Jul 14, 2012

Asul



“Mag-iingat ka lagi dyan, anak, ha?”

“Yes ma. Don’t worry.”

“Oh sige na, bye.”

“Bye ma. Love you.”

*End Call*


Hay… Si mama talaga sobra mag-alala. Well, hindi ko naman siya masisisi. Ngayon lang ako napalayo sa kanila. Pero mga hayop nga kailangang mapalayo sa magulang sa tamang panahon para matuto sa buhay, tao pa kaya?

Kakalipat ko lamang dito sa inuupahan kong appartment. Maganda sya, maaliwalas, at maganda ang pwesto dahil malapit sa palengke, simbahan at isang jeep ride lang papunta sa university na pinapasukan ko.Medyo naakakabagot lang kasi wala pa akong gaanong gamit dito. TV nga wala. Mabuti nalang at nauso na ang mga connection cards kaya dala ko itong notebook ko para kahit papaano ay may mapaglilibangan ako.

Kasalukuyan akong nagbabasa ng ilang status update sa facebook nang bigla akong may narinig na kaluskos. Iginala ko ang mata ko sa kabuuan ng appartment ngunit wala namang kakaiba. Guni-guni ko lang siguro.

Nabagot ako sa mga status update na puro mga ka-sosyalan lang, ultimo kape nileletratuhan nila tapos i-uupload. Oo mamahalin yung kapeng iyon, pero kape lang yun, bakit kailangan pang ipangalandakan?

Nasa ganoon akong pag-iisip nang bigla ulit akong nakarinig ng tunog. This time isang mahinang kalabog. Nagpasya akong bumangon upang tingnan kung pinasok na ba ng magnanakaw ang tinutuluyan ko. Wala naman akong nakitang tao. Sabagay wala pa naman akong mahahalagang gamit dito, walang mag-iinteres na magnakaw dito.

Pabalik na ako sa kama upang muling mag-surf sa web nang muli ay makarinig ng kakatwang tunog. Ungol na ‘di ko mawari kung nahihirapan ba o nasasarapan. Baka may ginagawang milagro ang nasa kabilang akuwarto. Natawa ako sa naisip.

Hahayaan ko na sana ang mga naririnig ko nang mapansin ko ang isang butas sa dingding. Biglang may pumasok na kapilyuhan sa utak ko. Lumapit ako sa butas. Sa una ay idinikit ko muna ang tainga ko sa pader. Sa kabila nga nanggagaling ang ungol. Huminga ako ng malalim upang matanggal ang kaba sa dibdib ko sa gagawin ko. Dahan-dahan akong sumilip sa butas.

Nadisappoint ako’t napakamot nalang sa aking tainga. Paano ba naman wala akong makita kundi kulay blue. Baka kurtina nila iyon o baka naman punda ng unan. Napailing nalang ako’t bumalik sa pagbrowse sa notebook ko.

Sa sumunod na araw, habang nagbibihis ako’t naghahanda para pumasok, muli ko na namang narinig ang mga kakatwang tunog sa kabilang kwarto. Hindi ko alam kung may ginagawa talagang milagro ang nasa kabilang kuwarto o paraan niya ito upang akitin ako. In fairness, medyo tinatablan ako sa mga ungol na iyon.

Out of curiosity… Err… Oh sige, out of being a pervert na rin. Nagpasya akong sumilip muli kahit na brief lang ang suot ko. Malay natin, may makita ako na mauuwi sa… alam niyo na, hindi ko na kailangang maghubad para magsarili. ‘Di ba? Pero tulad ng kagabi, dismayado lang ako dahil wala akong nakita dun kundi yung asul na kulay. Kaya hayun, ipinagpatuloy ko na lamang ang pagbibihis. Baka ma-late pa ‘ko sa school dahil sa katarantaduhang naiisip ko.

