Sunod na semester, kinakabahan akong pumasok dahil sa nangyari. Hindi ko alam kung anong mukhang ihaharap ko kay Martin dahil sa sobrang kahihiyan at guilt. Buong sem break kmi hindi nakapag-usap, hindi ako nakapagpaliwanag. Hindi siya tumatawag o nagte-text malamang ay galit iyon. Hindi rin ako makapag-text dahil natatakot akong mapagsalitaan niya ng masakit.
Pagpasok na pagpasok ko sa room ay iginala ko agad ang paningin ko sa buong kuwarto, hinahanap si Martin. Subalit bigo akong makita siya. Umupo nalang ako sa lagi naming inuupuan sa likod, sa tabi ng bintana. Nakadungaw lang ako duon, hinihintay ang kaniyang pagdaan habang iniisip kung paanong paliwanag ba ang aking gagawin.
Sa wakas ay dumating na siya. Nakita ko siyang nakangiti at mukhang masaya. Sana’y hindi magbago ang mood niya upang maging madali lang ang pagpapaliwanag sa kaniya. Subalit nagkamali ako, dahil pagkakita niya pa lang sa akin ay nagbago ang timpla ng kaniyang mukha, nawalan ng emosyon. Hindi rin siya umupo sa tabi ko na lagi niyang puwesto nuong nakaraang semester. Napabuntong hininga na lamang ako. Maghihintay na lamang ako ng tamang pagkakataon.
Last break. Nagpasya akong i-approach siya. Akmang iiwas siya kung kaya agad-agad ko siyang hinawakan sa braso, dahilan upang pagtinginan kami ng mga kamag-aral namin.
Bakit ba kasi?
Mag-usap tayo. Magpapaliwanag ako.
Para saan pa? Wala ka namang tiwala sa’kin ‘di ba?
Hindi naman sa ganun! Kaya nga ako magpapaliwanag para maliwanagan ka.
No need.
Tuluyan na niya akong tinalik’dan. Subalit hindi ako papayag. Kailangan ko siyang mapaliwanagan. I can’t afford to loose someone who gave importance to me again. Hinabol ko siya’t sapilitang kinaladkad papunta sa isa sa mga bench sa tabi ng chapel. Pumapalag man siya’t nananakit dahil na rin nakakahiya ang ayos naming dalawa’y tiniis ko nalang at hindi na binigyan iyon ng pansin. Ang importante sa ngayon ay magkausap kami.
Lakas din ng trip mo ah!
Look, I’m sorry kung inilihim ko sa’yo ang trabaho ko…
Dahil wala kang tiwala sa’kin ‘di ba? Gets ko na yun! Malinaw pa sa sikat ng araw na hindi kaibigan ang turing mo sa’kin.
Hindi nga ganun yun!
Eh ano pala? Alam mo, lahat ng sikreto ko sinasabi ko sa’yo eh. Buong buo ang tiwala ko sa’yo kasi kaibigan kita. Matalik na kaibigan, best friend! Tapos ikaw naglilihim ka. Alam mo ba yung nararamdaman ko nung gabing yun?
Inilihim ko nga sa’yo yun dahil kaibigan kita, pinahahalagahan kita. Natatakot kasi ako na baka pag nalaman mo ay iwasan mo ako, pandirihan. At ngayong alam mo na nga, nangyari na ang kinakatakutan ko. Iniiwasan mo na ako.
‘Di ko na napigilan pa ang damdamin ko. Naluha ako habang isinasalayay ang dahilan ng paglilihim ko sa kaniya.
Kaya nga nandito ako, nagpapaliwanag dahil kaibigan kita. Ulila na ako, walang pamilya, walang kaibigang matatakbuhan sa tuwing may problema ako, walang nagpapahalaga. Ikaw lang ang muling nagbigay halaga sa’kin, dre. Dahil dun takot na takot akong mawala ka. Ayoko nang mag-isa.
