To my ever so dearest and lovable DJ Mysterio,
Kamusta ka
na? Ang tagal nating hindi nagkita ah. Yung inaanak mo malaki na, dami mo nang
utang dun. Si mare kamusta? Hello din sa mga tagapakinig mo lalung-lalu na sa
mga laging naka-mute. Hello sa inyo kung naririnig nyo. Hello din sa mga
sponsors ko, Reebok for my shoes, Bench for my scent, Hang Ten for my shirt at
Thermos for my mug. Nakakalurkey!
Alam mo DJ Mysterio napabilib mo ako nang lantaran mong ibinuyangyang ang kapa mong
punung-puno ng gumamela’t santan nung isang gabi. Saludo ako sa tapang at lakas
ng loob mong ipahayag sa lahat kung ano ka. Nagsilbi kang inspirasyon, isang
sandigan, isang alamat. Bow! Yan ang dahilan kung bakit ako napa-liham sa’yo
ngayon. Or should I say nung isang araw pa dahil sa mga oras na sinusulat ko
ito’y alam ko sa puso’t diwa hanggang kaluluwa na ilang araw o linggo na ang
dadaan bago mo ito basahin. Pero at least binabasa mo ito ngayon.
Nais ko
lamang na ibagahi sa’yo ang isang piraso, bahagi, part, fragment, or whatever
you want to call it, ng aking nakaraan. Isang madilim na nakaraan kasi
naputulan kami ng kuryente. Pautang naman para pambayad, parang awa mo na.
Anyway,
anyhow, anywho, Manila Zoo. Ang kuwentong ito ay iikot sa tatlong tao. Syempre
ako ang bida, alangan namang ikaw? Susyal ka!
Ako nga pala si Harry, itago mo nalang ako sa pangalang Adonis. May dalawa akong kaibigan at kababata na sina Sergio na tawagin nalang nating Pulgoso, at si Angel na ikubli natin sa pangalang Unggoy. Huwag mong sasabihin ang mga pangalan namin upang itago ang tunay naming katauhan at protektahan ang aming identity. Yung mga nick names lang ang sabihin mo ha? Kundi hahambalusin kita!
Nakatayo ako nuon sa harap ng simbahan, nakatingala at pinagmamasdan ang dalawang butiking naglalampungan at naghahabulan sa kisame. Imagine, of all places sa simbahan pa?! Tsk!
Anyway nevermind the butiki.
Ako nga pala si Harry, itago mo nalang ako sa pangalang Adonis. May dalawa akong kaibigan at kababata na sina Sergio na tawagin nalang nating Pulgoso, at si Angel na ikubli natin sa pangalang Unggoy. Huwag mong sasabihin ang mga pangalan namin upang itago ang tunay naming katauhan at protektahan ang aming identity. Yung mga nick names lang ang sabihin mo ha? Kundi hahambalusin kita!
Nakatayo ako nuon sa harap ng simbahan, nakatingala at pinagmamasdan ang dalawang butiking naglalampungan at naghahabulan sa kisame. Imagine, of all places sa simbahan pa?! Tsk!
Anyway nevermind the butiki.
Pinakikinggan
ko nuon ang kalembang ng mga kampana sa kampanilya. Kumakalembang upang ipaalam
sa lahat ang magaganap na misa. Ang tunog ng mga kampanang ito’y tila ba
ibinabalik ako sa nakaraan. Nakaraang punong puno ng ala-ala nuong musmos pa
ako, kami nina Pulgoso at Unggoy…
Sound
Efects.
Nakalambitin ako nuon sa isang lubid sa kampanilya, tuwang tuwa akong patalon-talon, dahilan upang tumunog ang malaking kampana na nasa dulo ng lubid na pinaglalambitinan ko. Tuwang tuwa kami nina Unggoy at Pulgoso nun. Tawanan, halakhakan, kasabay ng tunog ng kampana. Duon kasi kami madalas maglaro sa tuwing tanghali paglabas namin ng eskuwela.
