Hindi ako mapakali habang naglalakad sa corridor, kahawak ang kamay ng nililigawan kong si Cenia.
“Tara upo tayo dun.” Pag-aya niya sabay turo sa isa sa mga sheds sa garden ng school.
“Angtahimik mo naman ngayon. Nakakapanibago.” Komento niya nang makaupo na kami.
Katahimikan.
“May sasabihin sana ako.” sabay naming nasambit na bumasag sa katahimikang namamagitan sa’ming dalawa.
“S-sige mauna ka na.” tugon ko. Tumitig lang ako sa mga halamang nasa harapan namin.
“Uhm… Dito rin ako nakaupo nuong araw na mapansin kita. Erren, tatlong buwan ka na ring nanliligaw sa’kin no?”
Tango lang ang isinagot ko na ‘di pa rin nagtatapon ng tingin sa kaniya.
“Oo.” Sabi niya. Napatingin ako sa kaniya habang nakakunot ang nuo ko.
“Oo na, sinasagot na kita. Tayo na.”