Aug 4, 2012

King of Diamonds 5

Pasensya na kung natagalan at hindi nyo inaasahan ang ganitong ending. Anyway, try q edit ito pag sinipag ako. Minadali ko lang kasi ngayon dahil alam kong may ilang nag-aabang nito.

Sana ma-enjoy nyo.


Sa mga sandaling iyon ay tila nasaid ang lahat ng lakas ko sa katawan. Nais kong tumakbo subalit hindi ko magawa.

“Kamusta ka na, mahal kong pamangkin?” Narinig ko ang tunog ng pagkasa niya sa hawak niyang baril.

Biglang nanginig ang buong katawan ko. Dito ko napatunayan kung gaano ako kaduwag. Napakatinding takot ang bumalot sa’kin. Tuluyan na akong napaluhod habang hindi rin mapatid ang pagdaloy ng mga luha sa aking mga mata.

“Akala mo siguro hindi na tayo magkikita muli ano? Heh! Inaruga kita, pinag-aral, tapos binalak mo pa akong ipakulong…” Naglakad siya palapit sa’kin at itinutok ang nguso ng baril sa pagitan ng aking mga kilay. “Sisingilin ko na ang pagkakautang mo sa’kin.”

Ibinuka ko ang bibig ko subalit walang salitang namutawi rito. Hindi ako makasagot.

Natatakot ka? Natatakot ka sa’kin ngayon samantalang napakalakas ng loob mong isuplong ako sa mga pulis? Sabihin mo nga, ano bang ginawa ko sa’yong masama? Inalagaan kita, dinamitan, pinag-aral. Tapos iyon ang isusukli mo sa’kin?

Itinulak ako ni tito Eddie, dahilan upang mapahiga ako. Tumalikod siya. Naglakad. Umaalingawngaw ang tunog ng kaniyang sapatos sa sahig na lalong nagpatindi ng kaba sa aking dibdib.

“Kinailangan kong umalis sa sarili kong bahay nang dahil sa’yo. Kinailangan kong magtago. Natigil din ang negosyo ko dahil sa pagbubunyag mo. Kaya kailangan na kitang iligpit upang wala nang maging sagabal sa lahat ng gusto kong gawin. Pero hindi naman ako ganuon kasama eh. Bibigyan kita ng partida. Maglalaro tayo, Stephen.”

Biglang bumukas ang pinto.

“Bibilang ako ng sampu. Magtataguan tayo at ako ang tayo. ‘Di ba angsaya nun? Kaya galingan mo ang pagtatago dahil pag nakita kita…” Gamit ang kaniyang daliri ay suminyal siya na para bang mamamaril. “BANG!!!” sigaw niya tapos ay humalakhak.

“Isa…” pagsisimula niya sa pagbilang. Nagmadali akong tumayo. Tumakbo ako palabas sa pintuan.

Tumakbo ako nang tumakbo. Hindi ako makapaniwalang ganito ang mangyayari. Mula pa kagabi tuwang tuwa ako sa mga naranasan ko, pinatuloy sa napakagandang bahay at may sariling silid, todo serbisyo ang mga tauhan ni tito sa’kin, pinakain ng masarap, tapos ay ganito na. Para akong bibitayin na pinakain ng masasarap bago i-silya elektrika.

Sa aking pagtakbo’y nilalayon kong tumungo sa kalsada upang makisakay subalit nakita kong nakabantay ang ilang tauhan na nakita ko sa bahay ni tito kung kaya lumihis nalang ako ng daan.

Napadpad ako sa may kakahuyan… Hindi ko alam kung kakahuyan nga ba ito o gubat o sadyang marami lang puno. Wala na akong panahong isipin pa kung ano man iyon, kailangan kong makalayo.

Hingal na hingal na ako subalit hindi pa rin ako tumigil sa pagtakbo. Bigla nalang may himila sa kamay ko. “Shhh!! Dito tayo!” bulong nito. Si sir Mendoza!

Sir! Ano pong ginagawa niyo dito?!

Sinundan kita. Mula nung umalis ka sa’kin hinanap kita. Binabantayan kita mula sa malayo dahil alam ko babalikan ka ng tito mo upang makaganti.