Nakalambitin ako nuon sa isang lubid sa kampanilya, tuwang tuwa akong patalon-talon, dahilan upang tumunog ang malaking kampana na nasa dulo ng lubid na pinaglalambitinan ko. Tuwang tuwa kami nina Unggoy at Pulgoso nun. Tawanan, halakhakan, kasabay ng tunog ng kampana. Duon kasi kami madalas maglaro sa tuwing tanghali paglabas namin ng eskuwela.
Naputol na
lamang ang aking paglalambitin nang bigla na lamang tumakbo palabas ang dalawa
kong kaibigan. Paglingon ko sa aking likuran ay nakita ko ang nanlilisik na
mata ng kalbong matandang sakristan. Nahintakutan ako. Tatakbo na sana ako nuon subalit nahawakan
niya ako sa kamay sabay tulak sa akin sa sulok. Dahan dahan siyang naglakad
papalapit habang ako nama’y walang nagawa kundi humalikipkip at mamaluktot sa
takot. Kitang kita ko ang nag-aapoy na pagnanasa sa mata ng sakristan habang
dahan-hadan niyang hinuhubad ang kaniyang sinturon. Momolestyahin niya ang
fresh na fresh at musmos kong katawan!
Joke lang!
Joke lang!
Hinampas
lang niya ako ng sinturon sa paa sabay bulyaw sa’kin upang lumayas sa
kampanaryo. Ang sakit kaya! Kaya siguro nakalbo yung matandang sakristan na yun
dahil sinabunutan siya ng mga naunang mga batang naglaro dun sa kampanaryo na
hinataw din niya ng sinturon. Buti nga sa kanya!
Paglabas ko
ng kampanaryo ay nakita ko agad sina Pulgoso at Unggoy na alalang-alala sa
akin. Tinanong nila kung napalo ba ako. Sabi ko’y oo pero hindi naman masakit
upang ipakitang strong ako. Pero ang totoo’y sobrang hapdi nun! Maluha-luha man
ay pinilit kong huwag umiyak.
Si Pulgoso
ang best friend ko. Si Unggoy naman ang crush na crush ko nun. Kaming tatlo ang
laging magkasama kahit ayaw ni Pulgoso na kasama si Angel ay pilit ko pa ring
isinasama kasi nga crush ko eh. So hayun. Sinabi ko lang para alam niyo. Ilang
taon ang lumipas ay magkakasama pa din kami hanggang sa mag-college na kami…
Sound effects. Time-Space warp nayon din!
Nag-iinuman kaming dalawa ni Pulgoso nun sa kaniyang kuwarto. Masamang masama ang loob ko sa mga panahong iyon DJ Mysterio. Binasted na naman kasi ako ni Unggoy for the “nth” time. Ok lang sana kaso ang ikinasakit ng damdamin ko ay may boyfriend na pala siya. Napakasakit DJ Mysterio. Pero mas masakit pa din yung hataw ng kalbong sakristan. Di ko pa din makalimutan, grrrrrr!
Pilit na
pinagaan ni Pulgoso ang loob ko. Hala sige inom hanggang sa napapansin ko na
lamang na tila ba may himalang nangyari. Ang kaibigan kong si Pulgoso na
madaling malasing ay ok na ok pa samantalang ako ay naka-3 SMB Light pa lang ay
umiikot na ang paningin ko hanggang sa ma-knock out ako ng tuluyan.
Nagising na
lamang ako DJ Mysterio na nagpapakasasa si Pulgoso sa aking katawan. Pinilit
kong pumiglas subalit tila ba wala akong lakas upang i-angat man lang ang kamay
ko. Ang tangi ko na lamang nagawa ay umungol ng pagtutol. Oo DJ Mysterio,
ni-rape ako ni Pulgoso, di ba obvious? Sa mga sandaling iyon ay sa paningin ko
ay para siyang nagtransform sa isang hayok na leon
na pinupulutan ang isang usa.
