Mar 9, 2012

Will You Wait For Me? (Part 14: Finale)

Hay natapos din... Ewan ko kung magugustuhan nyo dahil signature ko na ang ganitong ending... Basahin nyo nalang po... Comments ha? hahaha
Love you guys /kis
Will You Wait For Me? (Part 14)
Cover Photo by Makki



Moy…

Moy…

Moy gising…

Gumising ako sa aking pagkakahimlay dahil sa pagtawag ng boses na musika sa aking pandinig…

“Tagal mo namang gumising…”

“Gising na’ko, huwag ka nang sumimangot diyan…” sagot ko naman sa nakasimangot na si Jayson.

“Eh kasi naman kanina pa kita hinihintay gumising, naiinip na ‘ko.” Sagot naman niya.

“Sus! Tampo-tampo… ‘Di bagay.” Sagot ko naman at ninakawan siya ng halik sa labi. ‘Di naman ako nabigo dahil yun ang nagbura ng simangot niyang labi, napalitan ng matamis na ngiti.

“Kaw ha, nananyansing ka. Bad yun!”

“Weh? Yun ang ang gusto mo eh.” Sagot ko naman.

“’Di rin.”

“Okay, kung hindi na eh di hindi.” Sagot ko’t bumangon na ako mula sa mga damong kinahihigaan ko.

“Teka lang…” sambit niya’t pinigilan ako sa pagtayo. Naupo nalang ako’t humarap sa kanya.

“Bakit?”

“Uhmm… Pwede isa pa?” nahihiya niyang sagot.

“Kala ko ba ayaw mo?”

“Kanina yun, ngayon gusto ko na.”

“Palusot! Hump!” gigil kong sagot at hinalikan nga siya sa labi.

“Talap talap naman.” Parang bata niyang wika matapos ko siyang bigyan ng halik.

“Naman! Madalas mo ngang nakawin ang halik ko nuon eh.”

“Hindi rin.”

“Hindi daw. Mamatay na ang sinungaling.” Sagot ko.

“Hahaha patawa ka talaga Moy.”

---==O==---

“Ji-ji… Gising Ji-ji…”

Iminulat ko ang mga mata ko. Medyo malabo pa ang nkikita ko pero naaninag ko agad ang mukha ng mapagmahal kong nanay.

“Nananaginip ka yata Ji-ji? Ang ganda ng ngiti mo eh.” agad niyang tanong sa’kin.

Bigla kong naalala si Jayson. Napabalikwas ako’t agad na kinamusta ang lagay niya.“Ay nay! Si Jayson po?! Kamusta na siya?”

Napabuntong hininga si nanay. “Okay na ang lagay niya anak pero—— Wala pa kaming nakikitang donor.”

Awang awa ako sa kalagayan ni Jayson. Ilang linggo na rin ang nakakaraan mula nang maaksidente siya. Magpasahanggang ngayon ay wala pa rin silang makitang donor. “Eh nay, nandiyan ba sina ninong at ninang? Gusto ko silang makausap eh.” Tanong ko sa kanya.

“Nasa kabilang kuwarto sila, kay Jayson. Tungkol saan ba ang gusto mong pag-usapan nyo ng ninong Jayson at ninang Trisha mo?” nagtatakang tanong naman ni nanay.

“G-gusto ko po kasing—” hindi ko na naituloy ang sasabihin dahil sa pagbukas ng pinto.

“Oh hayan na pala sila eh.”

Halatang nagtaka sina ninong at ninang nang marinig ang sinabi ni nanay. “Bakit?” ang sabay nilang naitanong.

“Gusto kasi kayong kausapin netong si Ji-ji. May sasabihin daw.” Sagot naman ni nanay.

“Tungkol saan ba anak?” tanong ni ninong sa’kin sabay upo sa tabi ko.

“Mamaya na yan. Kumain ka na muna Gian para lumakas ka. Ito talagang ninong mo hindi marunong mag-alaga, ‘di ka man lang muna kinamusta.” Sabad naman ni ninang na inilapag ang dala niyang basket ng prutas sa mesa. Kumuha siya ng orange at binalatan ito.

“Ako na naman ang nakita mo. Ikaw talaga Trisha… Kung ‘di lang kita mahal eh—” Sagot naman ni ninong sabay bitin ng sinasabi.

