Ragnarok Lord Knight |
Napatingin ako sa tumabi sakin at bigla akong nakaramdam ng hiya nang makilala ko kung sino. Siya yung cosplayer na nakasalubong namin dati
Hi
Hello
You’re Cindy, right?
Yeah. How’d you know?
Ahh… Ehh…
(Nagkamot siya ng batok…)
Ih… Oh… Uh…?
Sorry.. Matagal na kasi kitang nakikita kaso nahihiya akong lapitan ka. I’m Dennis nga pala.
Nice to meet you.
Napagkuwentuhan namin yung pagcocosplay niya. Nacurious ako kung siya nga ba yung lalaking nagligtas sakin kaya tinanong ko kung may cosplay ba siyang pinuntahan nung gabing muntik na akong marape. Meron nga daw, “Cloud Strife” daw suot niyang costume nun. Wala akong idea kung anu yun, dinescribe naman niya. Swak na swak ang description na yun sa Kabalyero ko. Siya nga yun!
Mula nung araw na yun lagi na kaming magkasama ni Dennis. Niligawan niya ako. Lagi niya akong sinusundo sa class ko kaya di na ako nakakasama kay Janno. Di nagtagal ay sinagot ko siya. Ano pa nga bang mahihiling ko? Mabait si Dennis, mayaman, artistic, at niligtas niya ako dati. Masaya naman ako sa piling niya pero parang may kulang. Hindi ko lang alam kung ano.
Isang araw habang namamasyal kami ni Dennis sa isang mall, nakita ko si Janno na may kasamang babae. Maganda at sexy yung babae at angsweet nila. Nakaakbay si Janno sa babae at mukang masaya sila. Nakita ako ni Janno pero hindi niya ako pinansin. Hindi nakakunot ang noo ni Janno, mukang masayang masaya siya sa babae. Di ko alam pero nakaramdam ako ng lungkot. Diba dapat masaya ako para sa bestfriend ko? Mula sa malungkot ay napalitan ng inis ang nararamdaman ko nang makita ko silang mag-kiss. Inaya ko ng umuwi si Dennis matapos nun. Tinanong niya kung may problema ba, sinagot ko nalang ng “Masama ang pakiramdam ko.”
Pagkauwi sa boarding house ay humilata agad ako sa kama ko. Bakit ganun, nakita ako ni Janno pero parang di niya ako kilala. Tsaka bakit ganun nalang ang naramdaman ko? Naramdaman ko nalang na tumulo ang luha ko sa pag-iisip. Bakit kaya?
Isang araw, nagtext sakin si Dennis, may family gathering daw sila kaya hindi niya ako masusundo. Okay lang naman sakin, atleast may time na ako para kay Janno. Hinintay ko si Janno para makabawi ako sa mga araw na di ko siya nakakasama. Pagkalabas niya ng gym agad ko siyang sinalubong. Nagulat siya nang makita ako, biglang may rumehistrong ngiti sa kanyang mga labi.
Baliw na babae, bat nandito ka? Asan yung boyfriend mo?
Hinihintay ko bestfriend ko. Wala si Dennis, may family gathering daw.
Ah, so alternative lang ako?
Hindi ah! Kaya nga kita hinintay para makabawi ako sayo. Namiss kita!
Manlilibre ka?
Oo! Kakasahod ko lang kahapon eh!
Himala! O sige, tara na at ng makarami.
Pumunta kami sa parking lot kung nasaan ang kotse niya. Sabi ko sa Jollibee kami pero nanlaki ang mga mata ko nang sa isang mahal na restaurant siya nagpark.
Hoy! Bakit dito tayo? Di ko kaya magbayad dito!
Alam ko. Ako manlilibre sayo. Baba na.
Ay, dapat ako manlibre eh!
Baliw! Masama tumanggi sa grasya. Baba na!
Bumaba na ako at sabay kaming pumasok ng restaurant. Sinamahan kami ng isang waiter sa bakanteng table at binigyan kami ng menu. Hinahanap ko ayung pinaka mura, nakakahiya naman kay Janno. Sabi ko ako manlilibre pero heto, siya raw ang manlilibre sakin.
Naghahanap ka ng mura no?
Ha? Ahh.. Ehh..
(Kinuha niya yung menu at siya na ang umorder.)
Hindi na nga ikaw ang magbabayad nagkukuripot ka pa.
Nakakahiya naman kasi sayo.
Baliw!
Lihim akong natuwa at kinilig. Kinilig? Di tama yun ah! May BF ako! Erase! Erase! Tsaka bestfriends lang kami ni Janno.