Duon ko lang napagtanto ang lahat. Hindi ko alam kung anong gamot ang inilagay
ni Pulgoso sa inumin ko pero I’m sure na may nilagay siya upang isakatuparan
ang malagim na balakin niya sa’kin. Nagsusumigaw ang aking isipan at sa wakas,
naisambit din ng aking mga labi ang katagang “Huwag…” Ngunit tila ba nabingi na
si Pulgoso. Patuloy siya sa paglapastangan sa yummy kong katawan habang ako
nama’y napaluha na lamang hanggang sa muli na naman akong hilahin ng
paghimbing.
Kinabukasan
ay nagising na lamang ako sa mabangong amoy ng almusal. Nakahapag ang pagkain
sa isang bed tray. Isang matamis na ngiti at isang “Good morning” ang
isinalubong sa akin ni Pulgoso sa aking paggising. Hindi ko siya kinibo. Ni
hindi ko pinansin ang pagkain. Dumetetso ako sa banyo upang maligo, mabanlawan
man lang ang dungis na ginawa ng inaakala kong kaibigan.
Matapos
maligo ay nagbihis ako’t lumabas ng kuwarto niya. Pinigilan niya ako, humihingi
ng tawad sa kaniyang ginawa. Ngunit sadyang masama ang loob ko’t para lang
siyang hangin na dumaan at hindi ko pinansin. Niyakap niya ako. “Nagawa ko lang
naman yun dahil mahal kita! Mahal na mahal kita mula pa nuon! Pero si Unggoy
lang ang nakikita mo!” ang pagdadahilan niya.
Nagpanting
ang tainga ko DJ Mysterio. Sinagot ko siya sa pamamagitan ng isang sapak. PAK!
Tumilapon siya DJ Mysterio with matching slow-mo. Mabilis akong lumabas ng
bahay nila. Iniwan ko siyang nakahandusay sa sahig, umiiyak na para bang
namatayan. Ako ma’y hindi na rin nakapagpigil ng damdamin, di ko napigilan ang
pagpatak ng matatabang luha. Nagluluksa ang puso ko sa pagtataksil ng aking
kaibigan. Dahil sa pag-eemote ko’y nakatapak pa ako ng bomba ng aso, nakakasira
ng moment! Isinumpa kong pagsisisihan ni Pulgoso ang ginawa niyang kapangahasan,
kalapastanganan, at pagsira sa aking tiwala. Isinusumpa ko DJ Mysterio… Isinusumpa
ko!
Sa eskuwela
ay ilang beses na sumubok na lumapit sa akin ni Pulgoso. Nagtaka nga ang aming
mga kakilala dahil dati’y para kaming kambal-tuko na ‘di mapaghiwalay, subalit
ngayon ay todo iwas ko na sa kaniya. Iritang irita ako sa mere presence lang
niya. Ilang buwan din ang lumipas ngunit hindi ko siya nakitang sumuko sa
paglapit sa akin. Sa sobrang inis ko sa kaniya ay may namuong plano sa isipan ko to get rid of him.
Isang umaga
ay nagkakagulo ang mga estudyante sa may bulletin board. Napangiti ako. Lumapit
ako sa nagkukumpulang mga estudyante upang umusyoso kuno. Duon, nakadisplay ang
isang larawan. Ang edited picture ni Pulgoso na kapiling ang isang hubad na
lalaki. Out of nowhere ay biglang sumulpot si Pulgoso sabay hablot sa larawan
sabay punit dito sabay takbo with matching teary eyes. Halos maglulundag ako sa
tagumpay ko. Sa eskandalong nangyari’y ilang araw din siyang hindi pumasok
matapos ng insidenteng iyon.
Isang
gabi’y nakarinig ako ng marahas na katok. Syempre sa pinto, try mo kumatok sa
bubong kung d ka pagkamalang akyat-bahay. Pinagbuksan naman sila ni mama at
ikinagulat ko kung sino pala iyon. Ang mga magulang ni Pulgoso na may
pawis-pawis pa, mukhang nag-jogging sila sa dis-horas ng gabi. Pinapapunta nila
ako sa bahay nila dahil may emergency daw. Nagdadalawang isip man ay sumama pa
din ako dahil napakabuti nilang tao, kay Pulgoso lang ako galit at hindi ko
dinamay ang magulang niya.