“Kung ‘di mo lang ako mahal, ano?” sumusubok na tanong ni ninang.

Hinawakan ni ninong ang kamay ni ninang at hinila siya palapit at pinaupo sa tabi niya. “Wala. Hali ka nga dito hon. May sasabihin daw ang anak nating si Gian eh.” Paglalambing nito. Panakaw na hinalikan ni ninong si ninang sa labi. Namula ang mukha ni ninang at halatang kinilig.

“Nananadya ba kayong dalawa?” parinig naman ni nanay na naka-upo naman sa kabilang gilid ng kamang kinahihigaan ko.

“Hay naku! Sorry Emily. Heto kasing kumpare mo eh.” Sagot naman ni ninang at pinalo si ninong sa balikat.

Natawa ako sa kanilang tatlo. Kahit may edad na’y sweet pa rin sina ninong at ninang, marahil ay naiinggit si nanay sa nakikita. Kung buhay pa kaya si tatay ganito din kaya sila ni nanay ka-sweet?

“Heto anak, kainin mo muna ito.” Si ninang sabay abot ng binalatan niyang prutas. Inalalayan naman ako ni ninong upang maka-upo ako ng maayos.

“Salamat po ninang, ninong.” Sagot ko naman.

“Ano ba yung sasabihin mo anak?” muling tanong ni ninong.

“Lalabas na muna ako para makapag-usap kayo.” Sabi naman ni nanay na akmang tatayo na upang lumabas.

“Nay dito lang po kayo. Gusto ko ring marinig niyo ang sasabihin ko.” Pagpigil ko sa kanya.

Nagtinginan silang tatlo. Matapos ay tinignan nila ako. “Seryoso ata yan anak ha. Ano ba yun?” si ninang.

Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan. “Gusto ko pong magpa-test. Gusto ko pong maging donor ni Jayson.”

Halatang nabigla sila sa aking ipinahayag base na rin sa paglaki ng kanilang mga mata’t tila natulala. ‘Di nila inaasahan ang aking sinabi. “S-sigurado ka ba anak?” tanong ni ninong samantalang si nanay ay naluha sa sinabi ko. Si ninang naman ay yumuko’t ikinubli ang mukha sa balikat ni ninong, marahil ay umiiyak din siya. Pinatahan siya ni ninong sa pamamagitan ng pag-akbay at pagsubsob sa mukha ni ninang sa kaniyang dibdib.

“Sigurado po ako ninong. Matagal ko na pong napag-isipan ito.” Sagot kong puno ng paninindigan.

---==O==---

“Hindi ba malalim yan?” tanong niya’t mahigpit na nakahawak sa braso ko.

“Hindi, tignan mo.” Sagot ko at lumusong ako. Hanggang baywang ko lang naman ang tubig doon kapag puno, pero dahil kakabukas lang ng patubig ay hanggang binti ko pa lang.

“Wala bang piranha diyan?” tanong pa niya, nagdadalawang isip.

Natawa ako sa tanong niya, alam ko lang sa panahon na yun ang mga piranha ay makikita sa Super Mario games. “Wala no! Hali ka na, malamig yung tubig masarap maligo!” pagpilit ko sa kanya.

Wala na siyang nagawa kundi ang lumusong sa tubig. ‘Di nagtagal ay nagustuhan na niya at halatang aliw na aliw na siya sa mga buteteng lumalangoy. Nagtampisaw kami nang nagtampisaw, tawanan, habulan.

“Bakit ganyan ang mata mo? Pusa ka ba?” bigla niyang tanong sa’kin.

“Hindi! Sabi ni nanay nakuha ko kay tatay ito. Pareho kami ng mata!” sagot ko naman.

“Pwede din ba akong humingi sa tatay mo ng mata? Sana bigyan din niya ako.” nakangiti niyang sabi.

“Sige sabihin mo kay tatay mamaya, isasama kita sa bahay.” Sagot ko naman. Nakakatawa lang kasi kapwa kami inosente sa mga panahong yun, akala ko din nilagay ni tatay yung mata sa’kin kaya kakaiba ang mata ko.

---==O==---

Naalala ko ang unang araw na nagkakilala kami ni Moy… Aliw na aliw siya sa pagtingin sa mga mata ko. “Bata pa lang po kami nagustuhan na ni Moy ang mata ko, matutuwa po siya kapag ibinigay ko ang mga mata ko kay Jayson.”

