Sep 17, 2011

King Of Spades 1

Ragnarok Lord Knight

Ako nga pala si Cindy, anak mahirap at ulila ng lubos. Yung auntie ko ang nagpalaki sakin pero tinrato akong katulong. Ang gusto niya ay manilbihan ako sa kanyang babuyan after ko mag-high school kaya lumayas ako. May pangarap ako na gusto kong matupad. Ayokong maging alipin lang ng aking tiyahin. Pinilit kong mag-working student at pumasok sa Imaculada Concepcion College. Ngayon 4th year college na ako sa College of Architecture. Dito ko nakilala sina Jenny, bestfiend kong babae, at si Janno, bestfriend kong lalake. Classmates kami mula pa nung first year college.


Pauwi na ako galing kina Jenny. Ginawa kasi namin yung group project namin. Ginabi na ako pauwi ng boarding house. Ayoko kasing makitulog kina Jenny, nakakahiya na kasi madami ng nakitulog dun. Tinatahak ko ang madilim na eskinita pauwi ng boarding house nang may umakap sa akin mula sa likuran. Sino naman kaya to?

Huwag kang haharap! Hold-up to! Ibigay mo sakin ang bag mo!

(Ano raw? Seryoso ba siya?)

Ahh.. Ehh.. Kuya mukhang mali ang hinoholdap mo. Wala akong kapera-pera.

Ibigay mo sabi ang bag mo eh!

Ahh.. H-heto po.

(Bahala kang manghalungkat diyan. Sabi ng wala akong pera eh, kulit!)

Anak ng! Ba’t puro resibo lang laman ng pitaka mo?!

Sinabi nga kasi sayong wala kong pera eh. Kulit mo kasi.

Cellphone mo nalang!

Heto po.

3210?! Niloloko mo ba ako?!

Aba! Ikaw itong mali ng piniling hoholdapin ako pa sasabihan mong manloloko. Adik ka din eh no?!

Maghubad ka!

Ano?!

Maghubad ka sabi! Bingi!

K-kuya anong gagawin mo?

Rereypin kita, ano pa nga ba?!

Ayoko! Di ako papayag!

Kaya nga tinawag na rape eh! May rape bang pumapayag ma-rape?!

K-kuya naman. Kunin mo na yang cellphone ko, huwag mo lang ako reypin.

Sino pang bibili ng cellphone mo?! Sexy ka naman, katawan mo nalang pagsasawaan ko!


Todo pagmamakaawa na ako pero tila nabingi na. Ibayong takot na ang nararamdaman ko. Pinilit kong magpumiglas pero sadyang malakas ang holdupper-rapist na to. Naramdaman ko nalang ang matigas niyang kamao na bumaon sa aking sikmura. Nanlambot ako bigla. Nawala lahat ng lakas ko lalu pa’t gutom ako. Wala na akong nagawa kundi ang makiusap ng  “K-kuya… Maawa ka… Huwag po…”


Pinunit niya ang blouse ko at tumambad sa paningin ng pangit na rapist ang aking malulusog sa dibdib na ikinukubli ng pink floral bra. Kitang kita ko sa kanyang mga mata ang pananabik. Parang sinaniban na siya ng diyablo. Hawak-hawak ng isa niyang kamay ang mga kamay ko habang ang isa nama’y sinasakmal ang mga dibdib ko. Inihiga niya ako at inupuan ang aking puson. Pilit niyang binuksan ang pants ko ng isa pa niyang kamay subalit pinatamaan ko ang likod niya ng tuhod ko. Napaungol siya, patunay na nasaktan siya. Hinablot niya ang ulo ko at iniuntog ng malakas sa semento na dahilan ng aking pagkahilo. Halos mawalan na ako ng malay at dahan-dahang bumigat ang aking mga mata.


Alam kong wala na akong pag-asa, makukuha na ng lalaking panget na holdupper na rapist na to ang aking puri na iningatan ko ng labing siyam na taon. Wala na akong lakas manlaban pa. Ang bigat niya ay lalong nagpapahina sa akin. Namalayan ko nalang na biglang gumaan ang pakiramdam ko. Wala na ba ang mabigat na nakadagan sa akin o manhid na ang katawan ko?


Sinubukan kong imulat ang aking mga mata. Malabo subalit may naaaninag akong anino. Isang lalaking naka-kapa at may hawak na broad sword. Tumingin ako sa aking tabi at nakita ko ang mukha ng rapist. Wala na itong malay. Sinubukan kong bumangon subalit sadyang hilong hilo pa ako kung kaya bumagsak akong muli.