Pagdating
sa bahay nila’y dumeretso kami sa kwarto ni Pulgoso. Kumatok ang mommy niya.
Syempre sa pinto ulit, nu ka ba?! “Pulgoso anak, nandito na si Adonis. Buksan
mo na ang pinto.” Ang sabi niya.
Napag-alaman
kong halos isang linggo nang hindi lumalabas ng kuwarto si Pulgoso, ni hindi
kumakain, laklak lang sya ng laklak ng alak. Kahit anong pangungumbinsi ng
magulang niya’y ayaw niyang buksan ang pinto na labis na ipinag-alala ng mga
ito. Ang kundisyong ibinigay ni Pulgoso upang buksan ang pinto ay ang makausap
ako. Alam ng mga magulang niya na may alitan kami. Hindi man nila alam ang
dahilan ng galit ko sa anak nila’y nakiusap pa rin sila sa akin na kausapin si
Pulgoso at kumbinsihin itong lumabas ng kuwarto’t muling pumasok sa eskuwela.
Tumunog ang
door knob, sinyal ng pag-unlock ng pinto. Dahan-dahan ay bumukas ang pinto.
Sumingaw ang umaalingasaw na amoy ng alak at sigarilyo mula sa kuwarto niya. Bumungad
sa amin ang dugyot na pagmumuka ni Pulgoso, puno ng dungis ang mukha at parang
mahangin sa labas ang buhok. Mabilisan niya akong hinila papasok at muling
ini-lock ang pinto.
Inalok niya
ako ng alak na tinanggihan ko naman. Baka kung ano na naman ang inilagay niya
dun, natuto na ako. Matapos niyang uminom ay dahan-dahan siyang lumuhod sa
harapan ko’t unti-unting tumulo ang luha niya. Humihingi siya ng tawad sa
kaniyang ginawa. Na miss na miss na daw niya ako. Ramdam ko ang sinseridad sa
kaniyang mga salita ngunit nangingibabaw pa rin ang galit sa puso ko. Ngunit
dahil sa pakiusap ng mga magulang niya kanina’y pinatawad ko siya sa kundisyong
kalimutan niya ang nararamdaman niya para sa akin at ibalik ang dati naming
pagkakaibigan. Sumang-ayon naman siya.
So hayun
nga. Balik sa dating gawi, lagi kaming magkasama na parang walang nangyari.
Pero malaki ang pagbabagong naganap kay Pulgoso. Ang dating masigla at punong
buhay na kaibigan ko ngayo’y parang naubusan na ng pag-asa sa buhay. Matamlay
at laging tulala.
May galit
pa rin ako sa kaniya na pilit kong ikinukubli pero ngayo’y nangingibabaw ang
awa para kay Pulgoso, DJ Mysterio. Kahit papaano’y may halaga pa rin naman si
Pulgoso sa’kin dahil siya lang naman ang kasa-kasama ko mula nung bata pa ako.
Mahigit isang dekadang pagkakaibigan ang nagtulak sa akin upang kausapin siya
ng masinsinan.
Hindi daw
niya magawang iwaksi sa kaniyang damdamin ang nararamdaman niyang pagmamahal sa
akin. Pagmamahal na higit sa isang kaibigan. Pagmamahal na umaasang masuklian.
Nag-isip-isip
ako sa panahong iyon, DJ Mysterio. Pinag-isipan ko ng mabuti ang gagawin ko
upang matulungan ang aking kaibigan. Hanggang sa nabuo sa isipan ko ang
makipagrelasyon sa kaniya, kahit pa wala akong nararamdaman para sa kaniya, sa
kundisyong ililihim namin ito. Buong galak naman siyang sumang-ayon.