Tumingin si ninong kay nanay. Iyak pa rin siya ng iyak. “K-kung yan ang didisyon mo, anak, hindi ako tumututol.”

“Salamat po nanay.”

“Kailan mo gustong magpa-test?” tanong ni ninong.

“Ngayon na po sana kung pwede. Gusto ko pong malaman kung match kami.” Sagot ko naman.

“Sige. Sasabihan ko yung doktor para maisagawa na ang test sa’yo.” Sagot naman ni ninong. Tumayo siya’t lumabas upang puntahan ang doktor ni Jayson. Naiwan kami nina ninong at nanay. Kapwa sila hindi makatingin sa akin. Pilit nilang ikinukubli ang kanilang kalungkutan.

’Di naman nagtagal ay pumasok na yung doktor na tinawag ni ninong, kasama ang dalawang nurse na mag-aassist. Kinausap niya ako’t tinanong ng mga bagay-bagay habang kinukuhanan ako ng sample ng nurse na kasama niya.

“Doc, kung pwede po sana, kunin na ninyo ang mga mata ko sa lalong madaling panahon.” Sabi ko sa doktor.

“Anak?!” biglang sambit ni nanay na may kataasan ang boses nang marinig ang sinabi ko. “Buhay ka pa naman, bakit gusto mong mawalan ng paningin? Ayaw mo na ba talagang makakita?!” at muli, siyang naiyak.

“Nanay… ‘Di na rin naman po ako magtatagal at tanggap ko na po yun. Ang gusto ko lang po ay makakitang muli si Jayson bago pa ako pumanaw. Gusto ko pong i-describe niya sa’kin ang mga bagay sa paligid niya, gusto ko po siyang marinig na tumawa dahil sa mga nakikita niya. Nay, mahalaga sa akin si Jayson, alam niyo yan. Sana’y maintindihan po niyo ako.” Paliwanag ko kay nanay.

Patuloy lang siya sa pag-iyak na parang hindi narinig ang mga sinabi ko. “Nay…” muli kong pagtawag ko sa kanya.

Nagpunas naman siya ng luha at nakita kong pinilit niyang magpakatatag. “I-ikaw ang bahala.”

“Salamat nay.”

Natapos ang test at nag-match nga kami. Agad nilang isinagawa ang operasyon upang kunin ang ang mga mata ko na ililipat nila kay Jayson. Kinakabahan ako nang dinala ako sa operating room. Natatakot ako. Maraming katanungan ang tumatakbo sa aking isip; Paano kung hindi maging matagumpay ang operasyon? Paano kung ‘di tinanggap ng katawan ni Jayson ang mata ko? Natatakot akong masayang ito. Pero kailangan kong tatagan ang loob ko. Hindi makakatulong kung negative ang iniisip ko.

Nararamdaman ko na ang pagtalab ng pampatulog na itinurok nila sa’kin. Napapadasal ako ng putol-putol. Kinakabahan ako. Unti-unti ay bumibigat ang mga mata ko. Unti-unti ay nahulog na ako sa malalim na pagkakahimlay. This is it!




Makalipas ng dalawang buwan…




“Jayson! Jayson bumaba ka na riyan!” sigaw ni ninang na parang taong bundok. “Antayin mo lang Gian, anak ha? Alam mo naman yang batang yan, napakakupad.” Dugtong pa niya na sinagot ko naman ng ngiti.

“Nariyan na po!” sigaw na sagot naman ni Jayson. Kasunod nuon ang tunog ng pagsara ng pinto. Dinig na dinig ko ang mabibilis niyang yabag. Patakbo siyang bumaba ng hagdan.

“Angtagal mo naman. Ikaw talagang bata ka, manang mana ka sa daddy mo!” sambit ni ninang.

“Ehh ayoko pong pumunta ng sementeryo. Pinipilit nyo pa ako.” sagot niya. Natitiyak kong nagkakamoy siya ng ulo dahil nakagawian na niya yun kapag napagsasabihan ni ninang.