Sir, sorry po sa…

Huwag natin pag-usapan yan dito, kailangan muna kitang maitakas bago hulihin ang tito mo.

Lumabas kmi sa kakahuyang yun at natagpuan ko na lamang ang sarili ko na nakasakay sa owner type jeep si sir Mendoza. Dinala niya ako sa isang motel sa bayan sa probinsyang yun.

S-sir…

Kalma lang. Tumawag na ako sa opisina para magpadala sila ng back-up. Mahuhuli na natin ang tito mo.

Salamat po sir.

Wala yun.

Uhmm.. Sir. Bakit po ninyo ginawa yun?

Ang alin?

Yung nangyari nung gabi ng graduation ko.

Tahimik. Tinitigan lang ako ni sir Mendoza na hindi ko naman magantihan ng titig. Napayuko ako.

Naramdaman ko na lang ang paghawak ni sir Mendoza sa aking baba, Iniangat niya ang aking mukha at ang sunod na nangyari ay ang pagdampi ng kaniyang labi sa aking labi. Hindi sinagot ni sir Mendoza ang aking tanong subalit naramdaman ko ang sagot niya sa mga sumunod na nangyari. Ipinaubaya ko sa kaniya ang katawan ko. Iniisip kong ito lamang ang kaya kong isukli sa kabutihang ipinakita niya sa’kin.




Kinagabihan ay dumating ang ilang pulis na kasamahan ni sir Mendoza. Ayaw akong pasamahin ni sir Mendoza at inutusang manatili na lamang sa motel para daw sa sarili kong kaligtasan. Hinayaan ko muna silang makaalis subalit palihim akong sumunod. Gusto kong makita sa sarili kong mga mata na nahuli na si tito Eddie. Duon lang ako mapapanatag.

Nagkubli ako sa mga halaman malapit sa bahay. Dinig na dinig ko ang mga putukan. Nagulat nalang ako nang biglang may nanutok ng matigas na bagay sa likod ng ulo ko.

“Hinahanap ka ng boss ko——” dinig kong parang nabilaukan sa pagsasalita yung lalaki kasabay ng pag-alis ng matigas na bagay sa ulo ko.

“Halika na!” biglang may humatak sa akin palayo. Nilingon ko ang lalaking humahatak sa’kin. Hindi ako makapaniwala.

M-martin?

Ano bang ginagawa mo rito? Kung gusto mo palang mag-beach eh di sana sumama ka nalang sa’min!

Hindi ako makasagot. Patuloy ang pagtakbo namin hanggang sa marating namin ang kalsada. Nakita kong may nakaabang na magarang kotse sa tabi ng kalsada.

“Kuya Jan—!” sigaw ni Martin na naudlot naman nang makarinig ako ng putok. Nilingon ko ang pinanggalingan ng putok at nakita ko yung lalaking nakadapa kanina, nakatutok ang baril sa’min.

Natumba si Martin. Siya ata ang tinamaan ng bala. Bigla namang may lumabas sa kotse. Yun yung lalaking salubong ang kilay na nagmamaneho nung gabing nabisto ni Martin ang trabaho ko. Dali-dali niyang bihuhat si Martin at isinakay sa sasakyan. Muling nagpaputok yung lalaki ng bumaril kay Martin, mabuti nalang at walag tinamaan sa’min.

“Sakay na!”  sigaw ng lalaking bumuhat kay Martin. Nang makasakay ako’y agad niyang pinaandar ang sasakyan.

“Ano ba kasing ginagawa mo dun? Nakita ka ng kapatid ko na bumaba ng taxi kanina kaya sinundan ka niya. Kita mo ang nangyari? Pati kapatid ko napahamak dahil sa’yo.” Kalmado subalit ramdam kong nagpipigil ito ng galit sa nangyari kay Martin. Hindi ako makasagot.

Dinala namin si Martin sa hospital. Hindi ako mapakali sa mga nangyari. Magkakahalo ang nararamdaman ko. Pag-aalala para kay Marti. Takot para sa sarili ko gayung hindi ko alam kung nahuli na ba talaga si tito Eddie. Hiya para sa pamilya ni Martin dahil nadamay nga siya dahil sa’kin, hindi ko alam kung anong mukha ang ihaharap ko sa kanila.

