Ragnarok Minstrel |
Hinawi ko ang kumot na bumabalot sa aking katawan. Bumangon ako mula sa kamang aking kinahihigaan. Isunuot ko ang mga damit kong nakakalat sa carpet ng sahig. Pinagmasdan ko ang lalaking natutulog sa kama, isang lalaking hindi ko kilala.
Buntong hininga.
Dinampot ko ang sobreng naglalaman ng pera na nakapatong sa side table. Isinilid iyon sa aking bag at tuluyan nang lumabas ng kuwartong iyon.
Heto ang buhay ko ngayon. Isang dakilang bayaran. Parausan ng mga taong naghahanap ng panandaliang kaligayahan. Sa lahat ng pinagdaanan ko, dito ako bumagsak. Nalugmok sa putikan.
Isang taon na rin ang nakakalipas mula nang una kong maranasan ang magbenta ng aliw. Si Dens, ang unang lalaking nagpamulat sa akin sa ganitong klaseng kalakaran.
Ba’t ngayon ka lang? Kanina ka pa dapat nakauwi ah?
Nakatulog ako.
Ang sabihin mo masyado kang nagpakasasa’t nagpakasarap.
Tinignan ko siya nang matalim. Hindi ko mapaniwalaang ganito kababa ang tingin niya sa’kin.
Oh bakit ganyan ka makatingin? Totoo naman ‘di ba?
Hindi nalang ako sumagot. Tumuloy na ako sa pagpasok sa banyo upang maligo. Narinig ko pa siyang magsalita bago ko tuluyang maisara ang pinto subalit hindi ko na lamang iyon pinansin. Wala ako sa mood na makipagtalo. Tumapat ako sa ilalim ng shower head at hinayaang dumaloy ang tubig sa aking buong katawan, umaasang anurin ng tubig ang dungis ng aking pagkatao.
Inalala ko ang lahat, ang lahat-lahat nang nangyari sa buhay ko. Nagtatanong kung bakit nagkaganito ako. Mula sa isang Jack of Spades, isang kabataang walang pakialam sa hinaharap, walang iniintindi kundi ang magpakasasa at magpakasaya, tinamaan ng sandamakmak na kamalasan at ngayo’y isa nang ulilang lubos na nagbebenta ng aliw upang mabuhay. Hanggang kailan ba ako maghihintay? Kailan ko ba talaga matatagpuan ang King of Diamonds na sinasabi ng hula? O darating pa nga ba siya?
Buntong hininga.
Nagpunta ako sa isang kilalang private university upang mag-enroll. Isang taon na rin akong lumiban sa pag-aaral dahil wala akong pantustos at dahil na rin sa mga nangyari. Ngayon ay may sapat na akong ipon upang makapag-aral. Ito ang unang hakbang na naisip ko upang makaahon sa putikang aking kinasasadlakan.
Tulad ng inaasahan, mahaba ang pila sa mga destinasyon sa tuwing enrollment. Init, ingay, nakakairita. Tyaga-tyaga lang kung baga. Natapos ko rin ang pag-eenroll nang alas-3 nang hapon. Gutom na gutom na ako nuon kung kaya naisipan kong kumain sa karinderya labas.
Nakapila ako nuon at aliw na aliw na tinitignan ang mga fighting fish na nakalagay sa isang vinegar jar. Nakakapagtaka dahil kilala ang mga fighting fish bilang mga aggressive na uri ng betta fish, yung tipong aawayin nila ang isa’t isa hanggang sa isa nalang ang matirang buhay, subalit heto’t peaceful silang nagsu-surface upang huminga.
Hindi ko maiwasang ikumpara ang sarili ko sa mga isdang ito. Ang mga pinagdaanan ko, kailan kaya ako malalagay sa payapang pamumuhay? Yung walang gulo, walang pahirap, walang pagdurusa.
Sir? Oorder po ba kayo? Magiliw na tanong ng isa sa mga serbirora na pumukaw sa aking malalim na pag-iisip. Ako na pala ang sunod sa pila.
Ah… Eh… Oo ate. Bigyan mo ‘ko ng isang order ng sinigang sa santol at dalawang kanin. Bigyan mo na din ako ng 12 oz. na softdrinks.