“Okay na po ninang, ang importante nandito na siya.” Pag-awat ko kay ninang. “Tara alis na tayo. Dadalawin lang natin ang daddy mo para batiin siya sa birthday niya tapos mamamasyal tayo.” Sabi ko’t inilahad ko ang kamay ko. Naramdaman ko naman ang mainit na palad ni Jayson na humawak sa kamay ko, mahigpit. Napangiti ako.

“Tayo na po nay.” Sabi ko kay nanay na siyang tumutulak sa wheel chair na sinasakyan ko. “Ninang alis na po kami. Sigurado po kayong hindi na kayo sasama?”

“Hindi na. Umuwi kayo agad ha? Magluluto ako ng spaghetti at pansit.”

“Opo.” Sagot ko naman.

“Sige na Trisha, aalis na kami para makauwi kami agad.” Naramdaman ko na ang pagtulak ni nanay ng wheel chair. Hindi naman bumitaw si Jayson sa paghawak sa kamay ko kahit nasa sasakyan na kami.

Pagdating ng sementeryo ay pinuntahan namin agad ang puntod ng daddy ni Jayson.

“Iwan ko muna kayo dito. Puntahan ko lang ang puntod ng tatay mo.” Paalam ni nanay.

“Opo nay.” Sagot ko. “Dito ka lang. Samahan mo ako.” sabi ko naman kay Jayson. Natuwa naman ako dahil hindi nga siya bumitaw sa’kin. Narinig ko na ang tunog mg mga paa ni nanay na papalayo.

“Happy Birthday, daddy. Sana po masaya kayo diyan. Wag po kayong mag-alala okay lang po kami dito.” Dinig kong sabi ni Jayson, nakikipag-usap siya sa daddy nya. Napangiti ako. Pinisil ko ang kamay ni Jayson.

Humugot ako ng malalim na buntong hininga bago simulan ang sasabihin. “Happy birthday… Moy.”

---==O==---

“A-ako naman ang pumrotekta sa’yo this time Moy… M-masaya na a-ako.” sabi niya na may pilit na ngiti. May naramdaman akong mainit na likido sa may hita ko. Pagtingin ko’y dugo. Nagulat ako. Tinamaan siguro si Jayson kanina. Bakit hindi niya sinabi?

Binuhat ko siya. Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas upang buhatin siya. Hindi ko na yun inintindi dahil na rin sa pagkatarantang aking nararamdaman. “Tuloooong!” Tulongan nyo kameee!” sigaw ko sa mga taong nanonood sa’min. Mabuti nalang at may dumaang trike, isinakay ko si Jayson at sinabihan ang driver na dalhin kami sa pinakamalapit na ospital.

“Moy huwag kang bibitaw… Please… Malapit na tayo sa ospital.” Naiiyak kong bulong sa kanya habang yakap ko siya sa trike.

“’Di k-ko na k-aya Moy… H-hihintayin nalang kita—— Duon—” tugon niya. Halatang hirap na siyang huminga. Parang dinudurog ang puso ko sa nakikita at naririnig ko sa kanya.

“Huwag kang ganyan! Moy Huwag ka namang sumuko oh. Ipangako mong hindi ka bibitaw Moy. Mahal kita Moy, huwag mo akong iwan!” ‘Di ko na napigilan pa ang pagtulo ng luha kong kanina ko pa pinipigilan.




“Anong nangyari?!” bungad ni nanay nang makita niya ako sa harap ng emergency room ng ospital. Napatayo ako’t sinalubong siya ng yakap.

“Tinamaan po siya ng ligaw na bala nay.” Umiiyak kong tugon.

“Ano?! Alam na ba yan ng ninong mo?” gulat na gulat si nanay.

“Hindi pa po.” Sagot ko naman.

“Sige dito ka lang. Tatawagin ko lang sila.”

Dumating silang tatlo sa kinaroroonan ko.

“Kamusta na si Jayson?” agad na tanong sa’kin ni ninong. Bakas sa kaniyang mukha ang labis na pag-aalala.

“Hindi pa po lumalabas ang doktor.” Sagot ko naman.

“Anu bang nangyayari? Bakit sabay-sabay naman.” Naiyak na wika ni ninang.

“Kamusta po si Diana?” bigla kong naitanong kay ninang, nakaligtaan ko na ang tungkol sa kanya dahil sa pag-aalala kay Jayson.