Ilang sandali pa’y dumating ang mommy ni Martin, kasama ang isang lalaki kamukha ng kasama ko at dalawang babae na ang isa ay yumakap sa kuya ni Martin. Ibinalita nung kuya ni Martin ang nangyari pati na rin ang kasalukuyang lagay niya. Napayuko lang ako dahil alam kong ako ang dapat sisihin sa sinapit ng kaibigan ko.

Naramdaman ko nalang na may tumabi pala sa’kin. Pagtingin ko’y ang mommy ni Martin. May nakaguhit na pilit na ngiti sa kaniyang mukha subalit hindi maikukubli sa kaniyang mga mata ang kalungkutan.

Ikaw si Stephen?

O-opo. Sorry po…

Sa bahay ka nalang muna tumuloy.

Sasagot pa sana ako ngunit tumayo na ito at tuloy-tuloy na umalis.

“Tara na sa bahay.” Sabi ng kuya ni Martin sabay hila sa’kin. Sapilitan niya akong pinasakay sa kotse.

‘Di naman kalayuan ang bahay kung kaya agad kaming nakarating. Payak lamang ang bahay, hindi mo iisiping mayaman ang may-ari nuon. Pinababa ako ng kuya ni Martin sa sasakyan at pinatuloy sa bahay upang makapagpahinga raw ako. Pinilit ko ring makatulog upang sa ganuon ay mapahinga ang utak ko sa mga nangyari. Masyadong maraming nangyari sa iisang araw lang, pakiramdam ko’y sasabog na ang ulo ko kung hindi ko i-rerelax ang isipan ko.

Kinaumagahan ay natagpuan ko ang kuya ni Martin sa kusina, nagkakape. “Gusto mong kumain muna bago tayo umalis?” bungad nito sa’kin.

Kape nalang po, kuya.

Janno.

Po?

Janno ang pangalan ko.

Ah… Sige po kuya Janno.

Hawak ko ang termos upang magsalin na sana ng mainit na tubig sa aking tasa nang muling magsalita si kuya Janno.

Gaano kahalaga sa’yo ang kapatid ko?

Po?

Anghilig mo sa paulit-ilit ano? Sabi ko, gaano kahalaga sa’yo si Martin?

M-mahalaga po.

Stressed ka ba o mahina lang ba talaga ang pag-intindi mo? Hindi ko tinatanong kung mahalaga ba siya sa’yo o hindi dahil alam ko namang pinapahalagahan mo ang kapatid ko base na rin sa mga naibida niya tungkol sa’yo. Ang tanong ko ay kung GA-A-NO siya kahalaga sa’yo.

K-kuya Janno…

Kasi ikaw napakahalaga mo sa kaniya. Kita mo nga’t sinuuong niya ang panganib para sa’yo.

Napakahalaga po ni Martin sa’kin kuya. Siya na lang ang maituturing kong pamilya. Hindi ko po kakayaning mawala ang tanging taong nagbibigay ng halaga sa’kin sa kabila ng mga imperfections ko.

Ganuon ba? Dalian mo diyan. Babalik na tayo ng Manila.

H-ha? P-paano po si Martin?

Dadalhin kita sa kanya.

‘Di naging malinaw sa’kin ang sinabi ni kuya Janno ngunit hindi na ako nagtanong pa. Mukha kasing laging iritable, baka mabulyawan pa ako kung sakaling makulita ito sa’kin.

Bumiyahe nga kami pabalik ng Maynila. Ang iniisip ko’y tutuloy kami sa ospital subalit sa bahay nila ako hinatid ni kuya Janno. Magpahinga daw muna kami bago puntahan si Martin. Nais ko sanang umuwi na muna sa bahay ni Denz upang makapagpalit subalit pinagbawalan ako nito.

Ilang araw ako nag-stay sa bahay nila na labis kong ipinagtaka. Pati ang mga katulong nila’y hindi ako pinapayagang umalis ng bahay gayung inip na inip na ako dahil mula nang dalhin nila ako dito’y hindi ko na nakita pang muli ang pamilya ni Martin. Para akong preso.

Nag-aalala din ako kay Martin. Wala akong balita sa kaniya muna nang iwan namin siya sa ospital sa probinsya. Nais ko sana siyang dalawin pero saan naman? Walang sinabi si kuya Janno kung saang ospital nila nilipat si Martin. O nilipat nga ba siya? Hindi ko alam, hindi ako sigurado.

