Sep 23, 2011

To Stare or Not to Stare?

Habit ko na ang tumitig mula pa pagkabata. Madali kasing mawala ang focus ko so ang paraan para sakin para magfocus eh tumingin sa nagsasalita. Hanggang ngayon na adult na ako (wag na magtanong ng age :P) eh nadala ko na yun. Minsan may kaibigan akong nagtanong tungkol dito. Si Fao, habang nasa bahay nila ako (at nilalantakan ko chocolate chip cookies nya :D), tinanong nya “Anghilig mong tumitig no?” Sinagot ko naman siya ng “Habit ko na kasi yun.” Na kinontra naman niya ng “Don’t you know it’s rude to stare?” na sinagot ko naman ng “Is it rude to listen? Is it rude to think? Is it rude to appreciate something or someone who looks nice?”

“Ano bang iniisip mo pag nakatitig ka?” tanong ni Fao.

“Wala, minsan kung ano lang, kadalasan hindi naman yung taong tinititigan ko ang iniisip ko, nagkataon lang na sakanya ako napatitig.” sagot ko naman.

“Alam mo, alisin mo yan. Ikapapahamak mo yang pagtitig mo.” payo pa nya.

Hindi ko yun binigyan ng pansin. Wala akong pakealam sa iba, basta ako walang ginagawa o iniisip na masama pag nakatitig ako. Tulad ng sabi ko, pag nakatitig ako eh either nag-iisip ako, or nakikinig ako, or naapreciate ko ung ganda ng bagay-bagay.

Minan habang nasa training, may nilaro kami at ang matatalo each round eh tinatanong. May isang wavemate namin na bakla (sorry limot ko name nya) ang tinanong ng “Paano mo malalaman na game ang isang lalake?” at sinagot naman nya ng “Pag nakipagtitigan sya sakin.”

Nagpoprotesta ang utak ko pagkarinig ko nun. “Hindi totoo yun!” sigaw ko sa isip ko lang. Dun ko naalala yung sinabi ni Fao, ganun ba yung ibig sabihin ni Fao na ikapapahamak ko? Simula nun sinubuka kong huwag ng tumitig, although minsan unaware ako na nakatitig na naman pala ako sa isang tao.

Kamakailan lang may lumapit sakin at nagtanong “Crush moko no?” Huh? Di ko naman siya kilala eh, what made her think na may crush ako sa kania? So sinagot ko, “Hindi. Bakit mo po natanong?” and she answered “Iwas tingin ka kasi, para kang high school na iwas tingin sa crush.”

Hanu ba?! Pag tumitig ako game daw ako? Pag di ako tumitig crush ko daw cla? So anu ba talaga ang dapat? To stare or not to stare? Anggulo nila >_>

1 comment:

  1. Wala naman masama sa pagtitig sa isang tao o bagay nakadepende yun kung paano ka tumingin o tumitig sa isang tao o bagay.

    ReplyDelete