“mahal mo na ba ako?”
yan ang walang sawang tanong ng phonepal/textmate kong si benjie
dahil sa pagkainip, isang gabi ay naghanap ako ng makakausap gamit ang globechat. 2.50/txt yun, mabigat sa bulsa kung kaya naghanap ako ng number ang username para diretso text nga. sa sampung tinext ko, iisa lang ang nagreply. yun nga ay si benjie o benj kung aking tawagin
sa panahong iyon ay nasa bitter stage pa ako dahil sa ex ko na 1st bf ko. sa panahong iyon ay nasa vengeance state ako, kung saang naghihiganti ako sa lahat ng miyembro ng 3rd sex na nagkakagusto sa’kin, pinaiibig at iniiwan ko silang luhaan, tulad ng ginawa ni paul sa’kin.
naging madalas na magka-text kami ni benj, hanggang sa lagi na siyang tumatawag. sinabi niyang gusto niya ako na siya namang gusto kong mangyari dahil sa nais ko rin siyang maging “biktima”.
maaalalahanin si benj, mabait at lagi akong pinapayuhan tungkol sa buhay, mga katangiang gusto ko sa kaniya.
sa tuwing magkausap kami sa phone, hindi puwedeng hindi mauwi iyon sa SOP at sa tuwing matatapos kaming magparaos ay lagi niyang sinasabing mahal niya ako na ’di ko naman matugunan. alam niya ang dahilan. alam niyang si paul pa rin ang nasa puso ko
pero matiyaga siyang naghintay
matiyaga siyang humahawak sa sinbi kong susubukan ko siyang mahaling
kahit pa wala akong planong mahulog sa kaniya
dumating ang araw na nagkaron na ako ng trabaho sa isang kilalang kumpanya sa makati.
tinawagan niya ako upang magkita kami na pinaunlakan ko naman
naghintay ako sa isa sa mga baitang ng hagdan ng megamall
hindi nagtagal ay dumating na siya
chubby, moreno, matangkad, halatang pagod at puyat. kakalabas lang sa trabaho.
ngumiti siya
sinuklian ko siya ng pilit na ngiti
inaya niya akong kumain pero tumanggi ako, bagkus ay inaya ko siyang makipagtalik na malugod naman niyang pinaunlakan
sa isang apartel sa cubao ako dinala ni benj
pinauna niya ako sa loob
tinitignan ako ng mga receptionist na dahilan upang makaramdam ako ng hiya
ibinaba ko nalang ang suot kong cap ay yumuko upang kahit papaano ay matakpan ang mukha ko
pumasok si benj at dumeretso sa may receptionist
di ko maintindihan ang pinag-uusapan nila, pero tinawag nila ako upang magpakita ng ID
nag-alangan ako, pero binigay ko pa din ang ID ko tapos ay pinapirma ako
sumakay kami ng elevator
dumeretso sa kuwartong nirentahan
habang naglalakad ay pakiramdam ko’y tinitignan ako ng lahat
napayuko ako, tila nagsisisi
subalit ako’y may paninindigan
binale-wala ang hiya at pumasok na sa kuwarto
pagpasok ay naupo ako sa kama, binuksan ang tv
naupo si benj sa tabi ko’t ngumiti
“i love you” malambing niyang wika na tinugunan ko ng
“salamat”
inaya niya akong maligo
para akong sanggol na maingat niyang pinapaliguan
bawat haplos, wala akong maramdamang malisya
bawat haplos dama ko ang init ng palad niyang nagpapakalma sa pagkatao ko
tila ba sa mga sandaling iyon ay maiiyak ako
how i longed to feel a loving touch
at sa isang halik
isang mainit na halik na puno ng damdamin
i felt loved
i felt total bliss
mahal nga niya ako
yan ang tumatakbo sa isip ko sa mga sandaling iyon
natapos kaming maligo, nahigang magkatabi sa kama
he cuddled me sabay bulong, “sana mahalin mo na ako”
those words hit me
like arrows that broke through the walls i built around my heart
tinignan ko siya sa mata
those indian eyes of him
they seem as if they’re pleading
then i kissed him
it all started with that kiss
the great wall was ruined
the bleeding heart was exposed
i felt fear, takot na mauwi na naman ito sa pagkasawi
but that fear suddenly disappeared when i saw tears runnung down his cheek
i made him happy
that kiss started it
the room was filled with moans of passin, desire, love
that kiss ignited the flame
the flame that burned for the both of us
benj gave all of him to me
and i took all of him for myself
the vengeful blaze was extinguished
the flame of hope for a new love replaced it
the heat was so intense, yet everything has to end
matapos ng tatlong oras na hiram, lumabas kami sa gusaling iyon
inaya niya akong kumain na tatanggihan ko sana subalit sinabi niyang first date daw namin iyon, panget naman daw kung di man lang kami kakain kung kaya pumayag na ako
kuwentuhan, tawanan
may nararamdaman akong kaunting hiya sa kaniya dahil na rin sa nauna pa ang pagtatalik sa pag-uusap
pero sa mga oras na iyon, masaya ako
hindi dhil sa may naikama ako
hindi dahil sa libreng pagkain
kundi dahil sa mga oras na iyon, alam kong nakawala na ako sa tanikala ng nakaraan. handa na ako para sa kasalukuyat at hinaharap, kasama si benj na siyang tumunaw sa lahat ng galit ko
sumakay kami ng bus, magkatabi’t mgkahawak ang mga kamay
nagsalita ako
mga katagang alam kong matagal na niyang hinihintay, mahigit isang taon
mga katagang galing sa kaibuturan ko na wala man sa plano ay naramdaman ko
“mahal na kita, benj”
subalit wala siyang tugon
paglingon ko sa kaniya’y tulog na pala siya
natawa ako
kawawa naman, pagod at puyat, pinagod ko pa :))
hinayaan ko siyang magpahinga
minamasdan siya sa kaniyang pagtulog
napangiti ako
ginising ko siya nang nasa crossing na ang bus
papasok siya sa trabaho habang ako naman ay uuwi sa dorm
naghiwalay kami nang gabing iyon na hindi ko man lang nasasabi sa kaniya ang nararamdaman ko
di bale, magkitita pa naman kami sa susunod na linggo, naipangako ko sa kaniya iyon
kinabukasan, papasok na ako sa training ko sa bago kong trabaho. nagtext ako kay benj.