Agad naman niyang inihanda ang aking order sa isang tray. Binayaran ko ito at dinala na ang tray sa napili kong mesa na nasa pinakasulok ng kainan. Habang kumakain ay ‘di ko pa rin maiwasang maisip ang mga pinagdaraanan ko. Maraming katanungan sa isip ko na magpasahanggang ngayon ay hindi ko pa rin mahanapan ng kasagutan.
Naputol lang ang aking pag-iisip nang makarinig ako ng matining na tunog na para bang mababasag ang aking ear drums na talaga namang nagpangiwi sa’kin. Tunog iyon ng feedback ng mikropono sa videoke machine sa katapat na kainan. Ilang sandali pa’y tumigil na rin ang nakaririmarim na tunog. Malamang ay pinatay nila ang mikropono.
Nagpatuloy ako sa pagkain lalu pa’t ramdam ko ang panginginig ng katawan ko dahil sa gutom. Halos hindi ko na malasahan ang kinakain ko dahil hindi ko na nga iyon halos nginunguya, lunok kaagad upang matanggal ang pangangasim ng aking sikmura. Kung titignan ay daig ko pa ang construction worker kung kumain sa mga sandaling iyon.
Mapatigil ako sa paglamon nang muli akong makarinig ng tunog mula sa kabilang kainan. Ngunit ‘di tulad kanina na isang nakaririmarim na ingay ang aking narinig, ngayon ay isa namang tugtog na ang aking narinig.
When you have no light to guide you
And no one to walk to walk beside you
I will come to you
Oh I will come to you
When the night is dark and stormy
You won't have to reach out for me
I will come to you
Oh I will come to you
Sometimes when all your dreams may have seen better days
When you don't know how or why, but you've lost your way
Have no fear when your tears are fallin'
I will hear your spirit callin'
And I swear I'll be there come what may
When you have no light to guide you
And no one to walk beside you
I will come to you
Oh I will come to you
When the night is dark and stormy
You won't have to reach out for me
I will come to you
Oh I will come to you
I will come to you
'Cause even if we can't be together
We'll be friends now and forever
And I swear that I'll be there come what may
When the night is dark and stormy
You won't have to reach out for me
I will come to you
Oh I will come to you
We all need somebody we can turn to
Someone who'll always understand
So if you feel that your soul is dyin'
And you need the strength to keep tryin'
I'll reach out and take your hand
I'll reach out and take your hand
Oh I will come to you
When you have no light to guide you
And no one to walk to walk beside you
I will come to you
Oh I will come to you
When the night is dark and stormy
You won't have to reach out for me
I will come to you
Oh I will come to you
Oh I will come to you…
Oh I will come to you…
I will come to you,
Oh I will come to you…
And no one to walk to walk beside you
I will come to you
Oh I will come to you
When the night is dark and stormy
You won't have to reach out for me
I will come to you
Oh I will come to you
Sometimes when all your dreams may have seen better days
When you don't know how or why, but you've lost your way
Have no fear when your tears are fallin'
I will hear your spirit callin'
And I swear I'll be there come what may
When you have no light to guide you
And no one to walk beside you
I will come to you
Oh I will come to you
When the night is dark and stormy
You won't have to reach out for me
I will come to you
Oh I will come to you
I will come to you
'Cause even if we can't be together
We'll be friends now and forever
And I swear that I'll be there come what may
When the night is dark and stormy
You won't have to reach out for me
I will come to you
Oh I will come to you
We all need somebody we can turn to
Someone who'll always understand
So if you feel that your soul is dyin'
And you need the strength to keep tryin'
I'll reach out and take your hand
I'll reach out and take your hand
Oh I will come to you
When you have no light to guide you
And no one to walk to walk beside you
I will come to you
Oh I will come to you
When the night is dark and stormy
You won't have to reach out for me
I will come to you
Oh I will come to you
Oh I will come to you…
Oh I will come to you…
I will come to you,
Oh I will come to you…
Masyado akong nawili sa mensahe ng kanta at sa magandang tinig ng lalaking umawit nito na hindi ko na napansing napuno na ng langaw ang aking kinakain. Magkaganuon pa man ay hindi ako nakaramdam ng inis sa nangyari, bagkus ay natuwa pa ako dahil sa kantang aking narinig. Para bang pinaaalala nito ang hula ni lola Victoria, na marami ang kamalasang darating sa aking buhay subalit may King of Diamonds na darating at sasagip sa akin. Napangiti ako.
