Nasa Crossing na ako't nag-aabang ng bus papuntang Monumento nang makaramdam ng gutom. So ano pa nga ba ang gagawin kundi ang kumain 'di ba?
Pumunta ako ng Megamall. Gusto ko ng 2-piece Burger Steak ng Jollibee kaso pagdating ko duon... Mahaba na naman ang pila. Hays, ayaw na ayaw kong pumipila kaya wala na akong choice kundi humanap ng ibang makakainan. Pangalawa sa Jollibee, Greenwich ang lagi kong pinupuntahan.
Umorder ako ng hawaiian pizza, lasagna at large sprite. Umupo ako sa pinakasulok, nakatalikod sa madla. Weird? Naah... Ayoko lang ng kumakain ako nang may nakatingin sa'kin.
Kasalukuyan kong ineenjoy ang kinakain ko nang biglang may tumabi sa'kinng lalaki. Hindi ko iyon pinansin. Ilang sandali pa, nagulat ako nang kunin nito ang garlic bread ko. Napatingin ko dito. Mestiso, gwapo, pero ang nakapukaw ng pansin ko sa pagmumukha niya ang ang makapal na kilay niya na may marka. Malamang sa malamang ay nagsuot ito ng hikaw sa kilay nuon. Cute na astig kung ako ang tatanungin dahil gusto ko din ng ganuon nuon.
"Mukha kasing malungkot ka kaya sinamahan na kita." sabi niya kabang nginunguya ang garlic bread ko gayung mayroon din naman siya sa plato niya. Naaasar ako pero ayoko namang tumulad sa kabastusan niya kaya 'di na ako sumagot pa, ikinunot ko lang ang nuo ko at muling binaling ang pansin ko sa kinakain ko.
Pakiramdam ko nakatingin pa din siya sa'kin pero hindi ko siya hinarap. Pakealam ko ba. Basta wag lang niyang pagdidiskitahan ang bag ko kung nasaan ang wallet ko, walang problema. Magpakasawa siya sa kakatingin.
Nagulat nalang ako nang iniharang niya ang kamay niya sa kinakain ko't nagsabing, "I'm Marcus."
Parang may batingting akong narinig.
"Heard a toll?" tanong nitong nakangiti.
Umiling lang ako't nakipagkamay na din. Tulad ng sabi ko, ayoko lang maging bastos. "Rue." simpleng sagot ko't bumitaw na upang ipagpatuloy ang pagkain.
"Threads of Fate?"
Napatingin ako sa kaniya. "Y-yeah. Nilaro mo yun?" Parang nabuhay na naman ang gamer side ko dahil may kausap akong naglaro ng isang larong naging favorite ko.
"Yup! One of the best platform RPG's ever! Pero mas gusto ko yung side ni Mint. Nakakatawa kasi."
"Gusto mo pala ng comic relief."
"Yup! Hindi naman kailangang seryosohin ang lahat ng bagay eh." nakangiti nitong sagot.
"Nakakatawa nga siya pero mahirap gamitin si Mint. 'Di ako sanay na cast and run sa isang 3D game."
"Hack and slash type ka pala. So... marami kang personality at seryoso ka sa buhay?"
At duon nag-umpisa ang pag-uusap namin. Angdami naming pinag-usapan tungkol sa mga larong nalaro na namin sa PS1. Hindi ako makapaniwalang madaling napalabas ng taong 'to ang kadaldalan ko kahit sa first meeting pa lang at wala pang isang oras kami magkausap. Kadalasan kasi tahimik lang ako't inaabot ng lingo bago ako maging kumportable sa isang tao.
Habang naglalakad kami, umakbay ito sa'kin na sadyang ikinairita ko. Hindi ko nalang ipinahalata sa kaniya. Sa tuwing umaakbay siya ay kunwaring may nakita akong interesante sa isang stall at mabilis na kumakawala sa kaniya. Susunod naman siya upang makitingin na rin.
Sa isa sa mga stalls, habang tumitingin ako sa panindang lighter (opo smoker ako -_-), nagulat ako nang hindi na akbay ang ginawa nito, bagkus ay hinawakan niya ang kamay ko't isiniksik ang mga daliri niya sa pagitan ng mga daliri ko. Kinabahan ako. Naramdaman ko ang pamamasa ng palad ko. Nakaramdam ulit ako ng takot... Takot na walang dahilan... takot na katulad na katulad ng naramdaman ko nuong minsang gumising ako sa isang halik at sinalubong ako ng isang tanong, "Mag-ano na tayo?"