“Masama. Sabi ng doktor kailangan naming mamili kung sino ang isasalba, kung si Diana ba o yung anak nila.” Nabigla din ako sa balita. Bakit nangyayari sa’min ang ganito?

Sa tagpong iyon ay dumating ang nanay ni Diana. Mugto ang mga mata, dahil siguro nabalitaan na din niya kung ano ang nangyari sa anak niya. “Nasaan ang anak ko?” bungad niya sa’min. Inakay naman siya ni ninong papunta sa kinaroroonan ni Diana.

Lumabas ang doktor mula sa emergency room. Sinalubong naman agad siya nina ninang at nanay habang ako naman ay nanatili sa kinatatayuan ko. Parang ayokong marinig ang sasabihin ng doktor base na rin sa malungkot na mukha nito.

“Doc kamusta ang anak ko?”

“I’m sorry misis, ginawa namin ang lahat…”

“A-anong ibig mong sabihin? Anong ginawa niyo ang lahat?! Sabihin mo doktor na buhay ang anak ko! Sabihin mong buhay si Jayson!” pagsisigaw ni ninang na napakapit sa doktor at napaluhod na wari’y nagmamakaawa.

“I’m sorry po, hindi namin siya nagawang isalba. Wala na po siya.”

Para akong pinukpok ng kawali sa ulo sa narinig. Hindi ako makapaniwala. Kanina lang masaya pa kaming magkasama, kanina lang buhay na buhay siya’t nangungulit, kanina lang masaya kami. “Hindi… Sino ka sa akala mo para sabihing wala na si Moy?! Hindi ka Diyos para sabihing patay na siya!” ang sigaw ko na ikinagulat naman nila. “Buhay si Moy… Buhay si Jayson!!!” sa puntong iyon ay nilapitan ako nina nanay at ninang at niyakap ako upang patahanin.

“Nay sinungaling siya! Buhay si Moy eh… Masaya pa kami kanina eh. Magiging tatay na siya ‘di ba? Hindi niya iiwan ang anak niya— Hindi niya kami iiwan! Sinungaling ang doktor na yan!” sigaw ko.

“I’m really sorry.” Ang tanging isinagot ng doktor at tuluyan nang umalis.

Hindi ko matanggap. Nagngangawa ako dun na parang wala nang bukas. Gumuho ang mundo ko. “Gusto ko siyang makita… Nay, puntahan natin si Jayson nay… Hinihintay niya ako.” sabi ko.

“Huwag muna anak, hindi makakabuti sa’yo ang makita siya ngayon.” Sagot naman ni nanay.

“Hindi nay, gusto ko siyang makita. Nay tignan natin siya!” pagpupumilit ko. Wala nang nagawa sina ninang at nanay kundi ang samahan ako.

Hinawakan ko ang kumot na bumabalot sa kanyang katawan. Nanginginig ang kamay ko, parang ayokong hilahin ang kapirasong tela na hawak ko. Lumunok ako, huminga ng malalim. Unti-unti ay hinila ko ang kumot. Unti-unti ay bumungad sa akin ang mukha ni Jayson. Muli akong napahagulgol.

“Moy!!! Bakit ganyan ka?! ‘Di ba sabi ko huwag kang bibitaw? Moy napakadaya mo naman eh!!!” Hindi ko pa rin matanggap. Bakit ganun? Bakit sa paglisan niya nagawa pa niyang ngumiti? Nananadya ba siya?! Nakangiti siya sa kabila ng pighating aking nararamdaman. Nakangiti siya sa kabila ng mga luhang hindi mapatid ang pagdaloy sa aking pisngi.




Ilang oras na akong nakaupo, ilang oras na akong tulala. Nagluluksa ang puso’t isip ko sa ‘di ko inaasahang pangyayari. Napaka-unfair ng tadhana. Kung kailan handa na ako— Kung kailan inamin ko na sa kanya ang tunay kong nararamdaman— Kung kailan tanggap ko na ang damdaming ito— Saka pa siya mawawala.

Biglang may umupo sa aking tabi sabay tapik sa aking balikat. Tinignan ko siya, si ninong. “Gian, anak. Alam kong masakit para sa’yo ang mga nangyari. Alam ko ang nararamdaman mo at naiintindihan kita dahil ganyan na ganyan din ang naramdaman ko nang mawala ang tatay mo.”