Umuwi ako ng bahay na aking tinutuluyan na may ngiti sa aking mga labi. Panibagong pag-asa ang nararamdaman ko. Alam ko, matatapos din ang lahat nang ito, matatapos din ang lahat ng pahirap, makakaahon din ako sa lusak na aking kinasasadlakan.
Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin di Denz na nakaupo sa sofa. Magkakrus ang kaniyang mga kamay at halatang wala sa mood.
Bakit angtagal mo? Kaninang umaga ka pa umalis ah?!
Mahaba ang pila eh, ano’ng magagawa ko?
Mahaba ang pila o rumaket ka na naman nang hindi ko nalalaman?
Napailing nalang ako. Hindi ako makapaniwalang ganito ang iniisip nito sa’kin. Napakalaking pagkakamali ang pagsama ko sa kaniya nuon sa pag-aakalang siya ang isinasaad sa hula, inakala kong siya ang King of Diamonds, subalit ito pala ang lalung magtutulak sa’kin sa kumunoy.
Napailing nalang ako. Hindi ako makapaniwalang ganito ang iniisip nito sa’kin. Napakalaking pagkakamali ang pagsama ko sa kaniya nuon sa pag-aakalang siya ang isinasaad sa hula, inakala kong siya ang King of Diamonds, subalit ito pala ang lalung magtutulak sa’kin sa kumunoy.
“Oh hayan, booking.” Sabay abot nito ng pera at isang papel na kung saan nakasulat ang pangalan at numero ng hotel.
Ayoko. Pagod ako.
So inamin mo din na rumaket ka nga!
Hindi nga ako rumaket! Hindi ba pwedeng mapagod sa pag-eenroll?!
Basta puntahan mo yan! Malaki ang ibinayad niyan kaya hindi pwedeng hindi mo yan puntahan!
At tumalikod na nga ito at dumeretso sa kaniyang kuwarto. Napabuntong hininga na lamang ako dala nang wala akong magawa. Nilunok ko na lamang lahat ng natitirang kahihiyan sa balat ko’t tumungo sa hotel na nakasaad sa papel at muli, ipinaubaya ko ang aking katawan sa isang estrangherong ni pangalan ay hindi ko alam.
Hindi nga ako rumaket! Hindi ba pwedeng mapagod sa pag-eenroll?!
Basta puntahan mo yan! Malaki ang ibinayad niyan kaya hindi pwedeng hindi mo yan puntahan!
At tumalikod na nga ito at dumeretso sa kaniyang kuwarto. Napabuntong hininga na lamang ako dala nang wala akong magawa. Nilunok ko na lamang lahat ng natitirang kahihiyan sa balat ko’t tumungo sa hotel na nakasaad sa papel at muli, ipinaubaya ko ang aking katawan sa isang estrangherong ni pangalan ay hindi ko alam.
Unang araw nang eskuwela. Kinakabahan ako. May takot sa aking kaloob-looban dahil baka may nakakakilala sa akin sa mga nagtatrabaho o nag-aaral dito subalit mat tuwa rin akong nararamdaman dahil muli na akong makakapag-aral. Para sa’kin ito ay ang unang hakbang upang makaahon sa kinalulugmukan ko.
Nakaupo ako sa room sa unang subject ko. Medyo napaaga ako dahil na rin sa excitement at iilang estudyante pa lang ang naroroon. Awkward ang lahat, tahimik. Ngunit mas awkward ang mga tingin na ibinabato sa’kin ng mga mag-aaral na kasama ko sa silid. Hindi ko alam kung hinahangaan ba nila ako o kinukutya sa mga tingin nila. Alam kaya nila ang trabaho ko? Nagpasya akong lumabas muna’t tumambay sa hallway dahil hindi ko matagalan ang mga tingin nila.
Sa corridor, marami ang mga tulad kong nag-iisa lang at naghihintay, ngunit marami rin ang may mga kasama’t masayang nagkukuwentuhan. Umupo ako sa mga railings at pinagmasdan ang mga dumadaan.
Napukaw ang atensyon ko ng isang lalaking sumisipol. Isinisipol niya ang kantang aking narinig nuong enrollment. Pinagmasdan ko siya, semi-flat top ang buhok na pinatayo ng gel, katamtamang kapal ang kilay, medyo matangos ang ilong sa karaniwan, pinkish na labi, maputi at slim ang build ng katawan na bumagay sa suot niyang puting polo at itim na slacks habang may hawak na T-square. Nakikilala ko siya, siya yung kumanta nuon.