Habang hinihintay yung order, lumingon lingon ako sa paligid. Maganda yung place, nakakarelax. Pero nagbago ang timpla ko nang may makita akong lalaki sa kabilang table. Nangilid ang luha ko nang makita kong naghahalikan sila ng babaeng kasama niya. Si Dennis may kahalikang iba!
Tumayo ako at lumapit sa table nila.Bakas sa mukha ni Dennis ang pagkagulat samantalang ang babae naman ay takang taka. Tumayo si Dennis at nagsabing “Cindy, let me explain…” Kinuha ko yung baso ng wine at isinaboy sa mukha ni Dennis. Matapos nito ay tumakbo ako palabas ng resto.
Pagkalabas ko ng resto tatawid sana ako ng highway at isang kotse ang papalapit. Mahahagip na sana ako pero may humablot sa aking kamay at niyakap ako ng mahigpit. Nagpumiglas ako sa pag-aakalang si Dennis ang nakayakap sa akin. Nang makawala ako ay sasampalin ko sana siya pero natigilan ako nang makitang si Janno pala ang yumakap sakin.
Tara na sa kotse.
Iuwi mo na ako.
Ako ang bahala sayo. Sakay na.
Sumakay ako at nagmaneho siya. Nakayuko lang ako habang patuloy na pinipigilang dumadaloy ang luha mula sa aking mga mata. Wala kaming imikan ni Janno habang binabagtas namin ang kalsada. Di nagtagal ay hininto niya ang sasakyan. Iniangat ko ang mukha ko pero nagulat ako nang mapansing hindi ito ang boarding house ko.
Nasan tayo?
Baba ka muna.
Nasan muna tayo?!
Bumaba ka muna. Huwag ng matigas ang ulo.
Bumaba na ako. Hinawakan ni Janno ang kamay ko at inakay ako paakyat ng burol. Pagkaakyat namin ay nanlaki ang mga mata ko. Napakaganda ng tanawin. Kitang kita lahat ng ilaw sa siyudad. Pero kahit gaano pa kaganda ang tanawin ay di pa din nito napawi ang kalungkutan sa puso ko.
Cindy…
Thank you Janno. Pero pwede bang iuwi mo na ako?
Cindy…
Niyakap ako ni Janno. Di ko na napigilan ang damdamin ko at tuluyan na akong humagulgol sa kanyang dibdib.
Bakit ganun? First BF ko pa naman siya. Bakit nagawa niya akong lokohin? May ginawa a akong masama?
Tanga lang yung BF mo kaya niya yun nagawa. Hindi niya nakikitang napakaswerte niya sayo.
Hindi eh! Bakit di nila ako nagawang mahalin? Sina mama at papa iniwan ako! Si auntie ginawa akong alipin! Tapos si Dennis, niloko niya ako! Nobody loves me!
If nobody loves you then I am nobody, Cindy.
(Tama ba ang dinig ko? Kumalas ako sa yakap ni Janno at tinignan ko siya sa mata.)
A-anong sabi mo?
I said if nobody loves you then I am nobody. Cindy, I am nobody without you. Hindi mo alam kung anong naramdaman ko nung sinagot mo yung Dennis na yun. Mahal na mahal kita, nuon pa. Pero naging duwag akong amin sayo.
Teka, s-sigurado ka?
Tumango lang siya pero kitang kita ko sa kislap ng kaniyang mga mata ang sincerity ng kanyang mga salita. Umaapaw ang saya sa puso ko matapos kong marinig ang mga sinabi ni Janno. Pero, bestfriends kami at ayokong masira ang pagkakaibigan namin. Isa pa’y nais ko munang makausap ang Kabalyero ko, si Dennis. Tsaka may girlfriend na si Janno, yung kasama niya sa mall.
Uhhmm.. Janno, pwedeng iuwi mo na ako?
Tinatanggihan mo ba ang pag-ibig ko?
Janno, magkaibigan tayo at ayokong masira yun. Tsaka ayokong masira ang relasyon ninyo ng GF mo. Sorry bes.
Anong GF? Wala akong GF!
Huwag ka ng magdeny, nakita ko kayo sa mall.
(Di umimik si Janno)
Iuwi mo na ako bes. Gusto ko ng magpahinga.
Inuwi ako ni Janno sa boarding house at agad din siyang umalis. Masama din ang loob ko sa naging desisyon ko. Mahal ko din si Janno pero, ewan, magulo ang isip ko. Nakatulugan ko na lang ang mga luhang dumadaloy sa aking pisngi. Nagtetext at tumatawag si Dennis pero di ko siya sinasagot. Kinabukasan maghapon lang akong nagkulong sa kuwarto. Di rin ako nakakain dahil wala akong gana. Kinabukasan, araw ng linggo, may kumatok sa kuwarto ko. Napakunot ang noo ko dahil wala naman akong inaasahang bisita. Tumayo ako mula sa pagkakahiga at tinungo ang pinto. Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin si Jenny.