Bigla akong kumawala sa pagkakahawak niya. Bakas sa mukha niya ang pagtataka. Natatakot na talaga ako, mabuti nalang at may narinig akong isang boses.
"Bebe Rue!"
Nilingon ko ang pinanggalingan ng sigaw. Napangiti ako nang makita ko si Rachel na papalapit.
"Bebe Ace!" sigaw ko't sinalubong ko siya't niyakap sabay tuka sa labi niya.Tinampal naman niya ako't tumawa.
"Chansing!" sabi niya.
Humarap ako kay Marcus, "Marc, this is Ace. Ace, si Marcus." pagpapakilala ko sa kanila habang kawak ko ang kamay ni Ace. Sinadya kong itaas ang kamay ko upang mapansin ni Marcus ang singsing ko.
Nagkamayan naman silang dalawa at hinila ko agad ang kamay ni Ace. "Pare una na kami." paalam ko kay Marcus at inakbayan si Ace palayo.
"Weird mo ngayon, bebe." sabi ni Ace habang naglalakad kami.
"What's new?" sagot ko naman dito at ngumisi. Umiling lang si Ace.
"'Di ka pa ba uuwi?" tanong ni Ace.
"Pauwi na rin niyan."
"Saan ka ba sasakay?"
"Monumento."
"Layo naman."
"Dun lang kasi may bus deretso sa'min. Kaw ba san ka sasakay?"
"Cubao lang. So pa'no bebe, una na 'ko. Text text nalang."
"Wala akong load!" sigaw ko sa malayo-layo nang si Ace.
Pumihit ito paharap habang naglalakad paurong. "What's new?!" sagot naman niya't muling pumihit at dumeretso ng lakad palabas ng mall. Napatawa ako sa inasal niya.
Naglakad pa ako para magtungo sa department store. Dumeretso ako ng Children's Accessories Department. Nakatuwad ako duon habang tinitignan ang mga display at may isang clerk na nakatabi sa'kin, sales talk ng sales talk na sinasagot ko lang ng tango para hindi mapahiya.
Sa likod ng mga display, may nakita akong kahon. Nag-iisa lang ito, marahil ay sinadyang itago ng isa sa mga clerk yun duon upang i-reserve. Gawain ko rin yun nuong nagtatrabaho ako sa ibang branch ng SM, same department.
Kinuha ko ang kahon at dumeretso sa kahera upang bayaran. Paglabas ko ng mall ay inilabas ko na rin ang binili ko, tinapon ang plastic at kahon, hinawakan ang key chain at tinitigan ko.
"Hello there, Marcus."
naks! nice encounter with Marcus! ayiiiee!
ReplyDeleteweird kaya... ms weird pa skin :))
Deleteauthor.. mya tanong ako.. naguguluhan kasi ako eh.. sorry hndi ko alam kung san ipopost tong tanong ko huh hehe..yung tanong ko.. bakit ba may galit si jayson maliwat junior kay hiro?
ReplyDeletebtw ganda ng mga kwento mo.. so inspiring.. kapampangan ka noh? sobrang nakarelate ako sa mga places na nabanggit kahit hndi nmn ako taga pampanga..
sana may mga bago ka pang series.. more powers sayo., idol!!
uhm, c jayson po ay glit ky hiro dhl pnaglaruan dn ni hiro ang damdamin nia nuon kya gnun...
Deleteopo d2 sa pampanga ung setting ng kwento at opo kapampangan aq... salamat sa pgtangkilik :)
rue, ang cute nito... ;)
ReplyDeletesalamat :)
Deletereal encounter yn weh xD
so lawfer.. wer is marcus now??
ReplyDeleted q lam lol 1st and last meet nmin un :))
Deletekayo pa rin ba ng gf mo crush??
ReplyDeletendi na, 1 year na kming wla :o
Deleteat crush tlaga? LOL
sayang naman..oo crush talaga.. hahahaha... weird mo kasi...
ReplyDeletelol crush m mga weird? :))
Deleteopo.. crush ko mga weird.. hahahaha... crush crush crush
ReplyDelete