Napansin niyang nakatingin ako sa kaniya, nginitian niya ako’t tinanguan. Lumapot siya sa’kin at umupo sa tabi ko.
“Dre, arki?” Tanong niya.
Ahh oo, kaw ba?
Iniangat niya ang tangang T-square. “‘Di ba obvious?” Sagot niya sabay tawa. Nakitawa na rin ako.
“Martin nga pala dre.” Sabay abot ng kamay niya.
Kinamayan ko siya’t nagpakilala. “Stephen.”
Ito ang unang pagtatapo namin ng naging matalik na matalik kong kaibigan. Tulad ng inaasahan, matanda ako sa kaniya ng isang taon kung kaya minsan ay inaasar ako niyan sa pamamagitan ng pagtawag sa’kin ng Kuya. Sa loob ng limang buwan ay lagi kaming magkasama’t hindi kami maipaghiwalay basta nasa loob ng university, subalit kapag nasa labas na’y ako na mismo ang lumalayo. Kapag inaaya niya akong gumimik ay tumatanggi ako sa takot na baka may makakilala sa’kin habang kasama ko siya. Natatakot ako na baka malaman niya ang itinatago kong sikreto’t layuan niya ako’t pandirihan. Siya lamang ang naging totoong kaibigan ko’t ayokong pati siya’y mawala tulad ng pagkawala nina mommy at lola.
Pagkatapos ng unang semester ay inaya ako ni Martin na magbakasyon muna sa kanila para hindi ako mainip habang bakasyon, para na rin makatipid sa renta. Ang alam kasi niya at lagi kong sinasabi’y mag-isa lang akong nangungupahan. Naisip kong maganda ngang manirahan ako sa kanila subalit naisip kong hindi papayag si Denz, hahanapin at hahanapin ako nuon, baka mag-eskandalo pa iyon, mahirap na. Kaya tumanggi ako sa alok ni Martin na dahilan naman upang lumabo ang mukha niya. Marahil ay hindi niya inaasahan ang pagtanggi ko.
Isang gabi, tulad ng nakagawin sa tuwing walang “booking”, tumatambay ako sa patio upang mag-abang ng mga taong nangangailangan ng serbisyo ko, ito ang patio kung saan ako nahanap ni Denz. Dito ko nalaman na ang mga tao palang maporma na inaakala ko nuon na pupunta ng party ay mga bayaran pala, at kabilan na ako sa mga iyon.
Tumayo ako sa poste ng ilaw upang madali akong makita ng mga naghahanap ng panandaliang aliw nang biglang may dumaang sasakyan sa harap ko. Nilapitan ko iyon ay tinuktok ang bintana. Pinagbuksan naman ako nito.
“Boss, isang libo lang all the way ako.” alok ko sa driver. Guwapo ito, matipuno, artistahin ba, ‘di bagay maging driver lang. Kaya lang ay magkasalubong ang kilay na parang galit. Bigla siyang lumingon sa likuran kaya napatingin na rin ako. Duon ay nakita ko si Martin, madilim ang mukha’t matalim ang titig sa’kin.
“Tara na kuya.” Utos niya sa nagmamaneho. Tumingin naman ang driver sa’kin at umiling bago isinara ang bintana’t tuluyan nang pinaharurot ang sasakyan.
Naiwan akong napako sa kinatatayuan ko, tulala, hindi makapaniwalang mabibisto ako ni Martin. Unti-unting bumalot ang pag-aalala at takot sa aking buong pagkatao. Bigla-biglang bumalik ang naramdaman ko nuong unang ginalaw ako ni Denz, ang matinding pandidiri sa sarili.
Itutuloy…
naks! nakapagsusulat na ang mokong! Sa wakas at nadugtungan na.. :D
ReplyDeletesana mag.update ka na po author.. great story... thanks
ReplyDeletetpucn q lang po to tpos ung the sorcerer na :)
Deletecge ha.. cant wait for the update na.. impatient me... wahahahaha... thanks and love from Tyra ;)
ReplyDeletelawfer, my crush, di na ako makapag-intay.. hahaha.. every hour ko na lang iniopen blog mo.. hehehehehe...
ReplyDeletesenxa na d pa q nkakapagsulat :/
Deleteok lang.. take ur time po, i know ur busy pa.. hehe.. go go go crush
ReplyDelete