“Ninong masakit kasi eh. Bakit kailangan niyang mawala? Bakit kailangan niya tayong iwan?”

“Ang paglisan ng isang mahal sa buhay—— Sa mga naiwan, ang sugat ay palalim nang palalim. Ang mga naiwan ay pahina nang pahina ang kalooban, isang paghihirap na walang kaparis, mga puso’y nakagapos. Sino nga ba ang mga naiwan? At sino tunay na lumisan?”

Napatingin ako kay ninong. Kitang kita ko ang kalungkutan at pagluluksa sa mukha niya. Duon lang ako natauhan. Hindi lang ako ang naiwan, hindi lang ako ang naulila ni Jayson. Napakamakasarili ko. “Ninong Jayson…” lang ang aking naitugon… hindi ko alam kung paano ko maiibsan ang kalungkutang nararamdaman niya na kung tutuusin ay mas higit silang nakakaramdam ng pangungulila.

“Pero magkaganun pa man, tuloy ang buhay. Ang bawat kalungkutan ay may katapat na ligaya. Ang bawat pangungulila ay masusuklian ng pagmamahal ng mga naiwan. Ang pagluluksa ay magwawakas din— mapapalitan ng kagalakan.” Makahulugang wika ni ninong.

“Tama po kayo. Hindi matutuwa si Jayson pag nakita niya tayong nalulungkot.” Ang sabi ko. Isang pilit na ngiti ang ipinakita ni ninong sa’kin. Pinilit ko ring ngumiti. Pinilit naming magpakatatag. Naalala ko ang sinabi ni Jayson kanina lang... 'Hihintayin nalang kita duon...'


Moy... Hintayin mo ako... Ipagpapatuloy ko ang buhay para sa'yo. Mahal na mahal kita Moy. Ikaw at ikaw lang ang mamahalin ko. Kaya't hintayin mo lang ako, magkakasama din tayo.

Nasa ganoong lagay kami ni ninong nang makita namin si ninang na humahangos. Patakbo siyang lumapit sa’min. “Hon, nakapanganak na siya!” ang balita niya nang makaipon ng hininga.

Nagkatinginan kami ni ninong. Ang kaninang kalungkutan ay biglang napalitan ng tuwa. Agad kaming tumayo upang tignan ang bata sa nursery. Kinatok ni ninang yung glass window at may ipinakita siyang papel. Binuhat nung nurse yung bata upang makita namin. Nangilid ang luha ko——

“Si Jayson.” Ang nasabi ko dahil kamukhang kamukha niya ang anak niya, ni wala kang makikitang pinagmanahan niya kay Diana.

“Oo anak, si Jayson— Siya si Jayson.” Sambit ni ninong.

Pumanaw si Diana matapos niya ipinanganak ang sanggol… Alam kong mahirap para sa nanay niya ang naging didisyon niya pero, alam niyang mas makakabuti kung ang bata ang isalba. Naging pabaya si Diana habang nagbubuntis. Umiinom, naninigarilyo, at nung minsan nga ay nahuli pa siyang humihithit ng damo. Nakakaawa nga lang dahil pati ang bata ay naapektuhan ng ginagawa niya.

Napansin naming wala yatang sense of direction ang bata dahil hindi siya tumitingin sa’min. Tinanong namin ang doktor, nalaman naming ipinanganak na bulag pala ang bata. Naawa ako subalit wala kaming makitang donor para sa bata. Magkaganuon man, naging mabuti naman ang paglaki niya maliban sa pasumpong-sumpong na hika.

Babang luksa nuon ni Moy nang bigla akong nakaramdam ng pagkahilo. Nung unang nagpa-chekup ako’y sinabi ng doktor na anemic ako kaya hindi ako nag-alala. Ngunit sa paglipas ng mga araw, napapadalas ang pagkahilo ko’t pagkahimatay. Nang magpa-chekup ako’y nagitla ako sa sinabi ng doktor, may leukemia daw ako.