Pagkatapos ng klase, tumambay muna ako sa mall tapos ay umuwi ako ng bahay. Pagpasok na pagpasok ko ng kuwarto ay naisip ko nalang na sumilip ulit sa butas. Pagsilip ko’y madilim pero salamat sa kakaunting liwanag mula sa labas ay nakita ko ang kabuuan ng kuwarto. Halos walang gamit. Bagong lipat lang din siguro yung nasa kabila.

Nahiga muna ako sa kama ko hanggang sa nakatulog ako. Madilim na nang magising ako dahil sa gutom. Pagbangon ko upang magluto sana nang may kumalabog ulit sa kabilang kuwarto. Kakarating lang siguro nung nakatira dun.

Dahan-dahan akong lumapit sa butas upang hindi ako makalikha ng ingay. Gusto kong makita kung ano ang hitsura nung nakatira dun. Kung kakauwi lang niya malamang ay nagbibihis na yun. Jackpot kung ganun, makikita ko ang pagbibihis niya. Pagtapat ko sa butas, andun na naman ang kulay asul na bagay. Napakutos nalang ako dahil muli akong nadismaya. Pero may kung anong init ang nararamdaan ko dahil sa ungol niya. Nauwi iyon sa pagsasariling sikap ko.

Lumipas ang mga araw, laging ganuon ang nangyayari. Pag-uwi ko ng bahay ay sinisilip ko ang kabilang kuwarto subalit minamalas lang ako dahil wala pang tao. Pag naman narinig ko na yung kalabog, kaluskos o ungol ay kulay asul lang naman ang nakikita ko.

Nawiwirduhan na ako. Sa sarili ko at sa tao sa kabila. Sa sarili ko dahil ewan ko ba, parang obsessed na ako sa nakatira sa kabila. Pinagpapantasyahan ko kahit hindi ko alam kung anong hitsura niya. Ang malala, hindi ko alam kung babae nga ba yun o baka naman lalake. Tsk! Hindi naman ako mamboboso dati, pero dahil sa kaniya parang nakaadikan ko na ang mamboso kahit wala naman talaga akong napapala.

Hindi ko na kaya, anghirap ng pag-iisip kung ano bang kasarinan nung nasa kabila. Ano bang hitsura niya? Sexy ba? Ang pakiramdam ko ay para akong tinatakam. Yun bang parang may nagkukuwento sa’yo ng tungkol sa pagkain niya ng manggang hilaw? Kahit hindi ko nakikita, naaamoy, o natitikman, naglalaway ako.

Kinabukasan, papasok na sana ako ng school nang makasalubong ko yung land lady namin. Dahil sa napapantastikuhan ako sa nakatira sa kabilang kuwarto ay nagpasya akong itanong ito sa land lady.

“Manang magandang umaga po. Sino po yung nakatira sa kabila?” bungad ko rito.

“Naku hijo, ilang buwan nang walang nakatira diyan.” Sagot nito na nagpagulo ng isip ko.

“Alam mo kasi, yung huling tumira diyan ay nagpakamatay gawa ng iniwan daw ng boyfriend. Natagpuan nalang namin na nakabigti yung dalaga. Kawawa nga eh.” Dugtong pa niya.

Kinilabutan ako. kung ganuon, multo pala ang naririnig ko? Pero… Ano yung kulay asul na nakikita ko?

“Sayang nga eh. Napakagandang bata pa naman nuon. Mestiza ba. Kaya nga maraming nagkakagusto sa kaniya dito. Lalu na sa magandang mata niya. Kulay blue kasi.”

5 comments:

  1. huhu.. at bakit binasa ko pa ito?? nakakatakot... di na ako makatulog tuloy... pero nice siya ha.. u did a good job crush..

    ReplyDelete
    Replies
    1. mamats ^w^
      parang d nga nkakatakot pgkaexecute q weh :/

      Delete
  2. bwahahahahah! ginawan talaga ng kwento! natawa ako Rue sa "Manggang Hilaw" bwahahaha :P

    ReplyDelete