Kinabukasan ay nagulat na lang ako sa marahas na katok sa pinto sa kuwartong tinutulugan ko. Napabalikwas ako’t dali-daling binuksan ang pinto sa pag-aakalang may sunog.

“Magbihis ka, aalis tayo.” Bungad sa’kin ni kuya Janno’t tumalikod na. Hindi man lang ako binigyan ng pagkakataon upang makapagtanong.

Nagbihis nga ako kahit hindi ko alam kung para saan ba. Ni hindi ko alam kung akma ba ang isinuot ko para sa okasyon, kung may okasyon man.

Matapos makapagbihis ay agad akong lumabas ng silid na iyon. Nakita ko namang naghihintay sa sala si kuya Janno. Pagkakita niya sa’kin ay tumayo na ito kung kaya sumunod naman ako hanggang sa garahe.

“Sakay.” Utos nito na siya ko namang sinunod.

Sa sasakyan at tahimik lang kami. Naiintimidate ako sa kaniya sa totoo lang, hindi ko mabasa kung ano ang iniisip niya. Naglakas-loob na akong magtanong.

“Kuya Janno saan ba tayo pupunta?”

“Kay Martin.” Maikling sagot nito.

“Kamusta na siya?”

“Makikita mo rin.”

Hindi na ako nagtanong pa. Ngunit base sa sinabi niya, naisip kong okay na si Martin kaya dadalawin namin siya. Masaya ako dahil sa okay na ang matalik kong kaibigan. Kaya lang nakakahiya, wala man lang akong madala para sa kaniya kahit isang kahel man lang.

Patuloy sa pag-dadrive si kuya Martin habang ako naman ay sabik na sabik nang makita si Martin. Palingon-lingon ako sa mga dinadaanan namin, hindi mapakali. Hanggang sa pahinuin niya ang kotse.

Kinabahan ako. Napakalakas ng kabog ng dibdib ko nang lingunin ko ang hinintuan namin. Isang sementeryo.

“Kuya ba’t dito tayo huminto?” kinakabahan at nag-aalala kong tanong.

“Malalaman mo din. Huwag ka nang magtanong, baka ikaw ang ilibing ko.” Pagbabanta nito na talaga namang nagpakilabot sakin.

Naglakad kami papasok. Bawat hakbang ay lalong nagpapadagdag ng kaba sa aking dibdib. Gumagapang ang kilabot sa aking balat. Ayokong mag-isip ng masama pero…

“Nandito na tayo.” Wika ni kuya Janno.

Pagtingin ko’y musuleyo ng pamilya nila. Parang maiiyak na ako, napakabigat ng dibdib ko. Ngunit pinigilan ko. Hindi ko pa talaga alam kung ano ang nangyayari. Tinignan ko si Kuya Janno, ganuon pa rin, salubong ang kilay na parang galit.

Muli kong tinanaw ang musuleyo. May taong nakatayo doon, nakatalikod sa’min. Nagkaroon ng pag-asa ang loob ko. “Sana si Martin yun.” Bulong ko sa sarili.

Pumasok ako ng nasabing gusali. Nanginginig ang kamay kong lumapit sa kaniya’t humawak sa kaniyang braso upang paharapin sa’kin. Laking pagkadismaya ko nang makitang hindi ko kilala ang lalaki.

“Bakit?” tanong nito sa’kin. Puno ng pagtataka ang kaniyang mukha.

“W-wala po.” Ang naisagot ko’t yumuko.

“Yan si Stephen.” Biglang sagot naman ni Kuya Janno.

“Ah siya ba yung bestfriend ni Martin?” tanong nito subalit nakaharap ito sa’kin.

“Oo, siya nga.” sagot naman ni Janno.

Sa wakas ay inilihis na ng lalaki ang pagkakatitig sa’kin at humarap naman kay kuya Janno. “Kamusta? Long time no see.”

“Okay naman. Ikaw kamusta, kuya Nathaniel?”

“Okay din naman. Heto’t miss na miss ko na ang kuya Garry mo.”

“Wala ka pa ring palya. Taon taon nalang hindi ka nakakalimot.”