Mag-usap tayo sis, please?
Anong pag-uusapan natin?
Galit ka pa rin ba?
Pumasok ka muna. Baka makita ka pa ng landlord ko, isiping masama ang ugali ko.
(Pumasok naman si Jenny at naupo sa kama ko.)
Nice place sis.
Pano mo nalamang dito ako tumutuloy?
Sinabi ni Janno. Kinulit ko kasi siya. Sis, patawarin mo naman na ako. Nahihirapan na ako sa pag-iwas mo sakin.
Bakit mo ba kasi ako binenta kay auntie?
Maniwala ka sis, hindi ko alam na ganun yung auntie mo. Sorry talaga sis.
Haay.. Oh siya, apology accepted.
Talaga?! I missed u sis!!!
(Niyakap niya ako, ramdam kong namiss talaga ako ng bestfriend ko. Niyakap ko na rin siya.)
I missed u too. Huwag mo na akong ibebenta uli ha?
Promise! Hinding hindi na talaga! I can’t afford to loose my BFF again!
(Kumalas siya ng yakap.)
Nga pala sis, kamusta na kayo ning lalaking freak? Dennis ba yun?
Oo, Dennis nga. Pero makikipag break na ako.
What happened? Tell me.
(Ikinuwento ko lahat ng nangyari, pati yung nangyari samin ni Janno sa burol.)
OMG! Nagtapat sayo si papa Janno?! Bakit mo nireject? Engot mo naman sis! Pero di Dennis sinagot mo.
Jen, May GF si Janno, nakita ko silang naghahalikan sa mall. Isa pa, si Dennis yung Kabalyero ko.
What?! Imposible!
Tinanong ko siya kung nakacostume siya nung gabing naholdap ako, oo daw at dinescribe pa niya. Akmang akma sa description ng kabalyero ko.
No! Hindi siya yung nagligtas sayo!
You mean kilala mo ang nagligtas sakin?
Ahh.. Ehh.. Ay sis nakalimutan ko may gagawin pala ako. I hafta go na.
(Tumayo na siya at humakbang palapit sa pinto.)
Jenny! I know you know something!
Eh Cindy nangako kasi ako eh.
Pag hindi mo sinabi hindi na talaga kita kakausapin.
Sis naman…
Sige lumabas ka na, ayaw na kitang makita.
Tsk! Ok, ok, I’ll tell you na.
I’m Listening.
(Bumalik siya sa pagkakaupo sa kama ko.)
Yung lalaking sinasabi mo, hindi naka-kapa. Polo niya yun na naka unbutton. Wala rin siyang espada, T-square niya yun na pinanghampas sa rapist.
Sino siya?!
Si...
Sino?! Sis naman kung makapambitin ka wagas! Spit it out!
Si Janno!
What?! Totoo ba yun?
Oo, sinundam ka namin nung pauwi ka na. Nag-aalala siya sayo. Ikaw kasi angtigas ng ulo mo eh.
Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Ang kabalyero palang hinahanap ko eh matagal ko ng kasama. Bakit ba hindi ko naisip na T-square yung broad sword?
Jenny samahan mo ako!
Saan?
Kina Janno. Gusto ko siyang makausap.
Sasagutin mo na siya?
Bahala na!
Nagbihis na ako. Agad kaming nag-para ng taxi upang pumunta sa bahay nina Janno. Pagdating namin sa bahay nila ay katulong lang ang sumalubong samin.
Manang si Janno po?
Umalis silang lahat, pumunta ng simbahan. Ngayon kasi yung kasal ni Sir.
Ganun po ba? Sige po, salamat.
Nagpahatid kami sa driver ng taxi sa simbahan. Pagbaba namin ni Jenny bigla siyang napatili.
Bakit sis?
Cindy, look!!
Tinignan ko yung bulletin board. Nakalagay ang “Miranda-Liongson Nuptials.” Halos manlambot ako sa nabasa ko. Si Janno ikakasal? Hindi puwede! Mabilis akong tumakbo sa pintuan ng simbahan, hindi ko na pinansin ang pagtawag sa akin ni Jenny. Pagpasok ko ng simbahan nakita ko ang magandang pagkakaayos ng simbahan. Ang mga putting tela, ang mga bulaklak, at ang red carpet. Pero kahit pa napakaganda ng pagkakaayos nito, para sakin, sa mga sandaling yon, iyon na ang pinakapangit na nakita ko. Bigla kong narinig ang pari;
“Lalaki, bukal ba sa iyong loob ang iyong pagparito upang makaisang-dibdib si Marianne na iyong pakamahalin at paglinkuran habambuhay?”