Nung una’y hindi ko matanggap. Inilihim ko ito kay nanay, pati na rin kina ninong at ninang dahil ayoko silang mag-alala. Sa paglipas ng mga araw, linggo, buwan, taon— hindi ko na nagawang itago pa ito. Nabigla din sila nang ang doktor mismo ang nagsabi sa kanila nang dalhin nila ako sa ospital nang himatayin ako kasabay ng pagkakaaksidente ng musmos na si Jayson Maliwat III o Third. Hinihintay namin si ninang nuon sa harap ng bahay nila nang himatayin ako’t nabitawan si Third. Kasunod nuon ay nasagasaan ang bata dahil hindi nga niya nakikita ang nilalakaran niya.

---==O==---

“Pitong taon na din ang nakaraan Moy… Pasensya ka na kung pinaghintay kita ng matagal ha? Malapit na kitang makita ulit. Nga pala, ibinigay ko kay Third ang mga mata ko. Hindi ba gusto mo rin ng mata ko nuon? Hindi nga lang kasama yung kulay pero mata ko pa din yun. Nakakatuwang isipin na ang batang kamukhang kamukha mo’y taglay ngayon ang aking mga mata. Parang anak ko na rin siya... Anak natin Moy.”

“Gusto na kitang makausap Moy, miss na miss na kita… Miss ko na ang nakaraang pinagsaluhan natin… Kung alam ko lang na mawawala ka sa’kin nuon eh ‘di sana hindi ako nagpadala sa takot ko… Nagsisisi ako dahil sa pagbale wala ko sa ipinaparamdam mong pagmamahal… Lahat ng paghihirap sa nagdaan, pati ang pangungulila ko sa pagkawala mo, kinaya ko dahil sa pangako mong binitawan nuon——— Ang pangakong hihintayin mo ako.”

“Ninong sino pong kausap mo?” biglang tanong ni Third sa’kin.

“Ang daddy mo.”

“Nasaan po siya?” inosente niyang tanong sa’kin.

“Nasa langit.”

“Ninong kailan ko po siya makikita?”

“Matagal pa yun Third. Pero hayaan mo, pag nagkita na kami sasabihin ko miss na miss mo na siya.”

“Hmmm… Ninong.”

“Bakit?”

“Thank you po…”

Naramdaman kong hinalikan niya ako sa pisngi. Napangiti ako.

“Alagaan mo sina lolo at lola mo ha? Pati si lola ninang mo.” Habilin ko sa kanya.

“Opo ninong.”

Ngumiti ulit ako.

Nakaramdam ako ng malamig na hanging dumampi sa aking balat. “Moy? Naiinip ka na ba talaga?” ang naitanong ko. “Hintayin mo lang ako Moy… Nariyan na ako….”




Iminulat ko ang aking mga mata. Nasilaw ako sa labis na liwanag na bumungad sa akin. Unti-unti ay nasanay ang aking paningin sa liwanag. Tinignan ko ang buong paligid. Isang malawak na hardin ang kinaroroonan ko. Nakaramdam ako ng pagod kung kaya muli akong nahiga. Para akong naglakbay nang napakalayo.

Moy…

Moy…

Moy gising…

Isang pamilyar na tinig ang aking narinig. Dahan-dahan kong iminulat muli ang aking mga mata. Bumungad sa akin ang mukha ng lalaking aking minamahal. Napangiti ako.

“Tagal mo namang gumising…”

“Gising na’ko, huwag ka nang sumimangot diyan…” sagot ko naman sa nakasimangot na si Jayson.

“Eh kasi naman angtagal kitang hinihintay, nainip na ‘ko.” Sagot naman niya.

“Nandito na ‘ko, bakit nakasimangot ka pa din?” tanong ko sa kanya.

Hindi siya sumagot, bagkus ay tumingin siya sa malayo. Bahagya siyang ngumuso na parang bata.

“Sus yun lang pala ang gusto!” sabi ko’t ninakawan siya ng halik sa labi.

“Kaw ha, nananyansing ka. Bad yun!”

“Weh? Yun ang ang gusto mo eh.”

“’Di rin.”

“Okay, kung hindi na eh di hindi.” Sagot ko’t bumangon na ako mula sa mga damong kinahihigaan ko.

“Teka lang…” sambit niya’t pinigilan ako sa pagtayo. Naupo nalang ako’t humarap sa kanya.

“Bakit?”

“Uhmm… Pwede isa pa?” nahihiya niyang sagot.

“Kala ko ba ayaw mo?”

“Kanina yun, ngayon gusto ko na.”

“Palusot! Hump!” gigil kong sagot at hinalikan nga siya sa labi.

