasyon" niya kung anu bang linaw sa likod ng mga ito! 2 days wait p? :)

    Cheers!

    ReplyDelete
    Replies
    1. @Lyron haha uu nga, hrap ng pgbackfire ng mga galaw ntin ehe
      yep,pplitin q post part 6 w/in 2 days, d lng kc aq gumagmit ng pc eh x.x kya ejo hrap dn aq mgmaintain ng momentum pg naabala ng mga nkikigmit :/

      Delete
  4. @rue: walang anuman.. salamat din sa pagshare ng yung mga likha sa amin..

    ReplyDelete
  5. hiro..... ang haba ng hair mo.... pati bossing mo mukhang type ka nya.... hala ka at blackmail ang gagawin ni sir nardo mo.... wala kang kawala sa kanya.... teka muna mukhang may ibang gagawin s u si jethro... naks ha mmmmm....

    ramy from qatar

    ReplyDelete
  6. @--makki-- haha no problem po :)

    @ramy from qatar anu nga kayang gagawin ni jethro sa kanya? :3

    ReplyDelete
  7. no rush... willing maghintay! :)

    ReplyDelete