hindi ko alam na may rally pala sa ayala ave
napakahirap ang sumakay, mas mahirap ang babaan dahil sa traffic. nang mag-vibrate ang phone ko’y di ko muna pinansin, mamaya nalang ako magbabasa ng text sa office
nagpasya akong maglakad
bumungad sa akin ang napakaraming tao, pero kailangan kong suungin ang daang ito dahil bago pa lang ako dito’t takot akong tumahak ng ibang landas, takot akong maligaw.
tulak, siko, patid, yan ang mga naranasan ko sa dami ng tao, pero binale-wala ko dahil nagmamadali ako. batid kong male-late na ako.
paglabas ko sa dagat ng taong nagra-rally, kinapa ko ang cellphone ko sa bulsa upang tignan sana ang oras
laking pagkadismaya ko, wala na ang phone ko :(
nalungkot ako hindi dahil sa nawalan ako ng phone, nalulungkot ako dahil sa sim card
duon sa sim card na yun naka-save ang number ni benj eh
wala namang friendster si benj, lalung walang facebook
paano ko siya mako-contact?
naisip ko agad ang company nila, dadaanan ko mamaya baka makita ko siya
araw-araw sa loob ng apat na buwan akong dumadaan sa company nila sa shaw, subalit ni anino ni benj hindi ko matagpuan
pero hindi ako basta sumuko
hanggang sa naglakas-loob na akong magtanong sa mga empleyado
suwerte naman at may nakakakilala sa kaniya sa mga natanungan ko
subalit laking pagkadismaya ko sa nalaman
nag-resign na daw siya mag-aapat na buwan na ang nakakaraan dahil sa depression. nagpasya daw siyang mag-abrod para makalimot.
alam ko, ako ang dahilan. akala siguro niya pinagtaguan ko na siya. akala siguro niya pinaglaruan ko lang siya. akala siguro niya'y pinaasa ko lang siya :(
bakit ba kasi nakalimutan kong sabihing yun nung gabi bago kami naghiwalay? ngayon ay huli na ang lahat.
nanghihinayang ako sa pagkakataong nasa kamay ko na pero hinayaan ko pa itong umalpas.
Nov 2, 2012
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
sad naman...
ReplyDeleteShit! Sana di ko nlng binasa to. T_T
ReplyDeleteLawfer nmn eh! :(
arte nyo naman. just like what zeal.nueve said... this story gives justice to M2M story.
ReplyDeleteHala himala! Napadaan c sir ALPO. :)
DeleteDi po ako ma arte. Tlgang adik lng sa mga happy endings. :D
ang galing ahh..wahahaha..
ReplyDeletesayang..
Kaya nabuo ang salitang sayang eh...
ReplyDeletePart 2 naman jan Rue, magkajustice lang, hehe ^_^
wlang part2 yan, d pa kmi ngkikita ulit ni benj eh
DeleteAlam mo sana nereport mo sa netwok ung sim na-nawala at para nireplace nila number mo at pati si benjie hndi rin nawala sayo,..anyway nangyare na,..sad..
DeleteAlam mo sana nereport mo sa netwok ung sim na-nawala at para nireplace nila number mo at pati si benjie hndi rin nawala sayo,..anyway nangyare na,..sad..
Deletepede ba un sa mga prepaid? d q lam eh lolx
Deleteanyway tama ka, nangyari na ang nangyari wla na tau mgagawa :)
thanks for dropping by pla
09164810254
ReplyDelete:(
ReplyDelete