Muling
bumalik ang sigla ni Pulgoso DJ Mysterio. Sa katunayan ay bumalik ang karera
niya sa top students sa university. Siyempre tuwang tuwa naman ako para sa
kaniya bilang kaibigan. Kapag kaming dalawa lang ay pinilit kong maging sweet
sa kaniya bilang premyo sa kaniya. Nagpapaubaya rin akong gamitin niya ang
katawan ko.
Isang araw
ay inaya niya akong pumunta sa simbahan. Matapos ng kaunting dasal ay pumunta
kami sa kampanaryo, kung saan lagi kaming naglalaro nuon. Naroon pa rin ang
malaking lumang kampana kung saan ako naglalambitin nuon. Nakatingala kaming
nagbabalik-tanaw sa nakaraan. Mga maasayang ala-ala. Ang sabi niya, “Dito
nagsimula ang lahat. Dito kita nakilala, dito nabuo ang pagmamahal ko sa iyo. Sana hindi na matapos.
Pero kung sakaling matapos man, dito rin iyon magwawakas.” Nahiwagaan ako sa
mga sinabi niya pero binale-wala ko lang iyon.
Isang araw,
habang hinihintay ko ang paglabas ni Pulgoso ay nakita ko si Unggoy. Nakatayo
siya sa harap ng eskuwela namin na parang may hinihintay. Nilapitan ko siya’t
tinanong kung sino ang hinihintay niya. Ang sabi niya’y ako raw. Inaya niya
akong kumain at sumama naman ako. Siyempre naman, matagal ko nang gusto si
Unggoy, pagkakataon ko na ito. Kamustahan, kwentuhan, hanggang sa mauwi sa pagtatapat.
Nagtapat sa akin si Unggoy. Na-realize daw niya na mahal daw pala niya ako kung
kaya nakipaghiwalay siya sa boyfriend niya para sa akin.
Halos
maglulundag ako nun DJ Mysterio. Kaytagal kong hinintay na maging kami ni
Unggoy kung kaya hindi ko pinlampas ang pagkakatong ito, sinunggaban ko agad.
Mahirap
pala, DJ Mysterio. Mahirap ang makipagrelasyon sa dalawa lalu pa’t pareho
silang matalik na kaibigan ko. Pero somehow ay nagawa ko namang ibalanse ang
oras ko sa kanila. Nanatiling lihim ang relasyon ko sa dalawa hanggang sa
sumabog na parang bomba sa aking harapan ang isang balita.
Mabilis na
kumalat ang balitang buntis na si Unggoy. Sa ilang beses na may nangyari sa
amin ni Unggoy ay siguradong ako ang nakabuntis sa kaniya. Ang inaalala ko’y si
Pulgoso. Alam kong masasaktan siya kapag nalaman niyang ako ang nakabuntis kay
Unggoy. Ngunit sadyang walang lihim ang hindi nabubunyag.
Pinuntahan
ako ni Unggoy sa bahay, kasama ang mga magulang niya. Pinipilit nila akong
pakasalan si Unggoy upang mapanagutan ang batang dinadala niya. Sakto namang
dumating si Pulgoso na may dalang ulam. Hindi ko alam kung paano ko siya
haharapin DJ Mysterio. Kitang kita ko kung paano siya masaktan sa mga naririnig
niyang pag-uusap ng mga magulang namin. Hanggang sa di na yata niya nakayanan
ay nagpaalam na siyang uuwi na.
Hinabol ko
siya. Tahimik kaming naglalakad papunta sa bahay nila dahil wala rin akong
makapa sa sarili kong pwede kong sabihin sa kaniya. Pumanhik kami sa kuwarto
niya’t umupo sa kaniyang kama. “Pigilan mo
ako. Isang sabi mo lang, hindi ko siya pakakasalan.” Ang nasambit ko. Tinitigan
ko siya, kitang kita ko ang sakit sa kaniyang mga mata.
Ilang
minuto rin ang lumipas bago siya nakasagot. “Hindi kita pipigilan. Alam ko
namang matagal mo na siyang gusto eh. Isa pa, maibibigay niya yung gusto mo.
Magkakaroon ka ng sarili mong pamilya. Wala akong karapatang pigilan ka.
