Dec 27, 2011

Hmmm?

Habang umiinom ako ng tubig, napatingin ako sa tray na lagayan namin ng sibuyas. Pagtingin ko ay may napansin akong green na bagay. Akala ko ay bubble gum na idinikit ng mga pamangkin ko kaya tatanggalin ko sana. Nung malapit na ang kamay ko ay bigla itong gumalaw. Syempre nagulat ako. Tinignan kong mabuti at napansing isa itong insekto. Ngayon ko lang nakita ang insektong yun kaya tinanong ko kay mama kung anong insekto ba yun, d daw nya alam kaya tinawag nya si papa, di din alam ni papa. Tinanong ko din kay lola pero di din nya alam. Kayo, alam nyo ba kung anong insekto ito?

Dec 26, 2011

Safe New Year :3

December 2010:

DOH: Delikado po ang mga paputok. Maaari tayong maputukan, bukod pa sa maraming natetetano sa mga nasasabugan.

Reporter: Ano po ang maisa-suggest nyo?

DOH: Torotot! Manorotot nalang tayo!


December 2011:

DOH: Delikado po ang torotot! Maaaring malunok ng mga bata ang pito sa torotot!

Reporter: Ano po ang mas safe na gamitin?

DOH: Pwede ang mga sirang kaserola, kaldero, palanggana. Iyon nalang po ang pukpukin natin sa bagong taon!


December 2012:

DOH: Delikado po ang mga kaserola at iba pang lumang bagay na ginagamit para mag-ingay. Maaari po tayong matetano sa kalawang ng mga ito!

Reporter: Ano po ang gagawin natin sa pagsalubong sa bagong taon?

DOH: Magtitigan nalang po tayo! Safe na safe!


December 2013:

DOH: Delikado po ang mag-titigan sa bagong taon! Baka pagkamalan tayong mga balew!

Reporter: *sigh* Ano nalang po ang gagawin natin sa bagong taon?

DOH: Magsitulog nalang tayo!

Dec 24, 2011

Rose and Dagger: Ever After

May optional ending na po na sinulat ng pasaway na si Icicles... XD
Mababasa po ang part 4 na pinamagatang Rose and Dagger: Ever After sa kanyang blog, ICE's Stories. Enjoy :3

Dec 20, 2011

Rose and Dagger: The Pierced Heart

Spinocerebellar Ataxia o SCA. Isang napakalupit na sakit na kung saan unti-unting tinatanggalan ang biktima nito ng kakalayang magkaroon kontrol sa sariling katawan. Unti-unting inaalisan ang biktima ng karapatang gawin ang maga bagay na nagagawa ng normal na tao. Ang maglakad, ang magtrabaho, maging ang magsalita. Yan ang naging sakit ni daddy. Sa murang edad ay nakita ko ang unti-unting paglamon ng sakit na yun ang pag-asa sa amin, mga nagmamahal at minamahal ni daddy.

Dec 16, 2011

Rose and Dagger: The Rose

Matapos ng gabing yun, pakiramdam ko ay nawalan ako ng direksyon sa buhay. Si Dylan ang naging buhay ko sa nakalipas na isang taon. Pakiramdam ko ay isang malaking bahagi ko ang nawala sa kanyang paglisan.

Dec 14, 2011

Rose and Dagger: The Dagger

“Hoy! Tagay mo na!” ang pabulyaw na sabi ni Stephen na nagpahinto sa aking pag-iisip. “Di baleng magtagal sa suso, huwag lang sa baso!” dugtong pa nito na tinawanan naman ng iba pang kasama namin sa inuman.

Dec 8, 2011

Dec 1, 2011

Wooden Box Of Memories

            Malamig na ang simoy ng hangin sa labas. Maraming bagay at ala-ala dito ang nagpasaya sa akin, marami ring nagpalungkot at nagpaiyak sa akin. Dumating na ang panahon upang lisanin ko ang bahay na aking kinalakihan.