S-sino ka?

Di sumagot ang lalaking may espada. Naglakad ito palayo at tuluyan ng nawala sa aking paningin ang anino ng lalaki. Siya ba ang matagal ko ng hinihintay na “Prince Charming” o “Knight in Shining Armor?” Sino kaya siya?

Cindy!!!! Cindy okay ka lang ba?

Boses ni Jenny! Pinilit kong bumangon muli subalit muli akong bumagsak at nawalan ng malay.


Nang magkamalay ako ay nasa boarding house na ako, nakahiga sa aking kutson. Ramdam ko pa rin ang sakit ng aking ulo dahil sa pagkakaumpog sa semento. Nasa tabi ko si Jenny, hawak-hawak ang kamay ko habang nakayuko at natutulog. Naramdaman siguro niya ang aking paggalaw kung kaya nagising na rin siya.

Cindy, gising ka na pala. Grabe girl, pinag-alala mo ako.

Sorry Jenny, at salamat.

Bakit kasi pinilit mo pang umuwi?! Mabuti at sinundan kita. Kung hindi baka hanggang ngayon nakahilata ka pa rin sa eskinita nyo.

Oo nga. Salamat uli. Salamat din at niligtas ako ng kabalyero ko.

Kabalyero?

Knight in Shining Armor ko. Di mo ba siya nakita?

Anong pinagsasasabi mo?

Yung lalaking nagligtas sakin. Yung naka-kapa tsaka may espada.

Hahahahahaha! Seryoso ka sis?

Seryoso ako!

O sige, seryoso ka na kung seyoso. Pero sino namang maglalakad ng hating gabi ng may suot na kapa at may espada pa ka mo? Not unless bakla yun, nagladlad ng kapa. Hahahaha!

Tsk! Hindi ako nagbibiro ano!

Ano namang itsura niya, aber?

H-hindi ko alam. Madilim kasi, silhouette lang niya nakita ko.

Baka nagdidiliryo ka lang nun. Di ka pa kasi kumain samin kagabi eh. Teka, pagluluto kita.


Lumabas siya ng silid at iniwan akong nakahilata sa kama. Tama si Jenny, sino nga ba namang maglalakad ng hating gabi ng naka kapa? Pero hindi eh, kitang kita ko. Malabo pero sigurado ako naka kapa yung nagligtas sakin.


Binantayan lang ako ni Jenny buong umaga. Umuwi lang siya para mag-ayos para sa klase namin. Bumalik siya para sunduin ako para sabay na kaming pumasok ng school. Pagpasok ko ng room, parang ordinaryong araw lang which is maganda para sakin para makalimutan ko ang muntik ko nang pagkakagahasa sa kamay ng uber pangit na lalaking yun. Nilapitan agad ako ni Janno.


Hoy baliw na babae! Anong nangyari sayo kagabi ha?

Ahh.. Ehh.. Hinoldap ako eh.

Yan kasi, katigasan ng ulo mo. Sa susunod makinig ka samin ni Jenny ha?

Opo na po tatay po makikinig na po ako sa inyo po.

Baliw!


Hahaha! Yan si Janno, ang bestfriend kong laging galit sa mundo. Sanay na ako sa pagiging high blood niya. Pero kahit ganyan yan napakabait niya. Crush ko nga siya eh. Guwapo, matalino, mayaman, yun nga lang, isnabero at laging galit.


Nagpatuloy lang ang klase, same old brand new day. Nakakaantok sa totoo lang, drawing dito, drawing duon. Pero ang exciting dito eh dalawa lang kami ni Jenny ang babae sa class. In short, pinalilibutan kami ng nagguguwapuhang mga kelot!


Break na at papunta kaming tatlo sa canteen. Ayoko sana pero laging nagpupumilit si Jenny na isama ako. Lagi nila akong nililibre, nakakahiya na. Ganun lagi, sagot nila meriyenda ko mula pa nung naging magkakaibigan kami. Alam kasi nilang todo tipid ako kasi nga limitado lang budget ko. Habang naglalakad kami bigla akong natigilan.

Sis, what happened?

Jen, tignan mo.

Nginuso ko yung lalaking may malaking bag na papalapit samin. Kitang kita ko ang hawak niya. Isang wooden sword. Matapos nila makita yung tinuro ko ay nagtinginan sina Janno at Jenny.