Ayokong pigilan ka. Kahit masakit. Dahil alam kong sa kaniya ka sasaya.”
Ang mga
katagang iyon ay tila ba tumarak sa aking puso, DJ Mysterio. Hindi iyon ang
inaasahan kong sagot sa kaniya. Ang akala ko’y pipigilan niya ako. Umasa akong
pipigilan niya ako. Pero hinde.
Dito ko
lang na-realize ang tunay na gusto ko. Ang tunay na damdamin ko. Nabulagan pala
ako dati, hindi ko napansing mahal ko na pala si Pulgoso higit sa naramdaman ko
nhuon para kay Unggoy. Ito ang dahilan ng sobra-sobrang pagkadismaya ko ngayon.
Sa sobrang sama ng loob ay walang sabi-sabi akong umalis ng bahay ni Pulgoso.
Narinig ko ang kaniyang paghiyaw ng pangalan ko.
Plando na
ang kasal sa susunod na buwan. Minadali nila dahil ayaw ni Unggoy na ikasal na
malaki na ang tyan. Nasa listahan na ang lahat ng magiging bhagi ng kasalang
magaganap maliban sa isa. Ang Best Man.
Iisa lang
naman ang pwedeng tumayo bilang Best Man ko. Pero nagdadalawang-isip ako kung
aanyayahan ko ba siya o hindi. Alam kong para ko na rin siyang sinaksak kung
makikita niyang ikinakasal ako sa iba. Ngunit laking gulat ko nang pumunta siya
sa bahay at siya na mismo ang nagprisinta na tumayong Best Man ko.
Lumipas ang
isang buwan, araw ng kasalan. Pumunta ako sa bahay nina Pulgoso. Nadatnan ko
siyang namamalantsa ng susuotin niyang coat. Pareho kami ng suot na pinasadya
ko talaga.
“Hindi pa
hili ang lahat, may oras pa para pigilan mo ako.” ang sabi ko.
“Sa huling
pagkakataon, hindi kita pipigilan, Adonis. Hindi kita pipigilang maging
masaya.” Ang sagot niya.
Iniabot ko
ang isang pulang rosas sa kaniya na malugod naman niyang tinanggap. “Ilagay mo
yan sa may dibdib mo. Para pareho tayo.” Ang
sabi ko sabay turo sa rosas na naka-pin sa may kaliwang dibdib ko. Ngimiti
naman siya at tumungo.
“Mangako
kang darating ka.” ang sabi ko na sinagot niya ng isang ngiti at tungo.
Sa
simbahan, nasa may bulwagan na si Unggoy suot ang kaniyang magarang wedding
gown habang ako nama’y naghihintay sa may harap ng altar. Handa na sana ang lahat ngunit
pinipigilan kong matuloy ang kasal dahil sa wala pa rin si Pulgoso. Inip na
inip na ang pari at mga bisita ngunit wala akong pakealam. Basta hindi
matutuloy ang kasal nang wala si Pulgoso. Nangako siyang darating siya eh.
Halos isang
oras na ang pagdedelay ko sa kasal subalit wala pa rin siya. Pinipilit na ako
ng lahat na ituloy na ang kasal dahil may susunod na ikakasal pa. Alalang-alala
na ako kay Pulgoso kung kaya tumakbo ako palabas ng simbahan. Narinig ko pa ang
pagtawag ni Unggoy at ng mga magulang ko subalit binale-wala ko. Ang importante
ay makausap ko si Pulgoso.
Pagdating
sa bahay nila’y tinanong ko agad siya sa mommy niya. Kanina pa raw ito umalis
na nakagayak na. Pero nagduda ako, baka itinatago siya nila sa akin kung kaya
mabilis kong tinungo ang kaniyang kuwarto.
Sa kama niya, nakita ko ang isang regalo at may nakapatong
na sulat. Dali-dali ko itong binuklat at binasa.
Dear Adonis,
Sa mga oras na nababasa
mo ito ay malamang na kasal ka na.