“Talap talap naman.” Parang bata niyang wika matapos ko siyang bigyan ng halik.

“Naman! Madalas mo ngang nakawin ang halik ko nuon eh.”

“Hindi rin.”

“Hindi daw. Mamatay na ang sinungaling.” Sagot ko.

“Hahaha patawa ka talaga Moy. Patay na talaga tayo no!”

“Pero ikaw patay talaga… Patay na patay sa’kin.” Sagot ko naman.

“Angkapal!”

“Mahal mo naman!”

Ngumiti siya.

“I love you Moy…”

“I love you too… Moy”




“True love doesn't have a happy ending

because true love never ends.”




-END-


22 comments:

  1. Love is a taste of paradise called HEAVEN.. at doon na nga sila Gian at Jayson..

    ReplyDelete
    Replies
    1. eh aq kea kelan m patitikimin ng matamis mong heaven?

      Delete
    2. makmak, i im in heaven by your side

      Delete
  2. wah ang bilis naman matapos.... hu hu hu... bakit ganun ang nangyari wahhhhh nakakalungkot isipin....biglaan naman...

    ramy from qatar

    ReplyDelete
    Replies
    1. ehh it's not that bad naman diba? mgkasama na sila't masaya sa kabilang buhay :)

      muli, salamat sa pagbigay ng komento mo... :)

      Delete
  3. A bitter taste of life for a sweet essence of heaven... Okay ka rue ah pinasaya mo ko at pinatay mo sila pareho! Bwahahahaha! Anyway dahil natapos mo siya bago maglinggo may pasalubong ako sa'yo pag uwi ko... ISANG PACK NG PABORITO KO CHOCNUT!!! share na kayo ni makki dun ah! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. isa lang masasabi q...

      KURIPOT!

      wahahaha

      peo okay lang, it's the thought that counts :)) tatanggapin q yan ng buong buo :)

      Delete
  4. sana may karugtong yun.... wahhhhh...doon pala sila paraiso magkikita....

    ramy from qatar

    ReplyDelete
    Replies
    1. ay sorry po wla na tlaga tong karugtong... blak q kc parang series dn tpos may iisang epilogue ang lahat, sama-sama na :)

      Delete
  5. Bittersweet ending :') Galing! Excited for your next story, Mr. Author!

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat po, sna ngpakilala ka para pa-address kta ng maaus :)

      Delete
  6. ..LAW..WILL YOU WAIT FOR ME... HAHAHAHAHAHAH..
    ....SEE YOU IN HEAVEN THEN............
    TRUE LOVE WAITS..EVEN AT THE END OF TIME......

    GANDA NG STORY..UNIQUE...A MIX OF EMOTION ANG NADARAMA KO....
    NAIINIS,,NATUTUWA,,NAGAGALIT,,NABITIN.. HASISST ...IKAW NA NGA LAW

    KEEP IT UP....MR.OTOR..
    ANOTHER STORY PLESE..

    JAZZ0903..ANG PABORITONG ULAM HAHAHAHHAHAHAH

    ReplyDelete
    Replies
    1. paboritong ulam? :)) adek ka hahaha
      ui at d2 kpa tlaga ngcomment ha? kakatats nman :x

      Delete
  7. Anak ng talaba! Naiyak na nman ako! Ano kba! hobby mo ba ang mangulekta ng luha?!
    Nabasa ko na to dati sa ibang blog. Binasa ko lng ulit at napaluha na nman ako. babasahin ko pa to ulit sa susunod parang adik lng. Hehe. Kainis ka ha-

    ~frostking

    ReplyDelete
    Replies
    1. lol
      dala lang yan siguro ng pagiging single q at laging iniiwan ng mga prev partners q kya ganyan mga nagiging ending ng mga kwento q :))


      Delete
    2. Wat? Ikaw laging iniiwan? Ang tanga nmn ng mga ex mo.

      ~frostking7@y.c

      Delete
    3. Wat? Ikaw laging iniiwan? Ang tanga nmn ng mga ex mo.

      ~frostking7@y.c

      Delete
    4. wahaha d namang, d lng kmi meant to be :)

      Delete
    5. Sana mahanap mo na ang taong mag papasaya at magmamahal sayo ng totoo. :)

      ~frostking

      Delete