Dali-dali akong tumakbo at sumigaw ng “Itigil ang kasal!!!!” Nagtinginan ang lahat ng mga nasa simbahan sa aking kinaroroonan. Kitang kita ko si Janno na guwapong guwapo sa suot niyang tuxedo, kasama niya sa kanyang tabi yung babaeng kasama niya da mall a lalung gumanda sa suot na wedding gown. Angtindi ng kirot sa dibdib ko dahil sa nakikita ko. Naririnig ko ang mga bulungan ng mga tao, na baka daw buntis ako at kung ano-ano pa, pero di ko yun pinansin. Patuloy akong tumatakbo hanggang makalapit sa kinaroroonan ni Janno.
“Janno, sorry kung nireject kita. Alam kong may girlfriend ka na, ayoko kasing makasira ng relasyon.”
Nakita kong natatawa si Janno at yung bride kaya tinignan ko ng masama at sinigawan yung bride ng “Huwag kang tatawa!” Tinakpan lang niya ang bibig niya pero halata pa rin ang pigil niyang pagtawa. Di ko na yun pinansin pa. Muli akong humarap kay Janno.
“Matagal ko ng hinihintay na dumating yung Knight in Shining Armor ko, at nung dumating siya para iligtas ako, inalam ko agad kung sino yun. Pero nagkamali ako, hindi pala si Dennis yun. Ngayon alam ko na, na ikaw yung Kabalyero ko na nagligtas sa akin. This time ipaglalaban na kita, kahit pa sa babaeng yan! So please, huwag kang pakasal sa kanya…”
Narinig kong nagsalita si Janno. “Baliw ka talagang babae ka! Huwag kang mag-eskandalo dito!”
Nagtaka ako, ni hindi gumalaw ang mga labi ni Janno. “Marunong ka pala ng ventriloquism?” nasagot ko. Narinig kong nagtwanan ang mga nasa simbahan.
“Baliw! Ventriloquism ka diyan!” muling sabi ni Janno pero hindi pa rin gumalaw ang bibig niya. Nakita kong tumawa na ng malakas si Janno at yung bride.
Naramdaman ko nalang na may humawak sa braso ko. Napaharap ako at nagulat. Si Janno, nakakunot ang noo! “Dalawa kayo?!” nasambit ko na lalung nagpalakas ng tawanan sa loob ng simbahan.
“Hali ka na nga! Nakakahiya!” At hinila na ako ni Janno papunta sa mga upuan.
“Pwede ko na bang ituloy ang kasal?” tanong sakin ng pari.
“O-opo. Sige lang po.” Hiya kong sagot.
Itinabi ako ni Janno sa kanya, kahit pa puro lalaki ang mga nakaupo sa mga upuan sa pwesto niya. Nakakahiya, lahat sila naka-tuxedo, naka-barong at naka-gow,ako lang ang naka-blouse at maong.
Totoo ba yung mga sinabi mo?
Alin?
Na mahal na mahal mo ako…
Ah… Ehh…
(Hindi ako makasagot. Bigla akong tinablan ng hiya.)
Ba’t di ka sumagot?
Hindi no! Nagjojoke lang ako.
Nasa simbahan ka nagsisinungaling ka.
Ahh.. Ehh..
Ano, totoo bang mahal mo ako?
O-oo.
I love you too.
Teka, sino siya?
(Tinuro ko yung ikinakasal na kamuka niya.)
Si Ogie, kakambal ko. Nagkita na kayo sa bahay diba?
Ha? Malay ko bang hindi ikaw yun!
Hindi ka kasi nagtatanong!
Nagpatuloy ang kasalan. Nagpalitan ng singsing ang mga ikinakasal at ibinigay ng lalaki ang aras sa babae. Nang sinabi ng pari ang “Kayo ngayo’y mag-asawa na. Maaari mo nang halikan ang iyong asawa.” Ngumiti si Janno, lumabas ang nag-iisang dimple niya. Inilapit niya ang mukha niya sa akin at binigyan niya ako ng isang mainit na halik sa labi.
WAKAS
Nakakahiya si Cindy!! Hahaha. Natawa naman ako sa ventri-something! Ang ganda talaga ng mga stories mo Lawfer! ikaw na! :D Ask ko lang kung wala nang katuloy yung King of Diamonds. Nakakabitin e. :D
ReplyDelete-Charlette Paul Fabian :D