Sis, hindi kaya siya yung kabalyero ko? Hindi kaya isang cosplayer yung nagligtas sakin?

Sis okay ka lang? That guy is a freak! An anime freak!

Pero isang cosplayer nga lang ang pwedeng maglakad sa gabi ng may kapa at may hawak na espada diba?

Tara na nga kayong dalawa, nagugutom na ako. Mga babae talaga… Tsk! Tsk! Tsk!


At hayun na naman ang lalaking galit sa mundo. Di lang siya maka-ride sa girl talk eh nag-walk out. Hahaha! Sumunod nalang kami ni Jenny kay Janno papuntang canteen. Habang naglalakad ay nililingon ko pa din yung lalaking cosplayer. Cute siya. Siya nga kaya yun?


Matapos ng class eh hinatid ako ni Jenny sa boarding house. Sasama sana si Janno pero pinigilan ko. Alam naman niyang di pwede ang lalaking bisita sa boarding house eh. Baka sabunutan ako ni lola land lady pag nakita niyang may lalake sa pinapaupahan niya. Pagpasok na pagpasok palang namin ni Jenny sa bahay ay isang malakas na boses na ang aking narinig.

Anong napala mo kakalayas? Eh di muntikan ka ng magahasa?! Mabuti nga sayo! Hala, kunin mo na ang gamit mo at iuuwi na kita!

Auntie, ayoko po. Isang taon nalang gagraduate na ako!

Hoy! Huwag kang makasagot-sagot sa akin! Walang utang na loob na to! Anglaki ng gastos ko sa pagpapaaral at pagpapalamon ko sayo tapos sasagutin mo lang ako ng ganyan?! Kunin mo na ang gamit mo at uuwi na tayo sa probinsiya sa ayaw at sa gusto mo!


Halos maiyak na ako sa kinatatayuan ko. Paano ako natunton ni auntie? Umakyat ako sa kuwarto ko at inayos ang gamit ko. Nakasunod nga pala sa akin si Jenny, nalimutan ko na dahil sa lungkot na nararamdaman ko. Umupo siya sa tabi ko habang inaayos ko ang mga damit ko sa maleta.

Sorry, sis. Ako ang tumawag sa auntie mo.

Ano?! Bakit mo ginawa yun? Alam mo namang sapilitan akong iuuwi ni auntie at aalipinin ako uli kapag nalaman niya kung nasan ako diba?

S-sorry. Nag-alala kasi ako. Baka kasi kung mapaano ka kaya ipinaalam ko sa kaniya. Pero sinabi ko naman na okay ka na.

Jenny akala ko ba kaibigan kita? Pakiramdam ko binenta mo ako kay auntie eh.


Tuluyan ng tumulo ang luha ko. Yayakapin sana ako ni Jenny pero itinulak ko siya. Hindi ko na pinakinggan ang mga paliwanag niya. Masama ang loob ko.


Nang maayos na ang gamit ko, binitbit ko ang maleta ko at tuluyan ng bumaba. Tumatalak pa din si auntie pero di ko pinapakinggan. Ang alam ko lang ay ito na ang katapusan ng mga pangarap ko. Lumabas na kami ng bahay. May humintong taxi sa harapan at bumaba ang isang babae na housemate ko. Mabilis kong binitbit ang maleta ko at agad na sumakay sa taxi at nilock ang pinto.

Manong sa crossing po! Bilis po manong!


Mabilis na pinaandar ng driver ang taxi. Nagsisisigaw si auntie pero wala siyang magawa. Hindi ko hahayaang sirain niya ang pangarap ko. Pero saan ako pupunta ngayon? Naisip kong i-test si Janno. Nagreply naman siya agad at binigay ang adres niya. Ipinakita ko sa driver yung adres upang duon ako ihatid.


Sa harap ng isang malaking bahay, nakita ko agad si Janno. Pinara ko ang taxi pero wala akong pambayad. Lumapit si Janno at nagprisintang siya ang magbabayad ng taxi. Pagkababa ko ay niyakap ko agad siya at nag-iiyak. Inaya niya akong pumasok at binitbit niya ang maleta ko.

Baliw na babae, ngayon ka magkwento. Ano bang nangyari?

Si Jenny kasi!

Anong ginawa ni Jenny sayo?