Congratulations! Masaya ako para sa’yo dahil matutupad na ang pangarap mong magkaron ng sariling pamilya. Hinihiling kong maging maligaya ka sa piling ni Unggoy at ng magiging anak niyo kahit wala na ako.
Congratulations! Masaya ako para sa’yo dahil matutupad na ang pangarap mong magkaron ng sariling pamilya. Hinihiling kong maging maligaya ka sa piling ni Unggoy at ng magiging anak niyo kahit wala na ako.
Tandaan mo sana, mahal
na mahal kita.
Nagmamahal
sa’yo,
Pulgoso
P.S.
Huwag mo na akong
hanapin. Tapos na ang lahat.
Hindi ako
makapaniwala sa nabasa ko. Hindi ako naniniwalang kaya akong iwan ni pulgoso.
Lumabas ako ng bahay upang hanapin siya. Sa park, sa club house, sa paborito
naming coffee shop, ngunit hindi ko siya natagpuan. Hanggang sa maisip ko ang
kampanilya.
Dali-dali
akong bumalik ng simbahan. Nang malapit na ako’y narinig kong tumunog ang
malaking kampana kasunod ng hiyawan. Agad kong tinungo ang kampanilya at duon,
bumungad sa akin ang nakakapanghinang hitsura ni Pulgoso. Ang Best Man ko. Ang
bestfriend ko. Ang mahal kong si Pulgoso. Nakalambitin sa lubid ng kampana
habang kalatali ito sa kaniyang leeg.
Mabilis
kong ibinaba si Pulgoso at ginamit ang kaalaman ko sa CPR na napag-aralan namin
sa PE dati. Hala sige pump lang sa dibdib niya, tapos ay bubugahan ko ng hangin
sa bibig, tapos ay pump ulit, at buga ulit.
Dumating
ang ambulansiya at isinakay duon si Pulgoso. Duon pa lamang ay sumuko na ang
mga medics dahil walang response ang katawan niya sa ginagawa nilang pag-revive
sa kaniya. Dead on arrival siya sa ospital.
Hindi na
natuloy ang kasal. Duon ay napag-alaman kong ginamit lang pala ako ni Unggoy.
Na buntis na pala siya nung hinintay niya ako sa eskuwela. Tinakbuhan siya ng
boyfriend niya at ako ang naisip niyang escape goat dahil alam niyang patay na
patay ako nuon sa kaniya. Pinlano niya ang lahat. Subalit sinagip ako ni
Pulgoso. Dapat maging masaya ako dahil hindi ko na kailangang panagutan ang
hindi ko pananagutan. Pero hinde eh. Hindi ako masaya. Dahil kapalit nuon ang
buhay ng mahal ko. Ang buhay ni Pulgoso.
Kung kaya
narito ako ngayon, saharap ng simbahan kung saan may mga butiking
naglalampungan. Pinakikinggan ko ang tunog ng kampana na dati’y kasama ng
tawanan at halakhakan namin nuong kami’y musmos pa lamang. Ang pagtunog ng
lumang kampana ngayo’y sumasabay sa hiyaw at pagtangis. Ang tunog ng kampana na
siyang sinyal ng pag-uumpisa ng misa. Ang misa upang bendisyunan si Pulgoso sa
kaniyang huling hantungan.
Maraming
salamat sa pagbasa mo ng kuwento kong ito, DJ Mysterio. More power sa iyo at sa
programa mo. Salamat.
Ang
iyong tagasubaybay,
Adonis
wala ka talagang kupas! malungkot nanaman yung ending! kelan ka ba magkakaroon ng happy ending na story ha? gumawa ka din ng happy ending minsan! hahahaha oxa xa work mode na ulit! happy weekend rue!
ReplyDeletemakki
gnun tlaga, alam m naman mtagal na rn aq nghhntay ng happy ending q peo no luck eh :/
DeleteIkaw na rue! Mga unggoy talaga! Unggoy pa rin kahit nakagown..hehe..
ReplyDeletenatawa nman aq dun hahaha pasaway ka xD
Delete