Dre…
Selfish na kung selfish! Dre kahit ikaw ang nasa lugar ko mararamdaman mo rin siguro ang takot na nararamdaman ko. Baka gawin mo rin ang ginawa kong paglilihim. Pero sana naman dre, kahit alam mo na kung ano ang trabaho ko, maintindihan mo na ito lang ang alam kong paraan upang kumita ng madali, para makapg-aral ako ulit, para makaahon sa putikan…
Bigla akong hinila ni Martin at mahigpit na niyakap ang uli ko. “Shhh… Tama na dre, naiintindihan ko na. Sorry kung naging makitid ang utak ko. Sorry kung nagtampo ako.”
Sasagot sana ako subalit nang maramdaman niya ang aking paggalaw ay lalu pa niyang hinigpitan ang yakap niya na nauwi sa puntong ang mukha ko’y sumiksik na sa kili-kili niya. Dahil dito’y mas lalu akong pimiglas upang makawala.
Bakit?
Eh dre, naligo ka ba?
Kaninang umaga. Bakit?
Kilikili mo may amoy na.
Tawanan. Parang walang nangyaring drama ilang segundo lang ang nakalilipas. Naramdaman kong tapos na ang tampuhan namin. Natutuwa ako dahil sa wakas ay wala na akong ililihim sa kaibigan ko at sa wakas ay naliwanagan na siya at tanggap niya ako.
Minsan ay kinakausap niya ako na itigil ko na ang trabaho ko, na kakausapin niya ang mommy niya upang tulungan ako sa pag-aaral subalit tumatanggi ako. Pride na rin siguro, na gusto kong umahon sa sarili kong pagsisikap. Alam kong nagtatampo siya sa tuwing tumatanggi ako sa alok niya subalit sinisiguro kong makabawi sa kaniya.
Mas lalo pang tumatag ang pagkakaibigan namin na labis kong ikinagalak. Subalit hindi lahat ay naging maganda ang takbo sa mga sumunod na buwan.
Pagkatapos ng klase namin ay nagpasya kaming tumambay muna sa mall. Habang nasa food court kami ni Martin, may isang babaeng napadaan na parang pamilyar sa akin kung kaya pinagmasdan ko siya. Namumukhaan ko ang babae. Hindi ako maaaring magkamali, si ate Linda ang nakita ako.
“Saan ka pupunta? Uy!” tanong ni Martin na hindi ko man lang tinugunan. Nagmadali akong habulin si ate Linda upang itanong kung ano nga ba talaga ang nangyari nuong masunog ang bahay namin. Naalala kong sinabi ng kapit-bahay na nagmamadaling umalis si ate Linda na bitbit ang kanyang mga gamit. Hindi ko maiwasang isiping may alam siya sa sanhi ng sunog na iyon.
Lumabas ng mall si ate Linda. Nang maabutan ko siya’y hinawakan ko agad ang kamay niya, dahilan upang mapalingon siya. Kitang kita ang gulat sa mukha niya nang makita ako.
S-stephen?!
Mag-usap muna tayo ate.
W-wala akong kinalaman! Stephen bitawan mo ako, wala akong kinalaman sa sunog!
Pumiglas siya’t nagtatakbo. Hinabol ko siya. Hinding hindi ko hahayaang makawala pa siya. Malakas ang kutob kong may kinalaman siya sa nangyari kina lola Victoria at Mommy.
Patawid na kami ng kalsada, malapit ko na siyang maabutan nang bigla akong hinila ni Martin. Kapwa kami natumba sa gilid ng daan. Kasunod nuon ang isang malakas na tunog na parang may kumalabog. Paglingon ko’y nakita kong gumugulong sa itaas ng isang rumaragasang kotse si ate Linda, kasunod nuon ang pagbagsak ng kaniyang duguang katawan sa kalsada. Tuloy-tuloy lang ang sasakyan na para bang walang nangyari, hindi man lang huminto upang tignan ang kalagayan ng nasagasaang babae.
Gulat na gulat ako. kung hindi pala ako hinila ni Martin ay kasama ako sa biktima ng sasakyang iyon.
Okay ka lang?
O-okay lang ako. Pero si ate Linda…
Kilala mo yung babae?
Oo, siya yung katulong namin dati bago kami masunugan.
Dead on arrival sa ospital si ate Linda. Nanghihinayang ako dahil hindi ko man lang siya nakausap tungkol sa nangyari nuon. Nanatiling walang kasagutan ang mga tanong na bumabagabag sa akin. Kung may kinalaman nga ba talaga siya o wala, kung sinadya ba o aksidente lang talaga.
