Apr 12, 2012

Kanlungan at Ramir

Madilim ang paligid at wala akong maaninag na kahit na ano. Ibayong takot ang aking naramdaman na pinalala pa ng hanging napakalamig na umiihip sa ‘di ko malamang direksyon. Sa harapan ko ba? Sa likuran? Hindi, ewan ko. Lubhang napakalamig na parang mga mumunting karayom na tumutusok sa aking balat. Unti-unti ay nasanay ang aking balintataw sa kadiliman. Unti-unti ay nakakaaninag na ako ng mga bagay-bagay… Ang aking kinaroroonan ay isa palang dalampasigan. Ngunit ang aking ipinagtataka ay kung bakit hindi ko marinig ang alon gayung kitang kita ko ang pag-agos ng tubig ng kagaratan sa pamamagitan ng malamlam na liwanag mula sa pitong bulan na gasuklay ang hugis.

Apr 8, 2012

Will You Wait For Me? (Author's Note)

Nais ko lamang pong ipa-alam na ang kuwentong "Will You Wait For Me?" ay nagkaroon ng kaunting pagbabago mula Part 11. May mga eksenang naidagdag kung kaya mula sa orihinal na 13 parts ay naging 14 parts na ito. Ang mga karagdagang eksena ay hindi makakaapekto sa pagtatapos ng kuwento.

Apr 4, 2012

Ganito pala ang iniisip nila!!! /omg
Kailangan ko palang mag-ingat kay Posie /e5

Apr 3, 2012

Apr 2, 2012