Tinawagan niya ang auntie ko at pinaalam kung saan ako nakatira. Pinipilit ako ni auntie na umuwi ng probinsiya. Janno, ayokong umuwi, ayokong maging alipin ni auntie habang buhay.

At tuluyan na akong bumigay. Hagulgol lang ako ng hagulgol sa balikat ni Janno habang hinahaplos niya ang likuran ko. Sa kanya ko inilabas ang lahat ng sama ng loob ko.


Janno may alam ka bang pwede kong lipatan?

Dito ka na lang muna tumira. Malaki naman itong bahay, pwedeng pwede ka dito.

Ayoko! Pag nalaman ni Jenny na tumutuloy ako dito baka ibenta niya ako uli.

Cindy…

Janno please? Intindihin mo naman ako.

Okay. Pero ngayong gabi dito ka muna.

Sige. Salamat bes.

Walang anuman, baliw!


Pinaakyat niya sa isang katulong ang maleta ko sa isa sa mga guest rooms nila sa 2nd floor. Nag-dinner kami kasama yung mommy nya at ung bunso niyang kapatid. Napansin kong medyo iba ang ugali ni Janno sa kanila. Makulit yung kapatid niya at makwento din ang mommy niya, samantalang siya man of few words talaga. Gayun pa man, pare-pareho silang mabait at maasikaso. After ng dinner tinanong ako ni Janno kung tapos na yung plate ko.

Hindi pa eh. Hindi ko pa nga nauumpisahan dahil sa nangyari kanina.

Tara sa kuwarto ko. Dun mo nalang gawin.


At umakyat na nga kami sa kuwato niya. Unang napansin ko ang dingding ng kuwarto niya, puro baraha ang nakadrawing, at di lang basta baraha, lahat spades. Ang kisame niya ay parang isang malaking card na King of Spades.


Ganda ng kuwarto mo, parang casino!

Baliw! Umupo ka na dun sa drawing table ko, gamitin mo na din mga gamit ko.

Bakit ba lahat ng gamit mo may symbol ng spade?

Wala lang, trip ko lang. Diyan ka muna, yosi lang ako sa terrace.

Yosi na naman! Di ka naman nagyoyosi dati ah, nung mag-4th year tayo nagtuto ka na magyosi.

Basta.


Lumabas na siya ng terrace ng kuwarto niya. Inumpisahan ko na ang pagguhit. Tapos na ako nung muli siyang pumasok sa kuwarto. Hinatid na niya ako sa guest room upang makapagpahinga na.


Kinaumagahan bumaba ako upang uminom ng tubig. Pumunta ako sa dining room nila at nakita ko duon si Janno. Nginitian niya ako pero napansin kong parang nahihiya siya, agad din siyang umalis ng dining room. Para siyang ibang tao. Di ko na yun pinansin, kumuha ako ng baso at nilagyan ng tubig na iinumin ko. Naupo lang ako sa harap ng hapag upang hintayin si Janno. Naghanda na ng almusal ang katulong nila at isa-isang nagtungo ng dining room.ang pamilya nina Janno. Napansin kong nagpalit ng damit si Janno. Tinabihan niya ako at kinamusta ang tulog ko.


Matapos ng almusal ay nagpaalam na ako. Sinamahan ako ni Janno sa boarding house ng kamag-anak nila. Siya ang nakiusap sa uncle nya na bigyan ako ng discount at siya na rin ang nagbayad ng mga paunang bayad dahil alam niyang walang wala ako. Next week pa sahod ko sa trabaho ko bilang crew sa isang fastfood chain.


Naging maayos naman ang paglipat ko. Mabait ang uncle ni Janno at lagi din akong dinadalaw ni Janno upang kamustahin. Angsweet niya kahit laging nakakunot ang noo. Si Jenny naman ay di ko na pinapansin. Hanggat maaari ay iniiwasan ko siya. Ilang beses siya nag-sorry at ramdam ko naman ang sincerity niya pero hindi ko pa rin magawang makipag-ayos sa kanya. May takot pa rin ako.


Isang araw, may practice ng basketball si Janno at naiwan akong mag-isa sa isa sa mga bench sa school. Nagbabasa lang ako roon ng libro na hiniram ko sa library nang biglang may lumapit sakin. Napatingin ako sa tumabi sakin at bigla akong nakaramdam ng hiya nang makilala ko kung sino. Siya yung cosplayer na nakasalubong namin dati!



Itutuloy...

No comments:

Post a Comment