Dumating ang summer vacation. Inaaya ako ni Martin na sumama sa kanila dahil magbabakasyon daw sila sa probinsya nila kung saan may resort sila. Nais ko sanang sumama subalit pinangunahan ako ng hiya. Isa pa’y kailangan kong mag-ipon para sa susunod na pasukan. Alam kong magtatampo siya sa’kin subalit tumanggi pa rin ako, pinaliwanagan ko na lamang siya. Upang hindi siya tuluyang magtampo’y inaya ko na lamang siya mag-mall. Kumain kami, naglaro, nanuod ng sine, sinusulit ang panahon bago sila umalis papunta ng probinsya.
Umuwi ako sa tinutuluyan ko. Nalulungkot ako dahil matagal-tagal din akong magiging mag-isa. May kasama naman ako, si Dens, pero isang mababang uri ang tingin niya sa’kin. Ni hindi kami nakakapag-usap nang hindi tungkol sa booking, o ‘di kaya’y kapag nais niya akong gamitin upang magparaos.
Nakaupo ako sa sofa, nanunuod ng TV ngunit wala sa pinapanuod ko ang atensyon ko dahil parang lutang ang isip ko. Tumabi sa’kin si Dens, iginapang niya ang mga kamay niya sa dibdib ko. Hinayaan ko lang siya dahil nasanay na rin ako. Sa tuwing gagawin niya iyon ay alam kong nais niyang magparaos.
Tulad ng inaasahan ko, may nangyari ulit sa’min. Matapos ng kamunduhang aming ginawa ay inabutan niya ako ng pera.
Ano’ng meron? Laki neto ah.
May nagrequest sa’yo, mayaman. Malaki ang binigay. Sabi gusto ka niyang ma-solo nang ilang araw kaya malaki ang binigay.
Ahh…
Wala ka namang pasok kaya pwedeng pwede ka. May susundo sa’yo bukas kaya ihanda mo na ang gamit mo. May beach daw dun kaya magdala ka na rin ng pang-swimming.
Okay.
Kinabukasan ay may dumating ngang magarang sasakyan. Driver lang ang sakay ng kotse. Ihahatid daw niya ako sa resort kung saan duon nalang maghihintay ang amo niya.
Matagal-tagal din ang byahe. Sa tantya ko’y umabot ng sampung oras paglalakbay. Gabi na nang makarating kami subalit hindi naikubli ng kadiliman ang magandang bahay na aming tinigilan. Napakalaki nito na wari’y isang palasyo. Maririnig din ang maingay na agos ng dagat sa ‘di kalayuan.
Pagbaba ko ng sasakyan ay sinalubong ako ng isang matangkad na lalaki na nakasuot ng magarang coat, maganda ang tindig, mukha siyang butler ng malalaking bahay na nakikita ko sa TV.
“This way sire.” Sabi pa nito na may susyal na punto. Nagpatiuna siya habang ako nama’y nakasunod lang sa kaniya. Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang pagmasdan ang loob ng bahay. Halos malula ako sa taas ng kisame na may magarang ilawan pa. Carpeted ang sahig, ang mga muwebles ay halatang mga antique. Napakayaman talaga ng may-ari nito.
Umakyat kami sa isang malaking stairway na para bang yung sa nakita kong hagdan sa pelikulang Titanic dahil na rin sa inukit na anghel na nakatayo sa taas nito. Kumaliwa kami’t hindi ko alam kung pang-ilang pinto ang aming hinintuan sa dami ng nadaanan kong pinto.
“This will be your room sire.” Sabi ng lalaki sabay bukas ng pinto. Pumasok ako. “Have a good night sleep.” Wika ng butler bago isinara ang pinto.
Lalu akong namangha sa gara ng kuwartong iyon. Parang kuwarto ng isang prinsipe sa palasyo dahil namumutakti ito ng mga antique na mewebles at iba pang kagamitan tulad ng magarang espadang nakasabit sa dingding. Mupo ako sa kama at halos lumubog ako sa sobrang lambot nito.
Napangiti ako.