Wala akong ideya kung ano ang pinag-uusapan nila. Ang alam ko lang ay ang nararamdaman kong lungkot sa aking kaloob-looban.

Ang sabi ni kuya Janno pupuntahan namin si martin, pero bakit dito niya ako dadalhin? Tsaka, sinabi niyang baka ako ang ilibing niya pag nagtanong pa ako. Ibig sabihin may inilibing o may ililibing. Yan ang tumatakbo sa aking utak sa mga oras na yun.

Natigil lang ako sa pag-iisip nang makarinig ako ng pamilyar na tinig.

“Napagawa ko na po ang pinapagawa nyo.” Wika nito.

Nilingon ko siya. Hindi ako nagkamali, si Sir. Mendoza nga! Pero, ano’ng ginagawa niya dito?

“Mabuti kung ganun.” Sagot ni Janno.

“Nandito rin pala Mr. Nathaniel. Mabuti naman at hindi ko na kayo kailangan pang puntahan sa opisina.”

“Anong development boss?” tanong ng lalaking tinawag nilang Nathaniel.

“Nahuli na rin po siya.” Sagot ni Mr. Mendoza.

Lumapit si Mr. Mendoza sa’kin at bumulong. “Tapos na ang lahat.”

Hindi ko maintindihan kung ano ang ibig niyang sabihin dun. Gusto ko sanang magtanong subalit namalayan ko nalang na nakaalis na pala ito.

Tinignan ko si Janno. “Nasaan na po si Martin?” tanong ko.

Iakbayan naman ako ng lalaking tinawag nilang Nathaniel. “Halika rito, may ikukuwento ako sa’yo.”

Nagkuwento naman ito, isang napakadetalyadong kwento tungkol sa buhay pag-ibig niya. Ikinagulat ko nang sinabi niyang lalake ang kasintahan nito at mahal na mahal siya nito subalit namayapa na ito. Kaya daw siya humanap ng paraan upang kahit papaano’y mapagbayaran niya ang kaniyang pagkakasala sa namayapang kasintahan. Iyon ay ang  hanapin ang dahilan ng kanilang paghihiwalay nuon at ipakulong ito.

Naguluhan ako sa mga ikinuwento nito. Ano’ng kinalam ng kwentong iyon kay Martin? Sa’kin?

Marahil ay nabasa nito ang iniisp ko kung kaya sumagot ito. “Si Dennis Marvin Miranda. Si Dennis ang sinasabi kong dahilan ng lahat.”

Nagulat ako. Ibig bang sabihin ay ang Dennis na tinutukoy niya’y ang Denz na kilala ko?

“At yung tiyuhin mong kasabwat niya. Pareho na silang nahuli ngayon ng mga pulis kaya wala ka nang dapat na ikatakot pa.” sabad naman ni Janno.

Gulat na gulat ako sa mga sinabi nila. Hindi ko inaasahang sa isang iglap ay mawawala ang mga ikinakatakot ko. Na nagawan na pala nila ng paraan ang lahat.

Pero… kung nakulong na si Denz, saan naman ako titira? Wala akong matutuluyan.

“Kung matutuluyan lang ang problema mo, pwede ka sa’min. Yung kuwartong ipinagamit namin sa’yo, sa’yo na yun.” Si Janno.

“Pero…” tututol sana ako dahil nahihiya ako. Isa pa’y, paano si Martin? Nasaan na ba talaga siya?

”Huwag ka nang tumutol, Dre!”

Nilingon ko ang pinanggalingan ng tinig na iyon. Nagulat ako nang makitang si Martin, nakaupo sa wheel chair na tulak-tulak ng kaniyang ina. Kasunod nila yung lalaking kamukha ni kuya Janno, dalawang babae at isa pang lalaking ngayon ko lang nakita.

Dali-dali akong tumayo’t sinalubong sila. Napaluhod ako sa harap no Matin at niyakap ito. “Mabuti naman at okay ka. Akala ko… Akala ko…”

“Akala mo ano?” takhang tanong naman nito.

“Akala ko namatay ka eh.” At tuluyan na akong naiyak.

“Buhay na buhay ako uy! Medyo nanghihina pa pero buhay na buhay ako!” sagot naman niya.

