Nov 23, 2011

True Love

Isa sa mga friends so sa FB ang nagpos ng isang larawan na pumukaw ng aking pansin.


Nakakaawa, nakaka-touch, subalit nung una'y inisip ko na baka edited lang ito tulad ng ibang kumakalat na pictures, na isa lang ito sa mga chain wall posts sa FB kung kaya hindi ko nalang ito pinost o shinare.

Kagabi, habang nanonood si papa ng news at ako nama'y naglalaro sa pc, narinig ko ang isang balita tungkol sa matandang naghahanap sa kaniyang nawawalang asawa. Mabilis kong iniwan ang pc at pinanood ang news.


'Di ko napigilang mamuo ang mga luha sa aking mata sa napanuod ko. 'Di ko mapigilang mainggit. Sana ay makahanap ako ng taong magmamahal sa akin, tulad ng pagmamahal ng matandang babae sa kaniyang asawa. Sa kabila ng katandaan ay sariwa pa rin ang pagmamahalan ng dalawa.