Dumating na ba ang King of Diamonds na sinasabi sa hula ni lola Victoria? Sa yaman ng lalaking iyon ay para na talaga siyang hari. Hinubad ko ang mga damit ko. Pumasok ako sa banyo’t naligo. Hindi mawala ang ngiti sa aking mga labi. Excite na excite ako sa mga naiisip ko.
Matapos maligo’y dumeretso na ako ng higa subalit halos hindi ako makatulog dahil sa mga bagay-bagay na pumapasok sa isip ko. Para akong nananaginip nang gising. Pinilit kong makatulog upang kinabukasan ay maayos ang hitsura ko. Bukas ay makikilala ko na ang haring sasagip sa akin mula sa lusak.
Nagising ako sa lakas na katok. “Breakfast is ready sire” sigaw ng butler sabay bukas ng pinto. Pumasok siya at ang mga katulong na nakainuporme, tulak-tulak ang isang mesa kung saan nakalagay ang mga pagkain.
Wait, you mean I’m going to eat here?
Yes. It’s called breakfast in bed, sire.
I know! But I thought I’m going to meet your master this morning.
You will meet him today sire, after your breakfast.
Oh, okay. Thanks.
Binilisan ko talaga ang pagkain dahil sa excitement. Pagkatapos kong kumain ay bumangon na ako upang lumabas nang bigla akong pigilan ng butler.
Why?
Sire, your clothes aren’t appropriate for the occasion. You can take a bath first. I will personally prepare your clothes and they’ll be ready once you’re done.
Wala na akong nagawa kundi sundin ang sinabi ng lalaking parang bading na sa dami ng cheche-bureche. Naalala ko bigla ang dahilan kung bakit ako naririto, booking nga pala. Naligo ako, siniguro kong malinis ang buong katawan ko upang walang maipintas ang nagpadala sa akin dito. Itinatak ko sa isip ko na kailangan kong galingan upang mauwa sa’kin ang amo nila. Malakas ang kutob kong siya ang mag-aahon sa’kin sa mga pahirap na dinanas ko.
Paglabas ko ng banyo ay wala na ang butler. Nakita ko naman sa kama ang isang broad shorts at sando na puti, may kasama pang cap at isang pares ng sandals. Ano kaya ang okasyon?
Matapos magbihis ay lumabas na ako ng kuwarto. Sakto naman ang dating ng butler.
This way sire, the master of the house is waiting for you.
Smunod ako sa lalaki. Lumabas kami ng bahay at naglakad hanggang sa makarating kami sa isa pang bahay. ‘Di tulad ng malaking bahay kanina, parang inabandona ang bahay na pinagdalhan sa’kin ng butler. Madilim at mainit sa loob. Para itong isang bodega.
Pagpasok na pagpasok ko’y biglang sumara ang pinto. Sinubukan kong buksan ang pinto subalit mukhang naikandado na ito. Naglakad-lakad ako sa loob, pakapa-kapa upang maghanap ng malalabasan. Bigla na lang lumiwanag. Nasilaw ako.
Ilang sandali rin akong walang maaninag dahil sa sobrang liwanang. Nang makapag-adjust na ang mata ko’y iginala ko ang aking paningin. May nakita akong isang lalaking nakatayo sa gitna, nakatalikod ito sa’kin.
“Sino ka?” Tanong ko. Dahan-dahan siyang pumihit paharap sa’kin. Nanlaki ang mga mata ko nang makilala ko siya. Nanlambot ang mga thod ko, dahilan upang mapaluhod ako. Hindi ko alam ang mararamdaman. Napansin ko na lamang tumulo na pala ang luha ko.
Itutuloy…
nice story crush.. si Martin ba ang client niya??
ReplyDeletewahahaha secret :))
Deletesalamat marshy :)
eh kaw pla kelan ka mg-uupdate ng lipstick m? :o
Si Martin nga! Nice one weng!
ReplyDeleteweng mo muka mo malou :o
Deletenaku.. kelan naman to masusundan?? rue, please update ASAP hehehe
ReplyDeletelast part nlang po kya w8 w8 lang...ejo wla tlaga aq sa wistyo netong nkaraan x_x
Deletehala! baka ung tito nya na shabu dealer. he he he. or baka nga c bestfrend MARTIN. . . KAABANG ABANG.
ReplyDelete