“Pasensya ka na hijo kung dito ka namin dinala. Alam mo kasi, birthday ng panganay kong anak ngayon kaya nandito kaming lahat.” Paliwanag naman ng nanay nila.

“Natakot po kasi ako kasi…”

“Tama na… Okay na ang lahat Dre. At bukod dun, may isa pa kaming sorpresa sa’yo.” Pagputol ni Martin sa sinasabi ko.

Dun naman humakbang palapit sa’kin yung lalaki na kasama nila. “Mr. Stephen Montereal. Ikaw ang nag-iisang tagapag-mana ng mga Monteral, lahat ng ari-arian ng lolo at lola mo’y sa’yo lahat ipinamana bilang anak ng kanilang nag-iisang tunay na anak na si Darwin Monteral.”

Halos hindi ako makagalaw sa pagkagulat.

“Alam mo kasi hijo, matagal ka nang hinahanap ng abogado ng lolo at lola mo. Pero naunahan siya ng Tito Eddie mo dahil balak niyang kamkamin ang lahat ng ari-arian nyo sa pamamagitan ng pagpaparehistro bilang legal guardian mo tapos ay didispatyahin ka na.” paliwanag naman ng lalaking kamukha ni Janno.

“Hindi mo ba ako namumukhaan, Stephen?” tanong namanng nanay nila.

Pinagmasdan ko siyang mabuti. Parang may kahawig nga siya. Para naman akong pinukol ng martilyo sa ulo nang mapagtanto kong kahawig niya si mommy.

Napangiti siya. “Ako ang Tita Beth mo.”

Oo nga pala. May kapatid si mommy na nakipagtanan daw nuon. Bakit ba hindi ko agad naisip iyon?

“Ibig sabihin hindi lang tayo best friends, pag pinsan pa tayo dre!” masayang wika ni Martin.

Masaya akong sumali sa selebrasyon nila ng kaarawan ni kuya Garry. Isa-isa ko silang pinagmasdan.

Ang panganay sa kanila ay si kuya Garry, ang tinatawag nilang King of Hearts. Si kuya Janno at ang kakambal nitong si kuya Ogie ang king of Spades at king of Clubs. Ang ibig sabihin, si Martin nga ang King of Diamonds na matagal ko nang hinihintay.

Maluha-luha akong yumakap sa kanilang lahat. Hindi ako makapaniwala sa mga nangyari. Nagkatotoo ang hula.




-End-

10 comments:

  1. kala ko magiging tragic ang magiging ending...nice one rue! :D

    ReplyDelete
  2. :D nice.. ang galing hehe connected lahat.. si Dennis ng King of Spade (ung cosplayer na Ex ni Cindy) sya rin ba si Dens?

    ReplyDelete
    Replies
    1. opo, actually ang real name niya ay Dennis Marvin Miranda
      xa ung kinaiinisan q nung high school LOL

      Delete
  3. Wow! Nice aman at ntapuz din ang paghihirap nya . Ntagpuan p ang mga tunay n kpamilya. Congratz!

    ReplyDelete
  4. As expected, maganda ang kwento. Kaso parang kulang sa detail ang huling chapter. Pero ok pa rin. Connected lng pala lahat ng kings. :)

    ~frostking

    ReplyDelete
    Replies
    1. halatang minadali po no? :))

      ejo napressure kc aq sa mga ngffollowup ng kwento, ngkataong wla pa dn aq sa mood mgsulat kya ayan kinalabasan, minadali hahaha

      Delete
  5. You're a great author, wag mong hahayaang masira ng pressure ang mga gawa mo. Kahit pa palagi naming sinasabi na gusto namin ng mabilisang update, we would still prefer stories with better quality. Though im not saying na di maganda ang storyang ito. In fact i like the ending. Yun nga lng. Kulang sa detalye.

    Now i've learned my lesson. Di na ako mamimilit ng update. :) i'd patiently wait nlng. More power, and sana maka hanap ka ng mas maraming inspirasyon sa para makapag sulat. God bless.


    ~frostking

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha salamat...
      mtagal-tagal pa cguro bago aq mkapagsulat ulit. madami akong time pero tlagang wala pa sa mood eh... :/

      Delete
    2. Wg kang mag alala. Tahimik akong mag hihintay. :)

      Delete