Showing posts with label Lawfer's Thoughts. Show all posts
Showing posts with label Lawfer's Thoughts. Show all posts

May 20, 2012

Her Solo


a friend asked for her main FB account coz he can't find it in the FB search bar... so i did the searching.
when i saw her profile, her cover photo struck me x_x
my Gawd, i'm proud of her... i would like to congratulate her in her solo performance but i just can't have the guts after what had happened before x_x
and she still used the violin she named after me... *sigh*

Apr 4, 2012

Ganito pala ang iniisip nila!!! /omg
Kailangan ko palang mag-ingat kay Posie /e5

Apr 2, 2012

Mar 29, 2012

Announcement

Tinanggal ko na po muna ang "Will You Wait For Me?" panandalian at i-rerepost ko ang bawat parts kasabay ng posting sa blog ni Zephiel.
Ang dahilan po ay upang maging fair kay zeph/zild/ampalaya, ayokong "phishing" ang kalabasan ng pagpost ko dun samantalang mababasa nila dito nang buo... Pwede kasing i-google para hanapin ang mga karugtong, kaya itinago ko muna. Isa pa, alam naman ng mga nakabasa na na minadali ko ang mga huling parts ng kwento dahil nais kong ipabaon sa kaibigan nating si Lyron ang ending ng kwento, kung kaya mula sa originally planned 15 parts ay naging 13 nalang... gusto ko siyang i-modify para hindi maging bitin... un ay kung sinipag ako hahaha
/heh

Mar 16, 2012

Jan 30, 2012

Max's Love Letter

Ever since I saw this video the first time, it captured my heart in an instant. I posted this on my facebook wall twice, now here. I'm sure you'll be touched as well. :)



How tired I am of this unbearable distance between us.
How I long for the toll of the recess bell.
Have you forgotten me?
Grown mindless of me?
Tell me I am not writing into an abyss
Or that is what will become of my heart.

Dec 27, 2011

Hmmm?

Habang umiinom ako ng tubig, napatingin ako sa tray na lagayan namin ng sibuyas. Pagtingin ko ay may napansin akong green na bagay. Akala ko ay bubble gum na idinikit ng mga pamangkin ko kaya tatanggalin ko sana. Nung malapit na ang kamay ko ay bigla itong gumalaw. Syempre nagulat ako. Tinignan kong mabuti at napansing isa itong insekto. Ngayon ko lang nakita ang insektong yun kaya tinanong ko kay mama kung anong insekto ba yun, d daw nya alam kaya tinawag nya si papa, di din alam ni papa. Tinanong ko din kay lola pero di din nya alam. Kayo, alam nyo ba kung anong insekto ito?

Dec 26, 2011

Safe New Year :3

December 2010:

DOH: Delikado po ang mga paputok. Maaari tayong maputukan, bukod pa sa maraming natetetano sa mga nasasabugan.

Reporter: Ano po ang maisa-suggest nyo?

DOH: Torotot! Manorotot nalang tayo!


December 2011:

DOH: Delikado po ang torotot! Maaaring malunok ng mga bata ang pito sa torotot!

Reporter: Ano po ang mas safe na gamitin?

DOH: Pwede ang mga sirang kaserola, kaldero, palanggana. Iyon nalang po ang pukpukin natin sa bagong taon!


December 2012:

DOH: Delikado po ang mga kaserola at iba pang lumang bagay na ginagamit para mag-ingay. Maaari po tayong matetano sa kalawang ng mga ito!

Reporter: Ano po ang gagawin natin sa pagsalubong sa bagong taon?

DOH: Magtitigan nalang po tayo! Safe na safe!


December 2013:

DOH: Delikado po ang mag-titigan sa bagong taon! Baka pagkamalan tayong mga balew!

Reporter: *sigh* Ano nalang po ang gagawin natin sa bagong taon?

DOH: Magsitulog nalang tayo!

Dec 8, 2011

Nov 23, 2011

True Love

Isa sa mga friends so sa FB ang nagpos ng isang larawan na pumukaw ng aking pansin.


Nakakaawa, nakaka-touch, subalit nung una'y inisip ko na baka edited lang ito tulad ng ibang kumakalat na pictures, na isa lang ito sa mga chain wall posts sa FB kung kaya hindi ko nalang ito pinost o shinare.

Kagabi, habang nanonood si papa ng news at ako nama'y naglalaro sa pc, narinig ko ang isang balita tungkol sa matandang naghahanap sa kaniyang nawawalang asawa. Mabilis kong iniwan ang pc at pinanood ang news.


'Di ko napigilang mamuo ang mga luha sa aking mata sa napanuod ko. 'Di ko mapigilang mainggit. Sana ay makahanap ako ng taong magmamahal sa akin, tulad ng pagmamahal ng matandang babae sa kaniyang asawa. Sa kabila ng katandaan ay sariwa pa rin ang pagmamahalan ng dalawa.

Sep 23, 2011

To Stare or Not to Stare?

Habit ko na ang tumitig mula pa pagkabata. Madali kasing mawala ang focus ko so ang paraan para sakin para magfocus eh tumingin sa nagsasalita. Hanggang ngayon na adult na ako (wag na magtanong ng age :P) eh nadala ko na yun. Minsan may kaibigan akong nagtanong tungkol dito. Si Fao, habang nasa bahay nila ako (at nilalantakan ko chocolate chip cookies nya :D), tinanong nya “Anghilig mong tumitig no?” Sinagot ko naman siya ng “Habit ko na kasi yun.” Na kinontra naman niya ng “Don’t you know it’s rude to stare?” na sinagot ko naman ng “Is it rude to listen? Is it rude to think? Is it rude to appreciate something or someone who looks nice?”

“Ano bang iniisip mo pag nakatitig ka?” tanong ni Fao.

“Wala, minsan kung ano lang, kadalasan hindi naman yung taong tinititigan ko ang iniisip ko, nagkataon lang na sakanya ako napatitig.” sagot ko naman.

“Alam mo, alisin mo yan. Ikapapahamak mo yang pagtitig mo.” payo pa nya.

Hindi ko yun binigyan ng pansin. Wala akong pakealam sa iba, basta ako walang ginagawa o iniisip na masama pag nakatitig ako. Tulad ng sabi ko, pag nakatitig ako eh either nag-iisip ako, or nakikinig ako, or naapreciate ko ung ganda ng bagay-bagay.

Minan habang nasa training, may nilaro kami at ang matatalo each round eh tinatanong. May isang wavemate namin na bakla (sorry limot ko name nya) ang tinanong ng “Paano mo malalaman na game ang isang lalake?” at sinagot naman nya ng “Pag nakipagtitigan sya sakin.”

Nagpoprotesta ang utak ko pagkarinig ko nun. “Hindi totoo yun!” sigaw ko sa isip ko lang. Dun ko naalala yung sinabi ni Fao, ganun ba yung ibig sabihin ni Fao na ikapapahamak ko? Simula nun sinubuka kong huwag ng tumitig, although minsan unaware ako na nakatitig na naman pala ako sa isang tao.

Kamakailan lang may lumapit sakin at nagtanong “Crush moko no?” Huh? Di ko naman siya kilala eh, what made her think na may crush ako sa kania? So sinagot ko, “Hindi. Bakit mo po natanong?” and she answered “Iwas tingin ka kasi, para kang high school na iwas tingin sa crush.”

Hanu ba?! Pag tumitig ako game daw ako? Pag di ako tumitig crush ko daw cla? So anu ba talaga ang dapat? To stare or not to stare? Anggulo nila >_>